6 Filipino singers from Talent Shows


Hindi ko na alam kung kailan ako nagsimulang mahilig sa mga talent shows pero iyong huli ay  talagang sinubaybayan ko ang  Asia’s Got  Talent  kung saan nanalo ang bet kong El Gamma Penumbra at nag-runner  up naman ang iba pang  Filipino talents  – ang Junior New System,   Gerphil Flores at  Gwyneth Dorado.   Wala pa akong na-meet  ni isa sa kanila pero  may ilan na akong nakita sa personal na mga artistang sumikat dahil sa pagiging contestant  o winner sa mga talent show. Sino-sino nga ba? Naalaa nyo pa kayang galing sila sa isang artista search?

Charlie Green

with Charlie Green and Jube of Verjube Photographics

Charlie Green

Ang half Filipino- half British na si Charlie Green pa lang ata ang na-meet ko na Pinoy na sumali sa isang international talent show- ang Britain’s Got Talent.  Ten years old pa lamang si Charlie nang sumali s’ya sa nasabing contest kung saan isa sa judge ang pamosong si Simon Cowell ng American Idol and X Factor (   may-ari  rin siya ng label ng One Direction).   Hindi man s’ya pinalad na maging winner ay tumatak ang kanyang persona at malamyos lalo na’t ang  kinakanta niya ay standard music.  Para mong pinaliit sina  Paul Anka, Michael Buble at Christian Bautista sa kanyang boses pero siempre may  ibang timpla niya.

Pebrero 2012 ko siya napanood sa Eastwood Mall Open park  na kung saan ni-launch niya ang kanyang  Rainbow Album.   I don’t know kung ano ang record sales ng album at kung ano na ang latest sa kanya. Pero in person ay medyo mahiyain siya at straight forward kung sumagod sa mga tanong sa kanya ng press that time.

Jonalyn Viray

Si Jonalyn Viray ang kauna-unahang champion ng Pinoy Pop Superstar  na hino-host noon ni Regine Velasquez.  Kabi-kanbila noon ang mga singing contest na gawang Pinoy bago pa ang nagsulputan ang mga franchise shows. Na-meet ko siya bago pa siya nagpaayos ng ilong ( hindi naman siya nahihiya na aminin) at La Diva. Kaya naman masasabing bagitong-bagito pa s’ya noon at ngayon nga ay isa siya  sa mga prized possessions ng Kapuso Network.

Advertisements

Jonalyn Viray

Gerald Santos

Dalawa ang natatandaan ko noong na-meet ko si Gerald Santos ( second winner sa  Pinoy Pop Superstar)  sa album launch ng kanyang album sa Hard Rock Café noong 2006 or 2008 – Idol n’ya si Gary Valenciano at nanalo ako sa raffle doon.  Sa pagkanta wala ka naman masasabi sa kanya, dahil may boses naman talaga. Siguro  nauso lang yung syndrome  na dapat nauna ka sa batch ng singing contest (  check Sarah, Erik,  Yeng Constantino etc).   Bukod doon talalga kailangan mo nang matinding X factor at pag-evolve. Hopefully makagawa pa siya ng ilang projects, nagta-teatro ba siya ?

Gerald Santos

Mark Bautista

Dati kung nasaan si Sarah Geronimo nandoon si Mark Bautista, hindi lamang pagdating sa kantahan kundi sa pag-arte. Isang naalala kong project nila together ay film adapation ng Lastikman na unang ginampanan ni Vic  “ Bossing” Sotto kaya siguro hindi masyadong nag- click – read  comparison.   Bukod ata dito ay kasama rin si Mark sa first kapamilya show ni Sarah, ano pa eddie Princess Sarah.

Pero gaya ng  na-blog ka na noon, title Mark Bautista: Superb Singer, Proud Bisaya, ay pabor ako sa kanya dahil sa kanyang buong boses at kabaitan sa pamilya. Huling balita ko sa kanya ay may problema siyang pinagdadaanan pero mayroon din siyang big musical play project. Bagay  naman sa kanya ang ganyang project because he can sing, act and dance.

Mark Bautista

Sam Concepcion

Aaminin ko na hindi ko gusto dati si Sam Concepcion noon sa Little Big Star ( Big Division) kasabay sina Gian Barbarona at Charice Pempengco.  Feeling ko kasi nanalo siya dahil sa commercial package niya, hindi sa talent. Pero lately napatunayan naman ni Sam ang kanyang staying power, versatility and  talents .  Hindi nga ba’t ilang musical play ang kanyang pinagbidahan, characters sa teleserye  ginampanan  at isa siya sa mga young  Filipino artists  na kahit isalang mo sa  variety show, dancing show at drama anthology hindi  pakakabog.

Pero teka hindi lang yan, noong ma-meet ko si Sam sa album launch ni Christian sa Ramsky Tomas Morato ay wala… guwapong-guwapo lang ako.  Saka wala s’yang ere, siguro mahiyain pero hindi mo mapi-feel na pinaplastik ka niya.

Sana madagdagan  pa  yung mga hit songs  niya, naantiling favorite ko ang kanta niyang Dati together with Tippy Dos Santos at Quest.

Teka bakit ba walang dancing show sa Pinas, yung hindi puro ballroom?

Sam Concepcion

Christian Bautista

Bago ako, Nanay ko muna ang nagkagusto sa mga kanta at pag-awit  ni Christian. Take note,  nakapanood pa si Nanay concert ni Christian kasama sina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go at  Erik Santos.   Pag-uwi wala s’yang ibang pinuri kundi si Christian as in siya lang.

Pero daig ko pa rin si nanay ( hahaha may magnanay rivalry) dahil tatlong beses kong nakadaupang palad ang  singer ng The Way You Look at Me , Colour Everywhere, at Hands to Heaven.   Iyong una nakapagpa-picture at autograph pa ako ( ipina-dedicate ko kay Nanay) at yung pangalawa sa awards night  sa Robinsons Galleria noong 2007. Yung kailan na nakawan ako ng phone. Huhuhu

Wish ko  ay makabalik na sa pag-awit at paggawa ng new album si Christian. Oh mayroon naman hinid lang ang nakakabalita?

Christian Bautista

Ilan lang sa obserbasyon ko sa singing contest sa Pinas

  • hindi kasiguraduhan ng iyong pagsikat ang pagkapanalo kay naman tama rin naman sabi ng ilang judges  sa mga talunan “hindi natatapos ang journey mo rito…”
  • ilang kalaban ng mga singers ay hindi lang kapwa nila singers kundi di talaga singer pero nagkataon na sikat at medyo nakakanta.
  • bakit nga pinipilit na pag-arte at pagsayawin gayong singing nga ang talent.  I think ilan lang ang pinagpala sa aspeto na yan- Read Zsa Zsa Padilla (with awards) at Nora Aunor ( naman Superstar).

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “6 Filipino singers from Talent Shows

  • Rogie

    2 lang ang singers na nagustuhan ko talaga at sinuportahan sa mga sinalihan nila. si Krissa Neri sa Protege at si Christian Bautista ng Star in a Million. Dami akong albums ni Christian (CDs). Kaboses ko rin daw kasi siya. lol