Ang Pagkakatuklas ni Hoshi sa Kasa Boix


I like discovering old places with colorful stories and architecture, those are few reasons why I travel. With Kasa Boix, I don’t need go far outside of Manila (yes, not Metro Manila). Casa Boix is situated just right side of  Bahay Nakpil in Quiapo.

Casa Boix  facade

Kung manggagaling ka sa (Arsenio) Lacson Underpass at lumabas ka sa Hidalgo Street ang unang kanto na matutunton mo ay ang Kalye Ariston Bautista (formerly Calle Barbosa) street. Sa kanang bahagi nito lumiliko ang mga jeep na nagsasakay patungo sa St. Jude Shrine ( Bacood), Punta, Legarda at iba pa. Hindi ka roon liliko, kakaliwa ka at ilang lakad lang ay makikita mo na ang Bahay Nakpil ( also known as Nakpil-Bautista House). Pero dahil  Teotico-Crespo House or Kasa Boix  ang paksa ko, bago ka pa dumating doon sa Nakpil ay nadaanan mo na ang lumang bahay na tinutukoy ko.

Hindi mo kaagad mapapansin ang Kasa Boix dahil may ilang kabahayan sa ibaba nito.  Katunayan naligaw ako noong nagpunta ako at nagtanong pa, pero sa 4 na katao na pinagtanungan ko ay hindi pa rin nila alam ito . Nakatuklasan ko ito noong nag-look up -look up shake-shake ako. Ang bahay gumagamit ng solar panel na siyang tanging pinanggagalingan ng ilaw nito.

Ang interior ng Kasa Boix

Casa Boix  sala

Hapon ako napadpad sa heritage house na ito na ( na meeting place para sa Manila By Night v3 photowalk).  Tumpak iyong nagsasabing pagkagat ng dilim ay  nakadagdag sa naiibang aura ng bahay na ito, naitayo noong 1890s, ang mga ilaw.  Para naman makapasok sa bahay, dadaan ka sa madilim na paselyo sa ibaba nito pero pag-akyat mo naman sa hagdan ay doon na papasok ang grandiosa nitong Spanish style interior.

Malinis  at walang gaanong muebles sa tarangkahan at sala ng bahay, ang karamihan pa nga ng makikita mong display ay mga koleksyon at nasiping impormasyon ng Kabitbahayan sa Kalye Bautista (KKB), ang volunteer group na nangangalaga sa bahay.   Ang bahay nga pala ay pagmamay-ari na ngayon ng Society of Jesus.

             Ventilation – Isa sa kapansin-pansin sa neo-renaissance  architecture ng bahay ay  mataas na kisame (ceiling) nito at ang malaking sentrong bintana.  Ilan ito sa dahilan kung bakit maaliwalas at  sapat ang hangin na umiikot sa kabahayan. Kung ganito  ba naman ang bintana ng bahay mo, ay… ang saraaap mamintana at mag-emo!

            Kitchen and Comfort  near  the estero –  Nakalimutan ko yung  name noong  asawa ng isang prominenteng  tao na tumira rin ( I’ll update this part once I verified) sa Kasa Boix.  Sabi ni Stephen ( ng Manila by Night / KKB member) ay si Aleng ___ ang nag-request na malapit sa estero ang kusina nito dahil, take note, nanggagaling siya palagi sa estero (as their  old means of transportation) at nagmamadali para makapagluto.  Katabing-katabi nito ang Baño ( in modern term – Kubeta) na isa sa bagong  bahagi ng bahay at mas maagang bumigay.

Patalastas

Narrow hallways to rooms –  Kung tama ang bilang ko ay 3 – 4 ang pasilyo ( hallway) ang nilakaran namin na magkakadugtong at paikot sa buong kabahayan.  Makikitid ang mga ito at na-enjoy ko dahil creepy at  malakas maka-emo.

Ang Kasa Boix ay  na-convert bilang dormitorio ( boarding house) pagkatapos ng World War II at tumagal hangang 2008.  Alam n’yo ba ang isang sikat na boarder nito ay si Manuel L. Quezon lang naman.   Dito siya nanuluyan habang nag-aaral ng pag-aabogasya sa University of Santo Tomas.

Rooms – Tingin ko masuerte ang mga dating boarder ng Kasa Boix lalo na kung ikumpara sa mga makabagong boarding house.  Kahit  hinati sa dalawang dibisyon pa  ang ilang kuwarto ay maluwag pa rin ang mga ito at  na-e-enjoy ang magagandang bintana.

Kumpara sa sala ay damang-dama mo ang pagkaluma, pagkaabandonado at  pagkasira sa mga silid na ito lalo roon sa malalakaran mo sa hallway.  Tuklap na ang mga kahoy sa kisame at dingding, gayon din ang mga ginamit na mga dibisyon.

An evaluation to a Heritage House’s manifestation

Si Jose Medel Teotico ang nagpagawa at orihinal na may-ari ng bahay na ito at (sa hindi ko pa nare-research na dahilan) ay napasakamay ng Boix family ( French ata)  bago nai-donate sa Society  of Jesus.

Kung susuriin, kung hindi pa sa mga volunteers gaya ng KKB ay hindi mo na mai-imagine ang kalagayan ng Kasa  Boix at  baka  na-mention na lang ito sa talambuhay ni MLQ.  Hindi ko alam kung sakop ito ng pamahalaan para sana ay mas mabigyang buhay ito. Hindi ko rin kung ano ang plano rito ng Society of Jesus.

Anu’t ano man nakaka-emo rin yung thought na what if bahay mo ito then natigok ka at dinadalaw mo na siya bilang multo. Ano ang mararamdaman mo na makita ang  inaalagaan mong silid dati, ang kusina kung saan nagluluto si mommy at  bahay na pinag-isipang mabuti ang disenyo ay ganito na ang itsura.

Ganito na nga lang ba ang pagpapahalaga ng karamihan sa pamana ng nakalipas?



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.