Essay tungkol sa limitasyon: Multipotentiality o jack of all trades?


Naglalaro sa isipan ko kung ano ang limitasyon ng normal na tao. May inner struggle kasi ako na iilang kaibigan ko lang nakakaalam at yun ay “what if the one that makes me unsuccessful is my aim to pursue many things.”  I don’t even know if I’m good sa karera ko, tapos may iba pa akong pinagkakaabalahan? Subalit, these pursuits give me satisfaction or shall we say happiness. Ano ba talaga magandang definition sa  mga taong ang daming pinaggagawa sa buhay, jack of all trades or multipotentiality?

Bakit ba kailangan may limitasyon?

Last time I check I am not really aggressive. Isa ako  sa  taong kakapit sa safe side for the sake of harmony, peace, and security.   But on the other side, ayokong mapako sa iisang bagay dahil ‘yon  lang ang dapat.  “Dapat” pero hindi naman ibig sabihin ‘di ba  na kapag sumubok ka ng iba  ay may ginagawa ka ng mali. Kailangan bang matigil ka na sa isang bagay hanggang sa maging expert ka rito? Pero paano kung kontento ka na isang level at gusto mo na i-pursue ang ibang  passion mo?

Halimbawa  na gusto ko na maging supervisor lang kaysa  maging manager na. Hindi ba prestige at dagdag kita ang huli, kaso sa una kasi ay mas may freedom at time ako like sa pagnenegosyo, pagkakawang-gawa, at iba pa.

Kung iniisip mo na over-thinker ako, aba  apir na-feel ko rin  iyan.  Bakit  ‘di ko na lang sundin ng sundin ang payo ng iba?  Aba nasubukan  ko rin ‘yan at na-drain ako. So bakit hindi na nga lang ako mag-focus  sa  isang bagay? Siempre naranasan ko rin ‘yan at bored na frustrated pa ako.

Jack of all Trades… doesn’t entirely mean you’re master of none

Naalala ko yong conversation namin ng former officemate ko na ang sabi ko ay “tawagin na nila akong Jack of All Trades, master of none pero ayoko matigok na isa lang nagawa ko sa buong  buhay ko.”  That time I am a full-timer pero may ginagawa na ako  about investing, entrepreneurship,  blogging,  crafting, at iba pa. Siguro may natapon na oras at maliit pa lang naman ng kita, pero pipigilan ko ba ang sarili ko kahit iyon ang trip ko? Alam mo “inside” ang laking excitement ang naibigay sa akin noon na  para bang natanggal yung “frame” at nag-“wide shot” instead of “close up” lang yung life ko. Na hindi lang ako nag-aral, nagtrabaho, kumita nang sapat lang,  at mag-aasawa.

I am engrossed sa idea na nalaman ko which was “time is my biggest asset.” Ang realization ko nga ngayon sa buhay ay iba ang hands-on experience kaysa  experts’ tips lang. Hindi lahat ng nababasa mo sa libro o sinasabi sa iyo ay yun  na yun .

Naisip ko lang din yang jack of all trades, master of none kapag  naikukumpara ko ang sarili ko na ‘ah mas magaling sa akin si ganito” o “bopol pa rin ako sa ganyan.”  Pero I am not after sa competition at standards ng iba e, baka maging competent-oo.

Patalastas

Ayon sa  Phrases.org.uk, noon daw ay wala naman bad meaning  ang phrase na ito o  karugtong na “master of none.” Nagsimula lamang ang “derogatory” connotation dahil sa opinyon ng mga manunulat noon, including si English writer Robert Greene. Dagdag pa sa article, noon daw ay ang mga tinatawag na “jack” or “john” ay maaaring mga master craftsmen at merchants din naman.

I don’t argue naman na may negative na hatid  ang  pagiging jack of all trades, but then again the bad  thing sa “label” na iyan ay maaaring sa opinion lang ng iilang tao maimpluwensya o sikat.  Sa ibang punto, kung ang ultimate goal mo sa buhay ay “financial  freedom” or “work-life  balance” tingin mo ay puwedeng  makuha lang ito sa pagiging master sa isang bagay, trabaho, o source  of income? Puwedeng oo, puwedeng hindi– pero  mahalaga  ay ma-attain ang goal mo. Hindi iyong limitahan o makahon ang sarili mo na ito lang puwede o hanggang d’yan ka lang.

Idiot box  by Elizalde Navarro (National Art Gallery)

 

Multipoteniality

 

Last year ko lang na-encounter ang term na multipotentiality through TED talk of Emilie Wapnick (ang video sa ibaba).  Hindi ko sinasabing gifted or multitalented ako gaya ng ibang multipotentialite, but somehow nabigyan ako ng clarity tungkol sa huwag akong magkaroon ng limitasyon sa sarili ayon sa dikta ng  kumpetisyon ( competition  trap), usual sa lipunan ( conformity), at kung ito na yung na-set na goal.

Ang usapan dito ay kung may kakayahan ba ako at kakayanin ba ng katawang lupa o ng loob ko. Kung ako ay isang nurse at magse-sales agent ako ng detergent soap, so what?  Kung magaling din ba ako sa  sales talk e at kung dun ako masaya at kaya nitong tugunan ang financial needs ko.  Kung ako ba ay hampas lupa, pangit, at bopol sa Math – wala na akong karapatang yumaman, maging model, at maging negosyante? Katunayan, ang kritisismong “pangit” para sa akin ay repleksyon ng ideya ng tao sa ano ang maganda lang sa kanya.  At oo hindi lahat ng maganda sa iyo ay nakakaakit din sa iba,  hindi lahat ng matatalino ay nagtatagumpay, at hindi lahat ng mayayaman ay nakokontento.

So I think ang limitasyon has something to do with our own “deadline,” and “health” hindi sa iyong  dreams, passion, money, at power.  If happiness is a choice, then ang  pagkakaroon ng limitasyon din ay choice at nasa mentality mo na rin.  Sabi nga ni Lolo Franklin Roosevelt.

“The only limit to our realization of tomorrow will be our doubts of today. Let us move forward with strong and active faith.

Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.