Heneral Antonio Luna at John Arcilla, parang hindi popular combo pero mabuhay sa mga gumawa ng pelikulang ito especially Jerrold Tarog at ang Artikulo Uno Productions. I am glad that they risk to produce one of the beautiful, creative, lively narrative, and superb hero Filipino films. Oo nagandahan ako ng sobra at ito lang ulit ang pelikula na ang mga manonood ay nagpalakpakan ulit. At dagdag ko rin marami kaming nanood sa Trinoma kagabi kahit weekday at dinner time.
Note: for future (video) movie reviews , please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel. Salamat and Mabuhay
Heneral Luna: Not Your ordinary epic hero Filipino Film
Of course I know Gen. Antonio Luna, the brother of famous Filipino painter Juan Luna. He’s from a prominent family and fortunate enough to study abroad. He’s like bida-kontrabida historical figure because of his radical and liberal views in life. Pero aamin ko mas napansin ko si Gen. Luna noong napanood ko ang presentation ng Crime Klasik, hosted by Martin Andanar sa Youtube. Tingnan mo nga naman ginawan pala ng pelikula.
I have so many reasons why this Filipino film is worthy of our time at karapat-dapat sa P230 ng iyong pera que fan ka o hindi ni Hen. Luna (gaya ng kuya ko dahil sa napanood namin sa Youtube na kung saan may naiwan daw siyang yaman sa isang prominenteng political family ngayon). Ilan sa mga iyon ay…
- Edgy dialogues, shots – Kung akala mo boring ang movie, ay naku dialogue pa lang mabubuhayan ka na. May makatang part, may meaningful, at may iba na aakma sa panahong ito. Makaka-relate ka dahil sa mahusay na timing at delivery ng mga bida lalo na iyong kay Arcilla at Archie Alemania (Capt. Eduardo Rusca). Medyo seryoso yung character ni Joem Bascon (Col. Paco Roman) pero panaka-naka ay humihirit din naman.
Samantala isa sa gustong-gusto kong serye ng shots dito ay nung nag-time travel sina Luna at ang kanyang ina – Doña Laureana Luna na ginampanan ni Bing Pimentel. Ganda lang tuloy-tuloy na eksena, effects, konting arte at mga galaw ng mga artistang ( kasama sina Marc Abaya) bumubuo sa serye na iyon. Medyo ang dating sa akin ay combo ng crime klasik, play at music video ng isang kape kung saan featuring si Bamboo.
Naalala ko rin yung casual na approach sa mga dati-rati binibigyan pa ng mabigat na atake. Gaya na lamang ng paraan ng pamamahiya, pagpalo at pagpo-promote sa ranggo ni Antonio. Tiyak na matutuwa ang mga kabataan ngayon .
In fairness din sa mga foreigners sa film patawa at nangangabog din sa acting. Hehehe. Mabuti naman ano, kasi madalas pang-display acting lang yung iba.
- Solid characterization and interpretation – Ang gusto ko sa paglalagay ng character ay yung mahusay na naipapakilala ito sa pamamagitan ng acting ng aktor at kanilang dialogues. Dito ko naman trip na trip sina Nonie Buencamino (Felipe Buencamino), Lorenz Martinez (Gen. Tomas Mascardo), Leo Martinez (Pedro Paterno), at Mon Confiado ( Pres. Emilio Aguinaldo). Actually, marami-rami na rin ang movies na napanood ko na kasama si Mon pero ito yung feeling ko na hindi lang inangat ang kanyang antas sa pagbibida kundi maging ang kanyang acting.
Medyo gray character s’ya as Aguinaldo pero maigi yung silent type approach n’ya. Parang itong subtle way na ma-emphasize din ang iba pang character sa films gaya nina Mascardo, Buencamino at iba pa. Kagaya rin ito sa atake ni Epi Quizon na gumaganap na Apolinario Mabini. Medyo bumaba lang konti ang paghanga ko sa tinaguriang ‘Dakilang Lumpo’ dahil parang pinalalabas na hindi siya kagaya ng iniisip ko. Sa bagay, hindi naman siya tinaguriang Santang Lumpo di ba at saka hindi naman siya masyado siniraan. Okay din dito si Mylene Dizon as Isabel, naalala ko yung film niya na “Gatas… Sa dibdib ng kaaway.“
Kahit naman hindi mahaba ang exposure ay mahusay din naman sina Alex Medina (Capt. Jose Bernal), Ronnie Lazaro (Lt. Garcia), at Art Acuña (Col. Manuel Bernal). Samantala, medyo hindi ko trip yung tsika kay Joven played by Aaron Villaflor. Hindi dahil sa wala s’yang saysay sa film o pangit ang kanyang acting, parang napanood ko na kasi ‘yang ganyan sa ibang film gaya ng Gabriela.
Isa na lang sasabihin ko kay John Arcilla- BRILLIANT!
Mapangahas na R13 historical film
Hindi ko na maalala kung ano rating sa ibang kagayang film na ito pero ito ay R13 dahil sa malulutong na mura, digmaan sa field at kama, at iba pang maselang content nito ay dapat ngang pang 3rd year high school ( ay K12 na pala) pataas na dapat ang nanood.
Alam mo sa panahon ngayon na iilan na lang ang genre na mapagpipiliin at patay na ang action films, mabuti may naglalakas loob pa at with diin kong sasabihin naghahatid ng makabuluhan at nakaka-entertain na pelikula. Sana may mga sumunod pa!
Mabuhay sa staff and crew ng film na ito especially din sa mga writers na sina E.A. Rocha, Henry Hunt Francia, at Jerrold Tarog.
UPDATE! Trivia
sino-sino ang mga tauhan sa heneral luna
nasa content po ang sagot :p
Pingback: Who is Jericho Rosales on screen, in person?
Pingback: Am I Ambitious or gritty? Hello 2016! | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI
i love this heneral luna
Mabuhay Angel! Thank you for the visit!