Movie Review: Die Beautiful


Gaya ng inaasahan ko ay nakakatawa ang Die Beautiful starring Paolo Ballesteros (his first major movie role), written by Rody Vera, and directed by Jun Lana. Ang ‘di ko ini-expect ay yung heart-pounding part nito na to the highest level na krimen sa mga bakla o kahit sinong tao.

=
Sa ngayon o talagang wala akong ma-point out na weak side ng movie.  O kaya hindi ko na napansin masyado dahil sa mga strong sides. Kahit pa nga iyong random na flashbacks ay hindi naman nakakalito. Ang hindi ko lang talaga maalala ay kung mayroon ba ritong sound effects or makabagbag-damdaming musical score. Basta ang alam ko lang kapag hindi naka-Muk-ap o make up si Paolo a.k.a Patrick a.k.a Trisha Echeverria ay malungkot ang eksena

Paolo Ballesteros levels up in Die Beautiful

Bukod sa kanyang hosting job sa Eat Bulaga ay sa kanyang superb and viral Make-up transformation kilala si Paolo. That’s it! Wala akong maalala na dati pang nagawa niya na sumikat. Pero dito sa Die Beautiful ay naibongga n’ya lahat ng kanyang galing sa comedy, drama at lalo na sa make-up. Para bang hinulmang-hinulma para lang sa kanya ang role na Trisha. Wala rin akong maisip na ibang puwedeng humalili just in case.

=
Pero napapatanong din ako kung talagang standout ba ang acting ni Paolo o nagkataon na napakaganda ng role na ito. In fairness din kay Rody Vera ay mahusay ang screenplay nasahugan ng hugot lines, punch lines o comedy, nakakabaliw na eksena, at nakaka- transform ng damdamin na mga heavy scenes. Alam mo yung thought na ‘paanong hindi magsa-shine si Paolo eh ang ganda ng character n’ya at parang sa forte n’ya iyon? Pero napagtanto ko rin kahit  na maganda ang script kung hindi nabigyan ng justice ni Paolo, waley din. Hindi ako tumawa, hindi ako nawindang, o nainggit na lintik ba’t ba hindi ako magpaganda. So in every hibla of my kulot na hair (kasama na ang dead ones) ay therefore I conclude Paolo deserved to win his best actor award in 29th Tokyo Film Festival and 2016 Metro Manila Film Festival.

=
Ang favorite kong eksena n’ya ay nung nag-ala Jaclyn Jose s’ya, nung lumabas siya ng pinto telling his Papa (Joel Torre) my name is Trisha, yung luging-luging mukha n’ya nung nag-ala Britney Spear s’ya, yung sa CR , at sa hospital. Yung huling dalawa ang nagpatunay sa akin na ahhh may lalim ang acting ni Paolo. Kasi kung wala hindi ako hahawak ng madiin sa bottled water na tutunggain ko na sana :p

Who is Christian Bables?

I have no idea who is Christian Bables pero whether neophyte or batikan na siya sa pag-arte at baklang tunay o tsika lang sa buhay, dito sa Die Beautiful ay napaka-effective niya. Ang lakas ng comedy timing niya bilang si Barbs na tunay na kaibigan ni Trisha through thick and thin. Yang pagkakapanalo niya sa 2016 MMFF Gabi ng Parangal bilang best supporting actor ay deserved niya. Patunay din nito na sa galing sa acting ay hindi tanong kung nakailan ka na bang pelikula o palabas sa TV nasa performance mo talaga iyon.

Walang tapon sa mga eksena niya pero kung mayroon man tumatak sa akin iyon ay nung ipinaglaban n’ya si Trisha sa family nito, yung sa CR, may bidding sa funenaria, pagbawi niya ng lipstick sa Papa ni Trisha ( Joel Torre), pang-aano n’ya kay Luis Alandy, at sa lahat ng eksena na pinatunayan niya ang simple, but very hard to prove na word na “friendship.”

The Direction and Screenplay of Die Beautiful

Nabanggit ko na parang hinulma kay Paolo yung role dahil gamit na gamit mula simula hanggang wakas ang kanyang make-up transformation. On the other hand, magaling ang pagkakatimpla noon sa kabuuan ng story at hindi para maipilit lang para pag-usapan. Ikinaganda iyon para lalong magkaroon ng karakter ang pagiging kontesera ni Trisha at kahit papaano ay maipakita na may ibang gumagawa ng ganun sa  realidad.

Ang maganda pa sa story ay yung pagkakalahad ng ups and down ng mga transman/ transgender, kalakaran sa mga gay beauty pageants, at hapdi ng magmahal. Para bang mahirap na nga para sa “belat” at “kelot,” doble pa ata sa mga beki.

=

Although ganoon, naipakita rin naman na hindi malungkot na magpatuloy sa buhay at yakapin ang kanilang pagkatao. Let’s face it, kahit ano pa ang kasarian o uri ng iyong pagkatao, iba ang saya ng pagiging malaya at nagpapakatotoo. Hindi naman naging masyadong dinikdik na parang asin iyong ganoong isyu pero kailangan pa rin para maipaalala ang kanilang hirap.

Good thing din na na-execute iyong ideas at na-guide ang acting ng mga actors ng direk Jun Lana. Kahit pa nga si Mother kontesera din ay uma-acting din e.

Lumabas din sa film sina Albie CasinoGladys Reyes, Iza Calzado and  Eugene Domingo na nag-ala Tessa Prieto – Valdez kung tama ako.

Congrats sa cast and crew ng Die Beautiful!


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?