Disadvantages of Love teams sa Pinoy Showbiz…Part II


For me as a viewer or cinephile,  may disadvantages din ang love teams sa Showbiz. Ang ideal sa akin  ay ang aktor  na easy to pair kasi ang hirap i-appreciate (maliban sa “kilig lang”) kapag sunod-sunod mong napapanood na magkasama ang dalawang artista.  Although mas comfortable  nga naman for the actors kapag kilala na nila ang kapareha nila. Here are my ideas bakit ang hirap (disadvantages) na ma-identify sa isang love team:

Part 1 here: Analysis: Trends, Issues of Love Teams sa Pinoy Showbiz
  • Mabagal ang growth. Madalas binubuo ang proyekto  para sa love team na sikat. Result? Typecast and same-old story ang peg ng acting. Unless yung artist mismo gusto n’ya paghusayan ang talent n’ya at dapat lang noh!

 

  •  Stardom and Questionable talent– Kung tama ako ay girls lang talaga ang target market ng “love teams” especially sa young generation. Kaya “Prince Charming,” “Hunk,” “Perfect Gentleman,” Boy Next Door o kaya pa-“hero” ang lalaki sa love team. May naalala ba kayo na pangit ang lalaki pero ang ganda ng babae at nag-hit? (naalala ko si Empoy ah) Paano naman kung ang gusto ng actor ay makilala ang kanyang acting prowess (which is the perfect  factor for longevity or staying power in Showbiz)? Paano  naman yung ‘di naman kaguwapuhan o ka-macho-han pero magaling?  Tandaan ang kaguwapuhan ay nakakatandaan at nakakatabaan pero ang acting sinusubaybayan. Sa aspetong ito – John Lloyd Cruz is an exception (guapo s’ya ha-hindi lang pa-hunk). Objectively, he’s really a remarkable actor with his box office ( so far he’s tied with Vic Sotto sa dami ng Box Office King titles) and  two hit film series ( One More Chance and A Very Special Love) with different leading ladies ( Bea Alonzo and Sarah Geronimo).
May kopya pala ako nito

May kopya pala ako nito

  • Affected sa galaw ng Ka-Love Team– Maganda na hindi lang nagkaka-in love-an ang magka-love team kundi may team work talaga sila to grow.  Old love teams proved that may mangyari lang na big issue sa isa ay nabubuwag na.  Sa babae numero uno ang “buntis issue” at sa lalaki ay gay or addiction.  IMHO, importante na habang malakas pa ang love team mag-effort na ang bawat isa na ma-establish ang kani-kanilang individual career.  Example…I think nakaapekto kay Piolo Pascual ang pagkakahinto ng tandem n’ya with Judy Ann Santos at iba pang isyu.  But since he proves na nakakaarte siya   mula sa Dekada ’70 (where he earned  8 best supporting actor awards) going strong si Papa P and he deserved respect. Saka ang lolo n’yo rume-recording at nagpo-produce ng films e.

Credit ABS-CBN PR

  • Paano pag nagka-inlaban? Ang hirap panatilihin siguro  sa isang magka-love team ang i-maintain ang professional relationship nila when they feel something personal na.  Iba yung sila na, may tampuhan at kapag nagkahiwalay na. Puwede rin yung sa totoo hindi nila bet ang isa’t isa. It takes time to heal wounds and achieve maturity to act again professionally sa isang tao.  Dagdag pa d’yan yung thinking na may iba na hinuhusgahan ang pagsasama ng nagkahiwalay na  magsyota kaysa galing ng kanilang tandem. Recently, sina Richard Gomez and Dawn Zulueta pa lang ang natatandaan kong okay na sa ganyan.
  • Living Dolls of… naiintindihan ko yung mga request ng mga fans  na ganito at ganyan (hello fan din ako) at management decisions (business-minded lang) sa magka-love team pero mas nakikisimpatya ako sa mga artista kapag sinabi nilang wala na silang privacy at nabi-burn out.  For me as long as wala kang inaapakan na tao, marunong kang makisama at professional kang kausap okay na yun dahil kung Walang Forever mas lalong Walang Perfect.  Yun lang, malas ngayon ng mga artista kasi konting kibot ay natsitsika na sila sa social media sites. Minsan pa nga kahit wala naman talagang ginagawa ay ginagawan pa rin ng issue.  Dapat talaga isang art na pag-aralan ngayon ay the art of deadma.

Actors who don’t need ka-love team

  • lakbay2love 1Dennis Trillo–  Hindi masyadong na-identify sa love team pero kinikilala  at  puwedeng  mai-pair kahit  kanino (maliban sa usapang height) ay si Dennis. Mabuti na lang din pang-acting talaga ang mga recent projects niya kasi for me, nalihis s’ya sa  nang ginawa n’ya ang Zaido at Gagambino.  I understand na may sinasakyan na trend  at tina-try na gawin pero sayang kung ilalagay mo ang isang artista sa hindi n’ya forte.

 

  • Coco Martin.  Siya iyong tipong gustong makasama ngayon ng mga actress kasi sikat at magaling. Parang Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, at Jericho Rosales lang din pero  mas ang  datingan lang  n’ya ay action stars noon. Sana lang mapanatili n’ya yung pagka-indie film actor n’ya ( yung acting na akala mo pang-reality show kasi  nagpapakatotoo lang s’ya sa mahirap na sitwasyon  na ginagalawan n’ya).  Iba rin kasi ang actor na nagagawang character driven yung istorya – kahit yung film / series ang ibinibenta talaga ay yung naiibang istorya. I guess  sina Coco at JLC pa lang ang nakitaan ko ng ganyan sa mga  henerasyon nila.

 

  • Pero I think okay din na leading man sina
    • Sam Milby – parang pipilian mo nga lang kasi ng karakter like kay Derek Ramsay
    • Jake Cuenca – Tingin ko may chemistry talaga sila ni Kim… iyon lang lagi na lang s’ya pang third wheel. Saka aggressive ang pag-mature ng mga roles ni Jake.
    • Alden Richards- though Identified na s’ya kay Maine Mendoza napanood ko yung past projects n’ya may ibubuga e.
    • Paulo Avelino – nagawa n’yang i-shed kaagad ang feel ng Bridges of Love sa pagganap n’ya sa On the Wings of Love. Tingnan na lang natin ang Gregorio del Pilar n’ya.
  • at gusto kong i-discover kung kaya na nina
    • Ruru Madrid sa film.
    • JM de Guzman
    • Enrique Gil – kaya n’ya e sa dance floor
    • Nash Aguas– sorry pero bilib ako sa batang ito
    • Miguel Tanfelix – May malaking potential

Sundan sa part III: actresses okay na wala ng ka-love team o magsolo na sa Film…

Tanong: Alin ba ang mas magastos paggawa ng film o TV Series?

Note:

Ang serye ng post na ito ay pakikisama ko sa National Arts Month ng Pinas,  Paparating na Valentine’s Day at 6th anniversary ng Hoshilandia 😉 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.