Say No to Bashing: ‘Pag maitim, pangit agad? 2


Isa sa weird  isyu sa  online bashing  na nababasa ko  ay  pagkakabit ng pagiging pangit sa pagiging maitim,morena, negra,  kayumanggi, tan, o  pagkakaroon ng dark skin.   At ang lalo  pang ikina-weird nito ay  mga magkakapwa-Pinoy ang nagsasabihan? Yung totoo, saan nanggaling  ang  hugot sa ganitong panlalait? Dapat ka bang masaktan  kapag sinabihan kang pangit  dahil maitim  ka?

Kayumanggi naman talaga ang mga Pinoy 

Wala  pa naman ako nababasa na  history book na  nagsasabi na  may na-discover na tribo,  katutubo  o   sinaunang Pilipino na may “as white as snow” ang kulay ng balat. Pero marami  akong napanood na noon-noon pa na  pumuti  dahil sa  gamot at beauty  products. Siempre  may natural  na ipinanganak na  maputi  kasi may lahing foreigner  ang isa o pareho ang kanyang magulang.

Bianca Gonzalez is one of then beautiful Morenas I know

Wala namang pumipigil sa mga gustong  magpaputi kasi choice naman nila iyon.  Pero iyong laitin pa ang maiitim at ipalagay silang  pangit ay teka… di ko talaga  ma-gets.

Your definition of beauty is based on skin color?  

Sa  ganang  akin  ang kritisismo sa  pisikal na kapangitan ay  epekto lamang ng  lawak, lalim, o kitid ng pang-unawa o pamantayan ng isang tao sa kung ano lang kagandahan sa kanya.  Ang bawat isa sa atin ay  may kanya-kanyang  panlasa  kung ano ang  nakakaakit. Subalit   hindi ibig sabihin nang hindi ka na nagandahan ay napangitan ka na rin. Para rin itong  pagsasabi ng “hate” kahit “dislike” lang o “period” na kahit “comma” lang.    Kung may survey sa 100 katao at pipili sila  sa choices a, b, at c.  Kapag marami ang pumili ng “a,” hindi ibig sabihin na mali na ang mga namili ng “b” at “c.” Choice nila iyon walang basagan ng trip.

Ano naman meron sa mga nagkokomento ng “ulikba,” “kulay uling,” at iba pa na alam mo ng may  negatibong pinakakahulugan sa itsura ng isang tao.  Marahil ang definition nila ng beauty ay maaaring repleksyon lang din ng kanilang ugali at pagkatao...hhmmmm yong negatibong ugali. In fact, kung positibo ka nga sa buhay ay baka walang pangit sa paningin mo.  

Negra  daw ako!

Negra rin ang  isang  tukso sa akin. Well, ako ang  pinakamaitim sa aming magkakapatid na babae ( 10 kami by the way). Pero I take it as a term of endearment sa akin ng 1 kong kuya, pinsan na lalaki,  at tito. Wala na sa akin kung tawagin akong negra NILA kasi I know tuksong ek-ek na lang nila yun at dahil isa rin sa nickname ko noong maliit ako ay Nene, pinapahaba lang nila charrot!

Pero aaminin ko na once upon a time ay apektado rin ako ng  pagiging maitim ko.    Minsan ay mismong mga palagi kong kalaro ang siya pang nanukso sa akin ng “sunog na tinapay, “ parang “puwit ng   kaldero,”  at “ita.” Parang mabigat pa ata yun sa pagiging mahirap namin. drama!

Kaya noong nag-teenager ako napasubok akong mag-papaya soap ha. Hayon,  namuti nga ako  dahil  nagbalat mukha ko dahil nag-dry na, hohoho! Eh ang kulay pala ng lahi namin ay pumupusyaw nang konti pag lumalaki na so naturally   nabawasan ang pagiging maitim ko. Pero alam mo ang talagang nagpawala sa   pagiging maitim na kapangitan ko? Iyon ay pagtanggap na maganda ako sa kulay ko.

“Tracing Human Ancestry” exhibit  at The Mind Museum

Hindi naman ito totally 360 revolutionary moment kundi na-realize ko na lang basta.  Hindi naman pala kahit kailan naging balakid ang pagiging maitim ko.   Nasasabihan naman ako na cute, maganda, mabuti, magaling, mahusay, kahangahanga  o iba pang nakakatabang puso na papuri kahit negra ako.  At hindi nila iyon ibinigay sa akin out of awa kasi maitim ako, kundi likas lang na ganoon.

Ganoon din naman sa kabuuan ang  buhay, it takes maturity o mainam na mga realizations sa  buhay bago mo ma-embrace kung ano ka…Na wala pa lang  mali sa iyo, kundi naitatak lang sa  iyo ang kung ano ang kapangitan base sa persepsyon ng ibang tao. Iyong mga  tao na baka wala na lang din magawa o opinionated masyado.

Kung maitim ka  at gusto mong  pumuti ay walang problema- choice mo ‘yan. Ang  problema ay kapag nanlalait para iangat lang ang ideya mo ng kagandahan at kaputian.  Sana lang ay ang kanegatibuhan na ganito ay huwag nang  ipamana sa susunod na mga henerasyon. Stop bashing, stop discrimination.

“Victims of discrimination would simply nurture the pain in their hearts as it gradually transforms them into individuals who are afraid to fight for their rights, uncertain of their own capabilities and of what they can achieve in life,” –bahagi n talumpati ni Sen. Loren  Legarda’s speech tungkol sa “Anti-Discrimination Act of 2011

An art work at NCCA Office

“…we remain a nation that throws all forms of bias and prejudice at those who we perceive to be “different” from the majority.”

Sa totoo lang po,  baka wala ng pangarap na natupad o Pilipinong umangat kung tayo-tayo pa ang magsisiraan. At kapag sinabing pangit lalo na dahil maitim ka, sila ang may problema ‘di ikaw. Smile!

 

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

2 thoughts on “Say No to Bashing: ‘Pag maitim, pangit agad?

  • Warjie

    “Pero alam mo ang talagang nagpawala sa pagiging maitim na kapangitan ko? Iyon ay pagtanggap na maganda ako sa kulay ko.”

    Just perfect!

    Sa society natin ngayon, ang pagiging “darker than white” is automatic minus point agad. So in turn, yung mga taong hindi pinagpala ng “beautiful skin color” e nagkakaron ng automatic inferiority complex.. which unfortunately galing sa external factors.

    Parang nagiging learned self-helplessness tuloy.

    Yung mga akala nating biru-biruan e hindi natin alam malaki pala ang (negative) impact sa subject natin.

    Hay..

    • Hitokirihoshi Post author

      I thank you hehehe!

      Oo nga nakakainis minsan yung nagpaparamdam ng ganito ay mismong kaibigan, kamag-anak o malapit sa iyo. You know, hindi naman lahat ng tao may tatag o mabilis ma-process yung ganitong bagay. May mga emotionally weak din so hopefully ma-reach natin sila na ang kapangitan ay nasa ugali, hindi sa anyo.

      Mabuhay!