E-Commerce Training Program for Pinay Entrepreneur, Business-Minded Filipinos 1


E-Commerce in Pinay entrepreneurs’ minds? Isa lang ito sa maraming napag-usapan namin ni Ms. Janette  Toral sa kanyang klase Certified E-Commerce Specialist, Entrepreneur, and Professional Training Program (CEP) na ginanap sa Business Innovations Gateway, Pearl Plaza Building Ortigas Pasig kahapon. This particular class covered many things I’m pursuing business, online career, digital marketing, blogging/ online publishing.

Intimate class of innovative and business-minded individuals

Digital Filipino  E-commerce class exercise  2Either or both, pero na-excite  businesswoman o na-miss ko ata ang pagiging estudyante kaya hindi ako  nahiyang mag-share ng aking mga experiences and ideas sa klase. I am thinking nga ngayon kung over ata at baka I give different impression pero  I just felt noon ay I’m just eager to help and participate, so it’s something to do with the atmosphere sa loob ng room.

In a way, nakatulong din siguro na kahit magkakaiba kami ng background at business ideas ng mga participants mayroon kaming specific goal and that is to learn e-commerce. Alam mo iyong  you can relate and contribute ?  Dagdag pa iyong intimate lang ang atmosphere  na may time to do everything and at the same time  hindi yakang makinig sa bright ideas ng iba.  (Ang sablay ko lang talaga ay ‘di ko nadala iyong laptop ko).

Relevance of E-commerce Training Program

Digital Filipino  E-commerce class  face to face participants 2CEP is a combination of webinar and face-to-face classes, kaya naman swak ito sa young professionals, OFWs and their families, stay at home moms, freelancers like me and other individuals who has lot of reasons to learn e-commerce .  Oo nga, siguro maraming reading materials about sa makabagong industry na ito pero I believe iba yung naaaral mo direct from the experts ( Janette  Toral and other professional insiders sa larangan na ito), may lesson plans na sinusunod so may sistema at disiplina  para unti-unting lumalalim pa ang kaalaman, mas bagay sa Pinoy kasi localized yong mga notes  ( hindi  sounds alien and  parang masyadong broad) at marami ka pang madi-discover na brands an maaaring magamit mo sa iyong negosyo.

Personally, may experience na ako se online selling pero I know hindi sapat yun to make my business successful and stay longer. Siempre hindi naman masasabing thriving business ang one-time big time deal at ang balak ko ay  established company na mapagkukunan hindi lamang ng small-time wants ko kundi magko-cover ng needs, wants and luxury ko at ng aking pamilya (oo lalim ng hugot). That’s why I recommend that we must learn e-commerce sa pamamamagitan nang maayos na paraan at mula sa reputable organization such as Digital FilipinoAIE College and Asian Institute of E-Commerce.

Advocating Pinay businesses and E-commerce 

Janette Toral E-commerce class 2Mula pa noong Multiply era ay marami na akong na-meet na online sellers na Filipina.  In fact  lalo na sa mga fair and bazaar  ay halos ang nagbebenta ay mga babae na manifestation ito na pagdating sa entrepreneurship ay ganadoa ang mga Pinay.  Iyon nga lang pagdating sa pagtrabaho sa online selling and marketing ay iilan pa lang talaga ang kuma-career.  Isa itong katanungan hindi lamang sa bilang ng mga naka-up na websites at fan page, kundi rin sa  mga nag-aaral ng e-commerce. I don’t think din kasi na  iilan lamang ang tech-savy at naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng malalim ng pag-aaral nito para sa atin.  Higit sa larangan ng teknolohiya,   iba’t ibang aspeto nito (gaya na lamang ng payment method, delivery at magandang peg), at anu pa ang kaya mong i-push na limits.

Digital Filipino  E-commerce class FactsSa aking tantya, may ilan na ang tingin sa e-commerce ay isang concept pa lamang. Marami ang pinaghahawakan pa lamang ay kung ano ang nakasanayan o kaya naman  takot kasi medyo bago sa kanilang paningin. Kung isa kang negosyante o may passion sa business, you need tap different channels para sa iyong dream. At ang pinakamabisang gawin para maibsan hanggang sa tuluyang maglaho  pangamba ,  kawalan ng sapat na kaalaman at mapalago ang pagnenegosyo ay ang pag-aralan ito.  Tandaan halos lahat ng industriya ay aktibo na sa digital at mas marami na ngayong potential costumers ang mas online.

Para sa iba pang detalye ng   Certified E-Commerce Specialist, Entrepreneur, and Professional Training Program (CEP)…

If you want to receive an exclusive 10% discount for the Certified E-Commerce Specialist, Entrepreneur, and Professional Training Program, just fill up this form and a discounted billing will be emailed to you.









Janette Toral will send an email confirmation link to ensure no one is adding you without consent. Kindly check your bulk or spam folder in case it doesn't arrive in your inbox. Once confirmed, you will receive an e-mail that has the discounted e-mail billing.

 

Disclosure:  Hoshilandia is an online lead generator for DigitalFilipino Training Programs

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


One thought on “E-Commerce Training Program for Pinay Entrepreneur, Business-Minded Filipinos

Comments are closed.