Money Management? Wow Big words! Parang course sa college o usapang board meeting. Pero ‘lam mo, isa rin ako sa mga Pinoy na mas gugustuhin na magbasa ng showbiz tsika o manood ng ngumangawa sa telenobela kaysa pagtyagaan ang maikinig sa diskusyon tungkol sa pera (zzzzz mode lang). Pero dati iyon, dahil napagtanto ko na mas mababawasan ang aking mga alalahanin sa buhay kung marunong akong humawak ng aking kinikita.
Kinalaman ng pagba-budget sa pag-asenso at money management?
Marami akong kwento pagdating sa trabaho, part time jobs at sideline business. Pero isa sa pinakapunto kung bakit ko ginawa at patuloy na ginagawa ang mga ito ay dahil sa gusto kong kumita ng pera. Tama nga na huwag maging tamad, umasa lamang sa tulong at magastos para umasenso kaya dapat matutuhan na mag-budget.
Ansabehhh? Mag-budget daw!
Ang budget siguro ay mas tamang linya para kina Nanay, Tatay, Mommy, at Daddy Pero hindi rin! Kung tutuusin kaya nagiging parang mystery ang pagkawala ng salary payday after payday ay dahil unang-unang ay walang money investigation or inventory. Parang auditing, connect the dots o puzzle — dapat may masusing pagta-track ng iyong expenses at pagkakaroon ng right allocation of funds pang-small o big goals man.
Right, another boring stuff…
But not really! I’m sure you can do it too because sabi nga “if there’s wheel there’s a moving vehicle’ (chuz sariling gawa).
Sino ang pinakamatinding kontrabida sa personal finance?
Marami! Puwedeng iyong kamag-anak na akala ay part ka ng Top 10 Richest Men in the Philippines o iyong kasamahan mo sa work na benta ng benta ng produkto mula sa kung anong direct selling or networking companies.
Pero hindi rin e, dahil ang hardest and bit&*^st rival pagdating sa iyong personal finance o pananalapi ay ang iyong doppelganger sarili. Ang self-discipline ay para bang obsolete term pero ‘pag wala ka nito, dead end. Kahit malaki ang iyong sahod at may iba’t iba kang pinapasok na negosyo ay parang nakatalungko sa iyo ang maraming dating Php 500 if you don’t know how to save and budget.
Anong gagawin sa na-save?
Marami rin siyempre, pero kung hindi ka magiging alert ay Day and Dong ‘yong inipon mo nang one month in less than one hour, voila, puwedeng mawala! Pansin mo? Katumbas ng isang malaking gastos ay pagwaldas din ng paggugol mo sa pagkita, pagtitipid at pag-iipon kaya dapat maging wais.
So ano ngang gagawin?
Puwedeng sa maliit na negosyo na hindi malaki ang risk pero siguradong kikita, pagkuha ng insurance na may magandang package, pag-invest sa stock market o mutual fund. Tricky rin ang mga ito dahil sa maraming naglipanang company (legal or illegal) na nag-o-offer ng magandang produkto o serbisyo. Pero kung usapang investment tayo, ang isa sa pinakamainam na puhunan ay ang pag-i-invest sa edukasyon. Walang katumbas ang ‘learn from the expert’ dahil mapapabuti ang iyong pananaw at kabuhayan. Tulad na lamang sa usapang Money Management na sadyang maraming eksperto (iyong iba nga lang may karugtong na “daw”)
Financial Literacy is a key Money Making and Wealth Creation
Isang araw nagkuwento sa akin ang kuya (isang PWD) ko na sinasama daw ang kagrupo nya sa isang livelihood program. Tinuruan daw sila gumawa ng siomai. IMHO, hindi livelihood program iyon kahit ang pagtuturo ng paggawa ng sabon, kandila, at iba pang handicraft LANG. Bakit? Do it your self seminar yun e. Kung talagang concern kung sino man ang may pasimuno ng livelihood program na iyan dapat tinuturo rin ang tamang paghawak ng pera ( money management), pangungutang (good and bad debt), marketing, inventory, at iba pang kinakailangan sa business management. Kung DIY or art class lang naman ang gagawin huwag ng tawaging Livelihood Program. You have to tell people na ang pera para kitain at lumago i-manage mo nang tama.
In fairness, hindi naman lahat ng financial seminar o book ay mahal. May Php 10 to Php 50 pa nga like Ang Pera na Hindi Bitin. Isa sa sinusundan kong financial expert and motivational speaker ay si Chinkee Tan. Naka-attend na ako noon sa talk niya sa Steps to Financial Peace at masasabi kong touching ang kanyang turo at pananaw sa buhay. Isa ako sa mga napa- ‘oo nga no!’ sa mga binanggit niyang simpleng self-discipline pero life-changing ang result.
Alam mo iyong ‘duhh so hirap to discipline myself,’ matuto ng personal finance at ma-track ang expenses o makapag-budget kung walang proper guide. Kaya siguro may teacher na, adviser pa, at guidance counselor pa sa schools?
Pingback: 5 Things to Do for Somebody This Yuletide Season - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: 5 Career Tips for Filipino Millennials, Pinoy Yuppies
Pingback: Paano Magkakapera sa Direct Selling?
Pingback: 5 Money Mistakes of Filipino Yuppies
Pingback: Bakit mahalaga ang pagbabayad ng utang? | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
Pingback: Hoshi News Express: i-Blog, Social Media, E-Commerce, and Chinkee Tan | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI