How to do an outfit made in recycled materials…Hoshi’s style


Due to my other priorities, naging least part ng hoshilandia ang arts and crafts (even entertainment). Kung ‘di pa siguro sa  mga NCCA events at 10th Alabama St . Arts and Crafts Fair ay baka nakalimutan ko na rin na mahilig ako rito. But the fantastic part about I still received comments for my old posts about my craft projects before especially sa Fashionable Outfit made in recycled materials.

Totoo, kahit na hindi eksaktong papuri yung komento sa blog ay natutuwa  pa rin ako  kapag may nabigyan ako ng interes at inpisrasyon.  Nung nabasa ko yung komento ni Kaye “puwede magpagawa…” ngiting-ngiti ako maghapon. Well, hindi iyon sa kita o trabaho kundi yung pumasa sa panlasa nung visitor ang art.  Salamat po! Pero hindi po professional at mataas ang level ng confidence ko sa bagay na ito. Talagang mere katuwaang art project at gusto ko lang i-advocate or i-point out that we can use recycled materials to save money, to help Mother Earth, and create artistic projects. Pero itong kay Rica ( my niece sa picture) ay curtain na na-convert ko na pang-art project contest talaga (naka-second place kami  take note hehehe).

sketch

sketch

Sa inquiry naman ni  Jauizhelle  na how to do <this> fashionable  outfit made in recycled  materials. Sorry girl kung natagalan ang sagot at baka hindi ko rin maibigay ng klaro. Taong 2012 ko pa ginawa yung damit and that time gawa lang ako ng gawa. In fact, kalian ko lang naalala at nakita na kinunan ko pala iyon ng litrato. So doon sa mga ako huhugot ng alalaala…Salamat sa iyong request!

Materials:

Ang masaya po rito ay ni  isang sentimos ay wala akong ginastos kasi  available naman sa bahay at ang main material ay ang wrapper ng kape ( yan po rin ang iniinom ko araw-araw so madali at di counted sa gastos di ba).

Blouse:

  • curtain made in recycled materials

    ito ang orihinal na form n’yan…curtain made in recycled materials

    Sachet wrapper of your favorite drinks like coffee, milk or cereal – the number of wrappers depends on the size of your outfit or  your subject.  Kung nasa phase ka pa ng pagtatabi, make it sure that each of your wrapper has same cut. Kasi mahihirapan ka sa pagtatahi kung iba-iba ang putol  o pagpilas mo.

  • Ribbons/ strings for notebooks – actually kahit anong panali na puwede mong maipakabit-kabit yung mga wrappers. Ginamit ko lang iyong strings for notebook dahil marami akong nakatago at mapagkukunan na lumang notebooks.

Skirt:

  • skirt made in old rice sack_FotorOld rice sacks – I recommend na wag na yung white para extraordinary at di ka na mahirapan na dekorasyunan
  • Ribbons from cakes and gift wraps – what I used were silver and yellow from gift wraps that I received. Before mahilig lang ako magtago ng ribbon for gift wrapping and scrapbooking purposes. sayang e!
  • Normal Belt or for belt part puwedeng ribbon din pero dapat mas makapal.

Pouch Bag:  bag

Patalastas

  • An empty box of juice or chocolate drinks – choose yung junior size
  • Green cellophane (yun tingin ko bagay at available na meron ako)
  • Old clothes for sapin sa loob hehehe
  • Ribbon (yung pinakamaganda sa nakuha mo)
  • Pretty buttons
  • Glue

 

Instruction:

  1. outfit 2Bolero (balabal) yung peg ko sa blouse or yung normal na damit-damitan para sa paper doll ng mga kabataang Pinoy 😉 bukod sa mas madali, napaka-uncomfortable naman na suotin yan. So kung mapapansin nyo ay pinasuotan ko ng body fit black sando  si Rica ( my niece).

Kung mapapansin yung shoulder part para ko lang, iniikot sa balikat at braso ni Rica para maisuot. Mula sa dibdib part ay binawasan ko para ang matakpan na lang ay yung tyan at likod nya.  Ganun lang kasimple J

  1. Sa sako (old rice) skirt, halos iniikot at tinanya ko lang din ang pagkakaputol ng sako mula sa bewang at  itaas ng tuhod ni Rica.  Nilagyan ko ng silver ribbon (kasi yun ang available) sa dulo at itaas para dagdag accent.
  2. Sa sako part pa rin… Medyo niliitan, sinikipan at binawasan ko yung sa ng butas bewang part at nilgayan ko lang din ng paglalagyan ng belt. Actually yung belt na ang nakapaglagay ng shape.
  3. Sa pouch bag… ginupit ko yung lid. Nilagyan ko ng base (yung lid din) at tela para safe yung mga ilalagay na gamit sa loob.
  4. Sa pouhc bag… binalutan ko ng green cellophane( mas bagay sa yellow sack at yun ang meron ako) at saka ko binutas para lagyan ng ribbon.  Yung dekorasyon sa harap at likod… mga tira sa sako at ribbon then nilgyan ko kang cassette tape para pampasaya.

Di ba simple lang at walang gastos… hehehe!  Mabuhay at happy crafting!

final output

final output

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.