Sa Buwan ng Sining, Halina’t Pag-alabin ang natatagong Galing


Ano kaya ang mundo kung walang sining? Kaya kaya ng Matematika, Syensya, at Lohika lamang?  Sa selebrasyon ng Buwan ng Sining o National Arts Month (NAM), na pangungunahan ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) ay  masasagot ang mga tanong na ‘yan. Ito  ay dahil sa hitik na mga programa at aktibidad  na magpapalamas na maraming  rason kung bakit mahalaga, masaya, at maipagmamalaki ang Filipino Arts.

Mga nagtanghal kasama ang opisyales ng NCCA sa pangunguna ni chairman and Nationa; Artist Virgilio Almario

Alab sa Buwan ng Sining

Sa hindi pa nakakaalam, sa bisa ng Presidential Proclamation no. 683 noong 1991 ay idineklara na ang Pebrero bilang Buwan ng Sining sa  Pilipinas. Ito ang pagkakataon para ipagdiwang, ipakilala, at ikampanya arts ng mga talentadong Pinoy.  Kaugnay nito ay may mga binuong komite para sa  pitong sining na kinabibilangan ng Cinema, Visual Arts, Architecture, Literary Arts, Music, Dramatic Arts, at Dance.  Ang mga komite na ito ay nasa ilalim ng Subcommissions on the Arts (SCA) ng NCCA.

Kung noong mga nakaraan ay halos tumatakbo ng buong taon ang mga proyekto para sa NAM, ngayon ay siksik ito sa Pebrero.  Kaya kong ikaw ay maka Cinema, Visual arts, Architecture, Literary Arts, Music, Dramatic Arts, o Dance , maiging maging markahan sa kalendaryo  ang mga sumusunod:

  • February 1 in Bicol: Ang National Committee on Literary Arts ay isasagawa ang Maartext. Ang Maartext ay pista ng literatura at teatrikong pagtatanghal.  Ito ay pagsasama-samahan ng mga cultural workers, manunulat, at kritiko.  

Silip sa NCCA Library

  • February 3 at the Rizal Park: “Ang Labs Kita Sabado – Ito ang unang araw ng seremonya ng pagbubukas ng Arts Month na gaganapin sa Rizal Park, Manila.
    • Bandang 1pm ay mapapanood ang iba’t ibang pagtatanghal. Kasama na rito ang rakrakan ng mga lokal na banda UST Faculty of Arts and Letters + Conservatory of Music, UP Diliman, at Mapua University Manila.
    • Bandang 6pm ay magpapalabas ng mga pelikula na mapapanood ng libre

Sa Angono Rizal o Art Capital of the Philippines ay may seremonya rin magaganap sa araw na ito. Kapapalooban ito ng hindi lamang ng pagtatanghal, kundi nakaaaliw at makabuluhang mga akbidad.

  • February 4 at the Rizal Park. ay araw para makakilala at matuto ng sining na trip o magiging trip mo. Sa araw na ito ay may mga booth at aktibidad gaya na lamang ng:

    Credit: NCCA Public Affairs and Information Office

    • Music and dance workshop
    • Tertulya
    • Story-telling sessions
    • Photography workshop
    • Graphic design workshop
    • T-shirt printing
    • Portrait sketching
    • Cosplay
    • Kite-making
    • Film showings
    • Baybayin workshop
  • February 11 in Bicol: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts

 

  • February 12-17 in Ilocos and Baguio: Architecture at Allied Arts ay mayroong   “Loob at Labas: Talakayan at Pagpaparaya” na gaganapin sa Ilocos at Baguio.  Ang programa na ito ay binubuo ng forums at exhibit.
  • February 15 in Baguio: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts

 

  • February 15 -17 in Baguio:  Gaganapin ang Tampok ng National Committee on Dramatic Arts.  Ang Tampok ay 3 araw pagtatagpo ng mga pag-aaral at mga alagad ng Dramatic Arts na kung saan mayroon din pagtatanghal at workshops.

    (Left to Right) Committee on Dance Head Shirley Halili-Cruz , NCCA Dep. Exec. Dir. Marich Tellano, Nationa Artist for Literature and NCCA Chair Virgilio Almario, Exec. Dir. Rico S. Pableo and Commissioner of the Subcommission on the Arts Teddy Co.

  • February 15-16 in Bicol: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
  • February 16 in Tacloban City: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
  • February 19-23 in Nueva Ecija – “Loob at Labas: Talakayan at Pagpaparaya” ng Architecture at Allied Arts sa Nueva Ecija.
  • February 20 in Tacloban City: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
  • February 22 in Baguio, Tacloban City, at Pampanga: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts

 

  • February 22 in Catbalugan, Cebu, Siliman University, Dumaguete ay gaganapin ang MusiKapuluan ng National Committee on Music. Ang MusiKapuluan ay nagtatampok sa Serenatas o tugtugan ng pangungusap sa pagitan ng dalawa o higit pang grupo ng musikero.  Samantala kasama rin dito ang iba pang aktibidad gaya ng workshop at lectures. 

Ang 4th Impact ay ang isa sa guest performer sa mediacon ng NAM

  • February 23-25 in Bacolod. Gaganapin ang Tampok  ng National Committee on Dramatic Arts
  • February 23 in Pampanga, Tacloban City, at Cebu: gaganapin ang Maartext ng  National Committee on Literary Arts
  • February 24 in Cebu: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
  • February 24 in Catbalugan, Cebu, Siliman University, Dumaguete ay gaganapin ang MusiKapuluan ng National Committee on Music
  • February 24-25 in Bicol: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts

 

  • February 25-March 1 in Metro Manila. Itatanghal ng ng national committee on cinema, sa pakikipagtulungan sa ActiVista, ang Cinema Rehiyon sa iba’t ibang pamantasan at Universidad

    Cinema Rehiyon (File photo/ Credit: NCCA Office)

  • February 25 in Quezon City Memorial Circle ay gaganapin ang
  • February 26-28 in NCR and  ARMM – Gaganapin ang Tampok  ng National Committee on Dramatic Arts
  • February 26 in Tacloban City: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
  • February 26-March 2 in Batangas – “Loob at Labas: Talakayan at Pagpaparaya” ng Architecture at Allied Arts sa Nueva Ecija.
  • February 27 -28 in Aklan: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
  • February 28 in Bicol: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
  • February 28 in Davao City ay gaganapin ang MusiKapuluan ng National Committee on Music
  • March 2 in Tacloban City: gaganapin ang Maartext ng National Committee on Literary Arts
  • March 5 -9 in Iloilo – “Loob at Labas: Talakayan at Pagpaparaya” ng Architecture at Allied Arts sa Nueva Ecija.
  • March 12-16 in General Santos – “Loob at Labas: Talakayan at Pagpaparaya” ng Architecture at Allied Arts sa Nueva Ecija.

Ani ng Dangal (Harvest of Arts)

Sa ibang banda ang National Committee on Visual Arts ay may Philippine Visual Arts Festival (PVAF) na idadaos sa Santiago, Isabela.  Ang National Committee on Dance naman ay may Sayaw Pinoy na gagawin sa mga  lugar sa South Cotabato, Capiz, Baguio, Bacolod, Cagayan de Oro, Davao, Pampanga,  Batangas, at  Metro Manila.  Ang parehong mga programa ay tatakbo sa loob ng Pebrero.

Ang isa sa highlight ng National Arts Month ay ang Ani ng Dangal. Ito ay taunang pagbibigay ng parangal sa mga alagad  ng sining o artista na kinilala sa  loob at labas ng bansa.  Ang seremonya nito ay hudyat na rin ng pagsasara ng buwan ng Sining.

Ani ng Dangal 2014

Para sa iba detalye, mangyaring bisitahin ang opisyal na website ng  NCCA. Samantala narito naman ang paanyaya sa iyo ng Internationally recognized all female group and X Factor UK 2015 finalist 4th  Impact na makilahok sa Buwan ng Sining. 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.