While reading How I Made My First Million Through Direct Selling by Chinkee Tan and April issue of Entrepreneur Magazine alternately, I notice that this quote- “If you think education is expensive, try ignorance” is mentioned both in these materials. The said meaningful line was incidentally related to my dream on June 5, which reminds me about the value of education.
(Invitation! please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more motivational tips and stories. Salamat and Mabuhay 🙂
READ: How I Made My First Million
Allow me to share my dream last Friday:
Nagising daw ako 6am nang umaga at ang pasok ko ay 7am. Kahit malapit naman iyong school ay tinamad na ako na maligo at magbihis para pumasok. Naisip ko na mag-half day na lamang. Pero dahil na-realize ko na hindi naman ganun ang kalakaran sa school gaya ng ginagawa ko sa pag-oopisina ay nagpasya ako na huwag nang pumasok.
Ang siste ay na-realize ko sa dream ko na nag-enroll ako sa grade 6 kahit mayroon na akong degree dahil sa free ito. Doon din sa panaginip ko ay pinagalitan ko ang sarili ko na wala rin kwenta ang pag-enroll at pagiging free nito. Hindi ko rin naman pinapasukan. Subalit, may instance sa panaginip ko na sinabi ko sa isang guy na ‘siguro puwede akong valedictorian kasi ‘di ba nag-take ako ng education na sobrang basic.’ Pero paano ko nga ba ma-attain yun kung unang-una ay hindi naman ako pumapasok sa klase?
This dream gives me the idea that whether you already an expert on something or pursuing new field, you still have to exert effort to learn and do it. You can’t attain your dream without educating yourself.
Education is a privilege, right or opportunity?
Kung babalikan ang kasaysayan, hindi lahat ay pinagkalooban ng karapatang makapag-aral lalo na para sa mga kababaihan at mahihirap. Magkagayon pa man ay hindi naging hadlang ito para ang ilan ay magpaka-dalubhasa sa kanilang napiling larangan. Numero uno na rito ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Naging manunulat, pintor, doktor at iba pa si Rizal dahil sa kanyang pagpapahalaga sa pag-aaral. Ika nga niya sa Noli Me Tangere (Pilosopo Tasyo) ay…
“Habang iyang edukasyo’y nakaluklok sa dambana,
kabataa’y yumayabong nang mabilis at sagana,
kamalia’y sinusugpo sa tibay ng kanyang nasa,
nararating pati langit ng magiting niyang diwa;
sa siklab ng edukasyon kasamaa’y humihina,
alam niyang paamuin iyang bansang walang awa,
ang mabangis ay nagiging bayani ng kanyang lupa.”
Sa modernong panahon magkakaiba ang pananaw ng marami pagdating sa edukasyon. Puwedeng isa itong karapatan na hindi dapat ipinagkakait at oportunidad para sa magandang kinabukasan. Subalit, tulad ng palaging laman ng balita noon pa ay maraming Pinoy ang napagkakaitan ng karapatan at pagkakataong makapag-aral. Mayroon pa nga na masuwerte na ang makatuntong ng high school. Iyon nga lang, kung sino naman ang pinagpalang may pampaaral ay hindi naman nagsusumikap. Napagtatanto na lamang ng mga ito ang kanilang pagkakamali sa bandang huli. Marami akong kakilala na mga ganito na tila nabubuhay na lamang sa ‘what if’ dahil sa pinalagpas na pagkakataon. Miski nga ang awitin ni Nonoy Zuniga na kinanta rin ni Fernando Poe Jr , Doon lang, ay nagpabatid ng halaga ng edukasyon.
“Kung natapos ko ang aking pag-aaral
Disin sana’y mayron na akong dangal
Na ihaharap sa’yo at ipagyayabang
Sa panaginip lang ako may pagdiriwangYaman at katanyagan sa akin ay wala
Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa
Ang aking ina ang tangi kong tagahanga
Sa panaginip lang ako may nagagawa”
Studying is not your key to get jobs?
Naalala ko yong teacher ko sa T.H.E. na si Ma’am Josephine Tayag (kung nasan man s’ya) na nagtanong sa amin bakit gusto namin mag-aral. Siyempre kanya-kanya kami ng sagot, ang sabi niya ay mag-aral ka para sa sarili at hindi para sa ibang tao. Parang selfish ano? Pero sang-ayon ako sa kanya dahil ang edukasyon ay para maging mainam at mahusay sa napiling larangan, pamilya, minamahal , pakikipagkalakalan, at miyembro ng lipunan. Bagaman mainam ang pagkakaroon ng magagandang asal gaya ng pagtulong at pagkalinga, mas napapaigi ito ng edukasyon. Kaya naman kontra rin ako sa nag-aaral para lamang makahanap ng magandang trabaho pakatapos o dahil gusto ng magulang. Hindi nakukuha ang totoong saya at punto ng edukasyon.
Samantala ang pagtuturo sa sarili at iba ay mas maigi kaysa basta pagtulong dahil hindi lahat ng klase ng pagtulong ay palaging nakakabuti. Minsan pa nga ikaw na tumulong, ikaw pa ang naagribyado at baka nangongonsinti sa maling pag-uugali ng iba. Sabi nga…
“Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you feed him for a lifetime.”
Sa pinakahuling ulat na nakuha ko tungkol sa unemployment ay nasa 2.6473 million pa kasama sa tinatayang 40. 11million. Maganda na raw ang pigura na ito base sa ulat ng GMA News, gaya na rin ang pag-igi ng bilang ng underemployment sa Pinas.
Kung aanalisahin din, kaya marami ang walang trabaho dahil sa misinformed at lack of knowledge. Hindi na lamang ito usapang may diplomang maipapakita o nagtapos sa isang respetadong eskwelahan. Mas limitado ang kaalaman ng taong hindi rin nagsusumikap na matututo, sa loob at labas man ng eskwelahan. Isa sa naiisip ko ritong halimbawa ay noong nagtapos ako. Ang tindi ng kumpetisyon noon at iilan lang ang kumpanya na puwedeng pasukan. Subalit, para sa mga naghahanap at nagsisikap na matututo ay kaya mong gumawa ng sarili mong oportunidad. Nagpapasalamat ako na kahit na nagsimula sa maliit at para akong weird ay nagkaroon ako ng interes na dumalo sa iba’t ibang seminar and workshop. Lalo na kapag Php 500 to Php1500 lamang at sakto na may pera ako. In the end ay nagkalakas ako ng loob na mag-freelance at kinakaya ko ito dahil nakakakita ako ng mas maraming oportunidad. Siguro kung di rin ako naging observant, palabasa, naghangad na matuto, sumubok na mag-blog, mag-sideline ay baka yung mentality ko ganun pa rin- “magtitiis na maghintay sa tawag ng sikat na company.”
READ: Blogging and Social Media training
“If people know more than they would be less susceptible to scams or buying products. They don’t and won’t really need. Instead, they would build up their wealth and protect it in all possible ways. That means allocating some money for seminars, books, resources, instead of throwing money away that become worthless overtime,” Rienzie Biolena shared on his article entitled Money Down The Drain, Entrepreneur Magazine April 2015
Build Business according to your gut and ability only?
Sabi nga ni Chinkee Tan “Never invest in something you do not know, no matter how profitable it maybe,” sabi naman noon sa Hoy Gising “walang maloloko kung walang magpapaloko.” Paano mo naman malalaman ang isang bagay at hindi ka maloloko kung hindi mo pinag-aaralan? Totoo naman din marami ang pumapasok sa kung anu-anong investment dahil lang sa promise na magandang kita. Dagdag ko rin na hindi naman lahat nang naluluging pamumuhunan ay dahil sa panloloko o mahinang sistema, kundi dahil sa kakulangan ng kaalaman at diskarte.
READ: E-Commerce Training
Bagaman may pinagpala na maging matagumpay sa pagnenegosyo kahit hindi naman nakapagtapos, hindi mapapasubalian na nakatulong ang pagkakaroon ng basic education sa kanila. Dagdag pa rito ay mas napapalago ang negosyo kung may market research, feasibility study, innovation at pag-level up ng kanilang technology. May mga nakausap ako na ganito ang ginawa ng mga anak na sumalo ng family business ng kanilang magulang. Nandoon na iyong business pero mas yumabong at lumawak dahil sa kanilang karagdagang input.
Kaya naman ngayong pasukan, nawa’y mas marami ang makapag-aral at mag-aral nang mabuti. Educate for your own good and dreams.