7 Reasons Why I’ll Watch Deadma Walking sa MMFF 2017 1


Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman sa pelikulang Deadma Walking, na isang entry sa Metro Manila Film Festival.  Parang ang odd ng kombinasyon ng mga keywords, but at the same time ay nakaka-curios na i-check. Noong napanood ko ang trailer⇓ ay nakumbinse ako na isa ito at ang una kong panonoorin sa MMFF 2017. At bakit beks?

1. “Based on screenplay that won second prize at the Palanca Awards for Literature

Hindi ako nagpapaka-arty dito pero bibihira na makakapanood ako ng movie na ang screenplay ay nanalo na sa isang kasing prestigious ng Palanca Awards.  Ang siguro maihihilera ko pa lang dito sa mga napanood ko simula noong namulat ako sa  MMFF ay  “The Summer Solstice” o Tatarin na orihinal na akda ng National Artist for Literature na si Nick Joaquin.

Screenwriter Eric Cabahug at Deadma Walking media conference

So kung pumasa at nanalo ang screenplay pa lang sa Palanca ang Deadma Walking, hmmm may something sa story at pagkakalahad nito.

2. “a Grade of A from the Cinema Evaluation Board (CEB) “

Ang totoo ay medyo di ko tanda kung ano-anong film na may mataas ng grade sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang napanood ko.  Pero doon naman sa mga naalala ko na  may grade A or B ay  madalas akong agree kung bakit. Ngayong kini-claim ko na moviegoer with utak investing ⇑ (pages) sa bagay-bagay ay isa sila sa ilang factor / film reviewers ko para masabi  ko na baka okay ang ang isang film.  Para sa Deadma Walking ito ang tsika ng CEB:

Director Julius Alfonso has an auspicious debut film in ‘Deadma Walking’, which is brilliantly visualized and combines humor, drama and camp to come up with the right mix seldom seen in the yearend festival.

The comic timing and musical numbers give the film an engaging energy.’

3. The Surprise me Joross Gamboa factor

Masabi ko na kahit papaano ay nasundan ko ang journey ni Joross mula pa lang sa Star Circle Quest (SCQ) nila ni Hero Angeles, Sandara Park,  Melissa Ricks, Neri Naig, Joseph Bitangcol, Michelle Madrigal, at Roxanne Guinoo. Iyong youth-oriented show nila na SCQ Reload, ang love team n’ya, at ang kanyang pagiging  sidekick sa mga bida. Gusto ko s’ya sa film series ng A Very Special Love nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo at napapanood ko rin s’ya sa La Luna Sangre. Kaya kahit papaano ay pamilyar ako sa usual acting n’ya.

Joross plays John, a gay with terminal ill with fabulous wish before he dies

But this is it, matapos ang ilang taon ay magbibida na s’ya  bilang actor sa isang edgy role.  Gusto kong ma- surprise sa kanya dahil iba ‘to.  Kung mag-click itong film na ito ay isa ako sa matutuwa para kay Joross. I believe isa itong acting piece for him na baka magbukas pa ng pintuan o panibagong turning point sa kanyang karera. Sa akin itong Deadma Walking sa kanya ay gaya ng Kimmy Dora para kay Eugene Domingo Kita-Kita para kay  Empoy Marquez, Heneral Luna para kay John Arcilla, at Be Careful with my Heart ni  Jodi Sta. Maria.

4. Let’s see the passion of Edgar Allan Guzman

Hindi ako nagagawapuhan, pero may isa akong impression kay EA Guzman na wala sa karamihan.  Iyon ang pagiging passionate artist n’ya. Panonoorin mo s’ya- hindi dahil kontrobersyal/sikat s’ya- kundi dahil alam mong passionate s’ya sa pag-arte.

Edgar Allan Guzman plays a true gay beshie to his weird dying friend.

Malaki ang paghanga at respeto ko sa gaya n’yang artista. Napanood ko na ang ilang performance n’ya sa Maalaala Mo Kaya, Unofficially Yours (Angel Locsin-John Lloyd starrer), at ang indie film n’yang Ligo Na U, Lapit na Me (with Mercedes Cabral/ Cinemalaya). Napaka-versatile n’ya na to the point nagiging guapo  at kinilikilig na rin ako dahil sa kanyang acting ( lalo na yung  with Kim  Chiu). Ganun s’ya ka-effective. I think in terms of  staying power, isa s’ya sa may advantage para magtagal sa showbiz.

Dito sa Deadma Walking, aabangan ko ang husay n’yang magpaka-bading. Hamon din ito sa kanyang craft, knowing hindi naman talaga s’ya beks. And I can say anyone can get gay roles, but only few can do that effectively. Yes even sometimes yung mismong gay  actors ay hindi convincing at nakaka-entertain ( o pangit yung pagkakagawa ng character build up). I really like actors na kapag pinanood ko sa sinehan ay nakakalimutan ko kung sino sila sa totoong buhay o yung pagganap nila ng ibang roles noon. I admit medyo mataas ang expectation ko kay EA sa movie na ito.

5.  Beautiful, Different Film story prevails

Direk Alfonso says that until now hindi n’ya pa napapanood ang Die Beautiful para hindi s’ya maimplwensyahan nito

Itong Deadma Walking ay istorya ng isang magkaibigang beks (bakla) at may kinalaman sa preparasyon ng kamatayan. Pamilyar? Kung napanood mo ang Die Beautiful (starring Paolo Ballesteros and Christian Bables) ay maiisip mo na may similarities. Pero ang isa ko pang naiisip  din dito ay 100, a 2008- independent film starring Mylene Dizon and written by Chris Martinez. Pero magkagayon man ay wapakels, manonood pa rin ako.

This is going to be my first time to watch a film na ang *main director ay si Julius Alfonso, screen writer ay si Eric Cabahug, at gawa ng T-Rex Entertainment.  Gusto kong i-discover ang kanilang galing  sa film-making. Naniniwala ako na may kanya-kanyang treatment, twist, character build up, at artistic expression ang bawat director/ writer/ actor.

*main – napanood ko ang ilang film projects ni direk Julius na s’ya pala ang asst. director : So Happy Together, Here Comes The Bride, Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel, at ang isa sa favorite kong film na Ang Babae Sa Septic Tank.

  1. Perfect movie for pleasurable bonding moment

Kaya kong manood ng film na mag-isa o may kasama. Minsan kasi kahit gandang-ganda ako sa film, ‘pag ‘di trip ng mga kaibigan/ kapatid ko ay mahirap mamilit. But Deadma Walking seems to be a totally entertaining, about barkada, may hugot, at may kadramahan din na movie–I don’t need to invite. May mga kusa na nagsabi sa akin na manonood kami. You know, movie-time is bonding time lalo na sa amin ni Syngki. 

  1. An entertaining movie worthy to invest in

Gusto ko ang movie  na hindi lang ako tatawa sandali at makakalimutan ko na ang istorya… iyong wala lang. Investment sa akin ang manood ng film e kaya Kung puwede hanggang sa lumabas ako at lumipas ang panahon ay

  • matatandaan ko iyong nakuha kong aral dito
  • yung nakakatuwang eksena na either real na real or pasok na pasok sa banga
  • Napaisip ako na what if may ganoon talagang mangyari (suspension of disbelief) at binigyan ako ng realizations.

I guess the edges of this film ay hindi ito  fantasy pero weird, tatalakay sa totoog paksa ng buhay pero hindi usual ang attack, magpapatawa pero intelihente ang pagkakalahad or  yung reality ng buhay  na nakakatawa pala.

So tara nood tayo at abangan mo ang film review ko nito 😉

Dito ang aking film review



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

One thought on “7 Reasons Why I’ll Watch Deadma Walking sa MMFF 2017