Say No to Bashing: ‘Pag maitim, pangit agad?


Isa sa weird  isyu sa  online bashing  na nababasa ko ay pag-uugnay ng pagiging pangit sa pagiging maitim, morena, negra, o kayumanggi. At ikina-weird pa nito ay kapwa-Pinoy ang nanlalait. Saan kaya nanggaling ang hugot na ‘yan? Dapat ka bang masaktan kapag sinabihan kang pangit dahil maitim ka?

Kayumanggi naman talaga ang mga Pinoy 

Wala  pa naman ako nababasa na history book na nagsasabi na may nadiskubreng tribo, katutubo o sinaunang Pilipino na may “as white as snow” ang balat. Pero marami akong napanood na noon pa ay may nagpaputi o pumuti dahil sa gamot at beauty products. S’yempre may natural maputi kasi may lahing foreigner ang isa o pareho ang kanyang magulang.

Bianca Gonzalez is one of then beautiful Morenas I know

Wala namang pumipigil sa mga gustong magpaputi. Malaya sila sa kanilang choice. Pero iyong laitin pa ang maiitim at ipalagay silang  pangit ay teka… di ko talaga  ma-gets.

Is your definition of beauty based on skin color?  

Sa  ganang  akin  ang kritisismo sa pisikal na kapangitan ay epekto ng lawak, lalim, o kitid ng pang-unawa o pamantayan ng isang tao sa kung ano lang kagandahan sa kanya.  Ang bawat isa sa atin ay  may kanya-kanyang  panlasa kung ano ang  nakakaakit. Subalit  hindi ibig sabihin nang hindi ka na nagandahan ay napangitan ka na rin.

Para rin itong  pagsasabi ng “hate” kahit “dislike” lang o “period” na kahit “comma” lang. Kung may survey sa 100 katao at pipili sila sa choices a, b, at c. Kapag marami ang pumili ng “a,” hindi ibig sabihin na mali na ang mga namili ng “b” at “c.” Choice nila iyon walang basagan ng trip.

Ano naman meron sa mga nagkokomento ng “ulikba,” “kulay uling,” at iba pa na alam mo ng may negatibong kahulugan sa itsura ng isang tao. Marahil ang definition nila ng beauty ay repleksyon lang din ng kanilang ugali at pagkatao...yong negatibong. In fact, kung positibo ka nga sa buhay ay baka walang pangit sa paningin mo.  

Negra daw ako!

Negra rin ang isang tukso sa akin. Totoo naman na ako na ang pinakamaitim sa aming magkakapatid na babae. Pero I take it as a term of endearment akung kuya, pinsang lalaki, at tito. Wala na sa akin kung tawagin akong negra NILA kasi I know tuksong ek-ek na lang nila yun. Isa rin kasi sa nickname ko ay Nene, pinapahaba lang nila charrot!

Patalastas

Pero aaminin ko na once upon a time ay apektado rin ako ng pagiging maitim ko. Minsan ay mismong mga kalaro o kaibigan ko ang pa ang nanukso sa akin. Tinawag nila akong “sunog na tinapay, “puwit ng kaldero,”  at “ita.” Parang mabigat pa ata yun sa pagiging mahirap namin. Drama!

Kaya noong nag-teenager ako napasubok akong mag-papaya soap. Hayon, namuti nga ako dahil nagbalat at nag-dry na skin ko, hohoho! Eh ang kulay pala ng lahi namin ay pumupusyaw nang konti pag lumalaki na. So naturally, nabawasan ang pagiging maitim ko.

Pero alam mo ang talagang nagpawala sa pagiging maitim na kapangitan ko? Iyon ay pagtanggap na maganda ako sa kulay ko.

“Tracing Human Ancestry” exhibit  at The Mind Museum

Hindi naman ito totally 360 revolutionary moment kundi na-realize ko na lang basta. Hindi naman pala kahit kailan naging balakid ang pagiging maitim ko. Nasasabihan naman ako na cute, maganda, mabuti, magaling, mahusay, kahangahanga o iba pang papuri kahit negra ako. At hindi nila iyon ibinigay sa akin out of awa kasi maitim ako, kundi likas lang na ganoon. Hello!

Ganoon naman talaga ang realidad ng buhay. It takes maturity o mainam na mga realization sa buhay o wisdom bago mo ma-embrace kung ano ka. Wala pa lang mali sa iyo. Naitatak lang sa isipan mo kung ano ang kapangitan base sa persepsyon ng ibang tao. Iyong mga tao na baka wala na lang din magawa o opinionated masyado.

Kung maitim ka at gusto mong pumuti ay walang problema. Ang isyu ay kapag nanlalait para iangat lang ang ideya mo ng kagandahan at kaputian. Sana lang ay ang kanegahan na ganito ay huwag nang ipamana sa susunod na mga henerasyon. Stop bashing, stop discrimination.

“Victims of discrimination would simply nurture the pain in their hearts as it gradually transforms them into individuals who are afraid to fight for their rights, uncertain of their own capabilities and of what they can achieve in life,” –bahagi ng talumpati ni Sen. Loren  Legarda tungkol sa “Anti-Discrimination Act of 2011

An art work at NCCA Office

“…we remain a nation that throws all forms of bias and prejudice at those who we perceive to be ‘different’ from the majority.”

Sa totoo lang po,  baka wala ng pangarap na natupad o Pilipinong umangat kung tayo-tayo pa ang magsisiraan. At kapag sinabing pangit lalo na dahil maitim ka, sila ang may problema ‘di ikaw. Smile!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 21 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Babe, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Say No to Bashing: ‘Pag maitim, pangit agad?

  • Warjie

    “Pero alam mo ang talagang nagpawala sa pagiging maitim na kapangitan ko? Iyon ay pagtanggap na maganda ako sa kulay ko.”

    Just perfect!

    Sa society natin ngayon, ang pagiging “darker than white” is automatic minus point agad. So in turn, yung mga taong hindi pinagpala ng “beautiful skin color” e nagkakaron ng automatic inferiority complex.. which unfortunately galing sa external factors.

    Parang nagiging learned self-helplessness tuloy.

    Yung mga akala nating biru-biruan e hindi natin alam malaki pala ang (negative) impact sa subject natin.

    Hay..

    • Hitokirihoshi Post author

      I thank you hehehe!

      Oo nga nakakainis minsan yung nagpaparamdam ng ganito ay mismong kaibigan, kamag-anak o malapit sa iyo. You know, hindi naman lahat ng tao may tatag o mabilis ma-process yung ganitong bagay. May mga emotionally weak din so hopefully ma-reach natin sila na ang kapangitan ay nasa ugali, hindi sa anyo.

      Mabuhay!