Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman sa pelikulang Deadma Walking, na isang entry sa Metro Manila Film Festival. Parang ang odd ng kombinasyon ng mga keywords, but at the same time ay nakaka-curios na i-check. Noong napanood ko ang trailer⇓ ay nakumbinse ako na isa ito at ang una kong panonoorin. At bakit beks?
1. “Based on screenplay that won second prize at the Palanca Awards for Literature”
Hindi ako nagpapaka-art enthusiast dito pero bibihira na makakapanood ako ng movie na ang screenplay ay nanalo na sa isang kasing prestigious ng Palanca Awards. Siguro maihihilera ko pa lang dito sa mga napanood ko simula noong namulat ako sa MMFF ay “The Summer Solstice” o Tatarin na orihinal na akda ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin.

So, kung pumasa at nanalo ang screenplay pa lang sa Palanca ang Deadma Walking ay may something sa story at pagkakalahad nito.
2. Grade of A sa Cinema Evaluation Board (CEB)
‘Di ko pa nase-search kung ano-anong film ang may mataas na grade sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang napanood ko. Pero doon naman sa mga naalala ko na may grade A or B ay madalas akong agree. Ngayong kini-claim ko na as moviegoer ay investing sa akin ang manood ng pelikula. Ang ganitong grade o revew ay isa sa ilang factor para masabi na baka okay ang isang film.
Para sa Deadma Walking ito ang tsika ng CEB:
Director Julius Alfonso has an auspicious debut film in ‘Deadma Walking’, which is brilliantly visualized and combines humor, drama and camp to come up with the right mix seldom seen in the yearend festival.

The comic timing and musical numbers give the film an engaging energy.’
3. The Surprise Me Joross Gamboa factor
Masasabi ko na kahit papaano ay nasundan ko ang journey ni Joross mula pa lang sa Star Circle Quest (SCQ) nila ni Hero Angeles, Sandara Park, Melissa Ricks, Neri Naig, Joseph Bitangcol, Michelle Madrigal, at Roxanne Guinoo. Iyong youth-oriented show nila na SCQ Reload, ang love team n’ya, at ang kanyang pagiging sidekick sa mga bida. Gusto ko s’ya sa film series ng A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo at napapanood ko rin s’ya sa ilang teleserye. Kaya kahit papaano ay pamilyar ako sa usual acting n’ya.

Sa pagkakataong ito, matapos ang ilang taon, nagbida na s’ya sa isang edgy role. Gusto ko iyong na- surprise ako ni Joross dahil iba ‘to. Sa pagkakakuha n’ya sa film na ito ay isa ako sa natuwa para kanya. I believe isa itong acting piece for him na puwedeng basehan para sa iba pang roles o offers para sa kanya. Para sa akin, itong Deadma Walking para sa kanya ay gaya ng Kimmy Dora para kay Eugene Domingo, Kita-Kita para kay Empoy Marquez, Heneral Luna para kay John Arcilla, at Be Careful With My Heart ni Jodi Sta. Maria.
4. Let’s see the passion of Edgar Allan Guzman
May isa akong impression kay EA Guzman na wala sa karamihan. Iyon ang pagiging passionate artist n’ya. Panonoorin mo s’ya- hindi dahil kontrobersyal o sikat s’ya, kundi dahil alam mong passionate at magaling s’ya sa pag-arte.

Malaki ang paghanga at respeto ko sa gaya n’yang artista. Napanood ko na ang ilang performance n’ya sa Maalaala Mo Kaya, Unofficially Yours (Angel Locsin-John Lloyd starrer), at ang indie film n’yang Ligo Na U, Lapit na Me (with Mercedes Cabral/ Cinemalaya). Napaka-versatile n’ya na to the point nagiging guapo at kinilikilig na rin ako dahil sa kanyang acting ( lalo na yung with Kim Chiu). Ganun s’ya ka-effective. I think in terms of staying power, isa s’ya sa may advantage para magtagal sa showbiz.
Dito sa Deadma Walking, mahusay s’ya pagpapaka-bading. Hamon din ito sa kanyang craft, knowing hindi naman talaga s’ya beks. And I can say anyone can get gay roles, but only few can do that effectively. Yes even sometimes yung mismong gay actors ay hindi convincing at nakaka-entertain (o pangit yung pagkakagawa ng character build up). I really like actors na kapag pinanood ko sa sinehan ay nakakalimutan ko kung sino sila sa totoong buhay o ibang roles nila noon. I admit medyo mataas ang expectation ko kay EA sa movie na ito.
5. Beautiful, Different Film story prevails

Itong Deadma Walking ay istorya ng isang magkaibigang bakla at may kinalaman sa preparasyon ng kamatayan. Pamilyar? Kung napanood mo ang Die Beautiful (starring Paolo Ballesteros and Christian Bables) ay maiisip mo na may similarities. Pero ang isa ko pang naiisip din dito ay 100, a 2008- independent film starring Mylene Dizon and written by Chris Martinez. Pero magkagayon man ay wapakels, nonood pa rin ako.
First time ko ‘to na manood ng film na ang *main director ay si Julius Alfonso, screen writer ay si Eric Cabahug, at gawa ng T-Rex Entertainment. Gusto kong i-discover ang kanilang galing sa film-making. Naniniwala ako na may kanya-kanyang treatment, twist, character build up, at artistic expression ang bawat director/ writer/ actor.
*main director: napanood ko ang ilang film projects ni direk Julius na s’ya pala ang asst. director : So Happy Together, Here Comes The Bride, Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel, at ang isa sa favorite kong film na Ang Babae Sa Septic Tank.
6 Perfect movie for a pleasurable bonding moment
Kaya kong manood ng film na mag-isa o may kasama. Minsan kasi kahit gandang-ganda ako sa film, ‘pag ‘di trip ng mga kaibigan/ kapatid ko ay mahirap mamilit. But Deadma Walking seems to be a totally entertaining, about barkada, may hugot, at may kadramahan din na movie–I don’t need to invite. May mga kusa na nagsabi sa akin na manonood kami. You know, movie-time is bonding time lalo na sa amin ni Syngki.
7. An entertaining movie worthy to invest in
Gusto ko ang movie na hindi lang ako tatawa sandali at makakalimutan ko na ang istorya—iyong wala lang. Investment sa akin ang manood ng film e. Kaya kung puwede hanggang sa lumabas ako at lumipas ang panahon ay…
- Matatandaan ko iyong nakuha kong aral dito, lalo na yung mga dialogues
- Yung may nakakatuwang eksena na either real na real or pasok na pasok sa banga
- Yung napaisip ako na what if may ganoon talagang mangyari (suspension of disbelief) at binigyan ako ng realizations.
I guess the edges of this film ay hindi ito fantasy pero kakaiba. Tinatalakay nito ang totoog paksa ng buhay pero hindi usual ang attack. Nagpapatawa pero intelihente ang pagkakalahad o yung reality ng buhay na nakakatawa pala.
Dito ang aking film review ng Deadma Walking
kool ü
Thank you hehe