7 Websites for Work from Home Job seekers


hugh williamsFor someone like me who is a work from home (home-based or freelance) employee too, it’s impossible for me not to encounter various job websites that particularly designed for us. Most of these sites are different from jobstreetjobsdb , and Best jobs Philippines especially that you don’t only have to apply, but also to bid your rate and time.

Note: I’m  just giving ideas based on my observations and experiences, I’m neither part of any of this company nor I’m an expert in this field. This list doesn’t follow any order.

Elance

So far pagdating sa quick response sa application dito ako nakakakuha. As in siguro magtugma lang ang timing ninyo ng employer, may message  na kaagad sa inbox mo.  Ang sistema nila ay may 40 connects ( parang token) ka per month kung free membership ang account mo at isang category (i.e admin support or writing and translation) lang ang puwede mong pagpilian.  Pero bago ka makakuha ng 40 connects kailangan kumpletuhin mo ang profile mo ( pati uploading ng portfolio), i-verify ang account mo ( mabilis lang naman at madali), at pag-join sa mga groups.

Ang pag-join sa mga group ay nagre-require ng test. Kung maalam ka naman sa WordPress, MS word, Google or iba pa, makakapasa ka. Maganda rin na i-download muna ang work view software nila para sa hourly work mo.  Ang per hour nila ay mas secured  pagdating sa payment at ang kanilang service fee ay 8.75% .

Writer's Table - a mini garden art by Karen Capino

Writer’s Table – a mini garden art by Karen Capino

oDesk

Sa umpisa ay 2 lang ang puwede mong apply-an sa job site na ito pero puwede mong i-push ng 20 per week kung magti-take ka ng  exam at yes, kumpletuhin ang  profile mo.  Actually, kahit maipasa mo at mataas lang ang point mo sa about Odesk’s exam magagawa mo na iyon.  Yang 20 na yan ay marami na rin lalo na kung nagta-try ka pa lang naman at saka na-get ko na rin sa pamamagitan ng limitation na ito ay mas magiging mapili ka trabahong gusto mo.

Ang version nila ng work view ay oDesk Team App. Ang limit dito ay kailangan may team ka or aprobado ng client/boss  mo. Dito ako na-windang nung una. Question: anong ginagawa ng mga timer na ito?  Kinukuha nila ang screenshot  ng monitor mo every 10 minutes so kung naka-Facebook ka, nakikipag-chat or naglalaro madadale yun sa report sa client. 10% ang cut nila per job/ project na gagawin ng freelancer.

Freelancer.ph

Kung babad ka naman sa website na ito, halimbawa nagbabasa ka ng isang content sa site or nag-a-apply ka pa sa isa, magpa-pop up sa screen yung bagong post na job ads.  distracting in a way but for serious job hunters okay yun. Kasi ang isang tip din sa kahit anong web site na binabanggit ko rito ay paunahan na mag-bid o magbigay ng proposal. Ang ayoko lang dito ay may bayad ang exams nila Php200 pero ang like ko naman sa kanila, yung malalaman mo yung chance (based sa ilang factors) mo against sa  lahat ng bidder ng particular job offer.

Onlinejobs.ph – Dito naman ang limitation ay papasok kung mababa ang ID proof mo.  Mapapataas ito sa pamamagitan ng pagpuno ng profile mo at verification ng   facebook or government IDs mo.  Nung una sadsad ako sa 43, may mga clients pa naman na naglalagay ng 50 or 60, pero nung sinabi sa akin na yung Facebook ( bagong create ko for my freelancing career) ang dahilan kawi walang activities ay pinalitan ko ng pang-blogging ko. Hayun- pumaimbulog! Iyong hipag ko dito unang nakahanap ng mga trabaho so may proof naman na succes. Bukod sa ID proof wala naman akong nakikitang limit pa sa site na ito pero unlike sa oDesk o Elance wala sata silang tracker so risk mo muna yung pagdating sa payment. Kung di ka mbayaran o may dispute sa employer puwede naman ireklamo.

Patalastas

Remote Staff

Unlike sa tatlong unang nabanggit, hindi ka magbi-bid sa site na ito kundi tutulungan ka ng alin man sa staff nila para makakuha ka ng work. Sila ang magbibigay sa iyo ng initial interview and test. Hindi pa ako aware kung ilan ang deduction nila sa pagiging recruiter ng mga work from home job seekers ( kung mayroon man) pero mas preferred nila ang mga full timer kaysa part timer lalo na sa freelance. Ang kaigihan din sa pagkakaalam ko ay karamihan ng client nila ay from Australia and London so medyo dikit sa time zone natin o papatak na day job.House for Rent 2

Virtual Coworker

Medyo similar itong platform na ito sa jobsdb and jonbstreet dahil wala ng bidding or initial interview from their company. Pero para silang pinagsama-samang jobsdb, remotestaff at oDesk dahil mayroon din silang time-tracker,  trip nila ang full time at  tila naka-focus din sila sa mga clients from Australia.

JobisJob

Full time, freelance, work from home or home based o basta naghahanap ka ng work, I recommend this site hindi sa 100 percent ng result, kundi para silang one-stop site ng halos lahat ng job ads mula sa iba’t ibang sites like JobsDB, Jobstreet, Virtual Coworker, Best Jobs Philippines or Remote Staff dito mo makikita.  If you like na  mas personalized na halimbawa home-based and part jobs, mag-subscribe ka sa kanilang newsletter, voila makakatanggap ka. Hindi mo na kailangan isa-isahin yung mga websites na nabanggit ko sa itaas.

May iba pang job sites na maganda, if you know something please feel free to comment here and tell us why.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

5 thoughts on “7 Websites for Work from Home Job seekers