Movie Review: Ang Babae sa Septic Tank 2


Ang Babae sa  Septic Tank ang isa sa dalawa o higit pang Filipino films na naranasan ko na na nag-standing ovation sa loob ng  sinehan ang mga  manonood.  Iyon iyong part 1 na pasok sa Cinemalaya, ngayong part 2 (Ang Babae sa Septic 2:  Forever is Not Enough) ay nagkataon naman na entry naman ito sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF). Ano naman kaya ang reaction ng audience?

Sa ganang akin nabago ng Ang Babae sa Septic Tank ang pagtingin ko sa independent films. Kaya espesyal ito sa akin at isa ako sa natuwa na may part 2. Pero siempre mahirap din na i-level masyado sa   part 1. In fact, walang standing ovation na naganap sa loob ng sinehan PERO ang pinakanaririnig kong humahalakhak sa mga kapwa ko sa audience ay mga KABATAAN kasama na roon ang 12-year old kong pamangkin. Na-achieve ang aim ko na ipakita sa kanya ang ibang klase naman na comedy at film. Apir!

 

Ang Weak parts sa Ang Babae Sa  Septic Tank 2: Forever is not Enough

  • ·         Malaking kawalan si JM de Guzman/ Bingbong – Dahil wala si JM (Producer Bingbong sa part 1) ay nag-level up as line producer si Cai Cortez (Personal Asst. Jocelyn) at pumalit sa kanya  si Khalil Ramos.  Naiintindihan ko na may dahilan bakit hindi na nakasama si JM sa part 2 pero maganda kasi yung tandem nila ni Kean Cipriano (direk Rainier de la Cuesta). Feeling ko lang ay mas may intense kung si Bingbong at Rainier pa rin ang nagwo-work together bilang producer and director. Saka magaling din kasi sila both bilang actors. Hindi ko naman sinasabi na hindi naibigay ni Cai yung justice sa role n’ya pero parang  wala or sounding board lang si Jocelyn. Wala s’yang personality to complement sana yung struggle sa pagpo-produce ng The Itinerary. And tama yung isyu na parang walang BFF si Rainier, lalo na sa part n’ya e puro s’ya kakikayan at agree.
  • ·         Sayang si Khalil. – Tahimik din si Jocelyn noong PA pa s’ya, ganoon din ang drama ng karakter ni Khalil ngayon na si Lennon. Siguro okay lang itong sa part n’ya kung first time mo itong makita at lalo na di mo pa s’ya napanood o kilala.  Pero kilala ko na si Khalil because of Honor Thy Father and A Second Chance.  Hindi man sobrang remarkable ang mga characters n’ya sa  mga iyon pero he can deliver at may potential na  waiting next line na sana. Eh kaso tahimik pa ng role niya ngayon. At hindi pa iyon gayang-gaya sa tsika ng character ni Jocelyn bilang PA noon.  Puwedeng lahat ng PA ay expected na tahimik pero lahat ba ng PA as in pare-pareho ng ugali? Parang noong last scene na lang talaga s’ya nagkaroon ng personality o saysay actually.

Ang Bongga sa Ang Bababe sa Septic Tank 2

·         Eugene Domingo – Gaya ng una, si Eugene din ang puso ng film na ito at same power level ang kanyang performance.  Ang nakakatuwa lang dito ay parang reality film na n’ya ito sa pagkakaalam ko talaga ay nag-sabbatical siya sa paggawa ng film at ito nga ulit ang comeback movie n’ya. Mas makwento siya rito na nagbigay daan din para dahan-dahan na maiparating sa audience kung paano nga ba ang kalakaran sa movie industry especially if you’re aiming to make a box office hit movie.

Ang formula o realities Philippine Movie films…ayon kay Eugene

1.       Independent film Industry is dying o sige terminally ill na lang

2.       Maraming award-wining indie films na nakakaikot at nananalo ng awards sa iba’t ibang international film festival. Pero pagdating sa pagpapalabas sa locally “Walang-wala” sa  takilya

3.       Gusto ng tao ng rom-com at ayaw na nila ng ma-dramang movie dahil ang panonood ng pelikula ay “escapism.” Bakit pa nga ba ima-“magnify ang suffering?”

4.       Kailangan may best friend na makaka-tsika ang bida at masaya kapag  bakla ang ka-eksena

Patalastas

5.       Mainam kapag may panalong theme song (e paano kung title ng theme song ay syang title ng film?)

6.       Maganda at madrama kapag may eksena ng sunset sa film

7.        Oo importante ang look para sa mga artista sa film kasama na roon ang kulay ng isusuot na damit at wig. May glam team pa nga e.

  • ·         Screenplay of Chris Martinez –   Ito ang utak o gist ng film na ito – Istorya!  Sa isang banda,  parang ito na ang madaling film script kasi  tungkol ito sa gumagawa ng movie. Alam na alam nila ni Chris Martinez iyan.  Pero innovative ito in a way kasi parang ginawang talk show, reality film,  at sinahugan pa ng hugot na hugot na mga linya. Aba, creative kung paano maayos na naitawid at napaghalo-halo ang mga ito.  Kung wala kang idea sa filmmaking at movie industry ay mainam itong panoorin.

Isa pa’y mapangahas din maglabas ng matinding saloobin sa industriyang kanilang pinagtatrabahuan.     Marami din ang mapapatamaan kabilang na ang mga higanteng producers at manonood.

  • ·         Supporting cast are great –  Ang mga  lumabas para sa part ng The Itinerary ay nagpamalaas ng sportsmanship at amazing performances. Kabilang dito sina direk Joyce Bernal, Richie Chan na BFF sana ni Romina, Joel Torre at Jericho Rosales na pinagpipilian bilang leading man ni Eugene na gumanap na Romina, at Agot Isidro na from bff ay  na-demote bilang Nanay ni Romina. Ang galing dito ni Joel at Echo!

Mas bet ko ang Part 1 dahil entertaining pero Okay na okay naman itong Part 2 dahil mapangahas at makatotohanan

Rate: Parang inidoro lang, need mong upuan para guminhawa ang iyong tyann and colon :p



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.