Sanaysay: Ano ang tingin mo sa mga guro?


Hindi ko alam kung ano mayroon pero parang nagkaroon ako ng Teacher’s Day o Araw ng mga Guro (pero ang National Teachers’ Month ay tuwing September 5 – October 5 sa ‘Pinas). May nakausap kasi aking guro sa umaga at eksakto ay nakasalubong ko ang mga nagwewelgang teachers sa loob ng isang araw.  Dahil tinatanaw kong unang mentors ang aking mga guro, especially sina Sir Ramon Naanep at Ma’am Victoria Diaz ay lalong napalapit sa akin ang mga guro. Iyan ay bukod pa sa marami akong kamag-anak sa Eastern Samar at Davao na naging mga guro buong buhay nila.

Ang worth ng pagiging guro ay base sa kanilang sweldo?

 

Noong umaga ay may nakausap akong isang public school teacher na  nagbabalak mag-abroad. Itatago ko s’ya sa pangalan Ma’am Rose. Na-curious ako dahil may kilala akong private school teacher na nagpursige na mag-public.  Ayon sa teacher na ‘yon, na itatago ko sa pangalang Ma’am Sunflower, ay mas secured, maraming benepisyo, at maganda-ganda ang sahod. In fact ay mayroon silang chalk allowance kaya bakit nga ba may nag-aalisan na guro?

Tinanong ko si Teacher Rose kung bakit  n’ya o ng ibang guro gustong mag-a-abroad? Alam ko namang LBM (looking for better management) at LBC (Looking for Better Compensation) ang kadalasang dahilan, pero gaano ba ka- worst para maghanap ng better?  Ayon kay Ma’am Rose ay:

Delay ang sahod at allowance

Kahit pa anya sabihing malaki ang sahod at may mga allowances na natatanggap pero dahil delay ay mababaon muna sa utang ang isang guro bago niya makuha.

Ayon sa asawa ni Ma’am Sunflower ay mahaba ang naging proseso ang paglalakad nila para maging public school teacher s’ya.  May “ranking” pa ngang nalalaman na kapag tumataas nga ay mas mas maganda. Paglatapos noon ay ang siste pa ay bibilang ng two months  muna bago makuha ni Ma’am Sunflower ang sahod niya. bakit ganoon? Iyon na raw ang kalakaran at malay ko baka sa regularization.

Ano kaya ang paliwanag ng DOLE at DepEd dito ?

Kung iisipin ang dalawa – isang buwan na delay na sahod ay napakalaking dagok sa house budget. Hindi mo naman masasabihan ang mga kompanya ng kuryente, tubig, telepono, transportasyon, at pagkain na puwedeng delay din ang bayad mo.  Katunayan ay sasampalin ka pa ng penalty, surcharge, at interes kung ita-try mo ang pasensya nila.

 

School Politics 

 Sabi ni Ma’am Rose ay iyong matataas na rank na ang nakakakuha ng competitive salary. At bago mo makuha iyon ay dadaan ka sa butas ng karayom, iyan ay maliban pa sa “palakasan system” o dikit mo sa mas mataas sa iyo. Tinanong ko s’ya kung iyan bang kalakaran na iyan ay sa school lang nila o sa lahat ng public schools. Sagot n’ya ay sa kabuuan ay ganoon.

 

Naalala ko noong elementary ako, mga grade 5, ay may pagkakataon na pinapirma/ pinasagutan kami ng Math or English teacher ko na may kinalaman sa pagpapatalsik sa principal namin. Hindi ko na tanda ang detalye o name ng teacher pero tanda ko ‘yong epekto sa pagtingin ko sa gurong ‘yon, sa iba pang guro na deadma, at sa principal ( naalala ko name n’ya). Nangyayari pala ang away o politics sa school, ano? Pero sa point na ‘yon ay nakuha ni Mr. Math or English ang simpatya ko at ikinagalak kong naipanalo n’ya ang laban n’ya.  By the way,  7 taon akong nag-public school.

Mababa ang tingin sa mga Guro

 

Sa lahat ng napag-usapan namin ni Teacher Rose ay pinakanaantig ako sa sinabi n’yang minsan din ay  mababa ang pagtingin sa mga teacher (dito sa Pinas?).  Mukhang inosente man ang sagot ko na “ bakit ganoon?” pero nagtataka talaga ako.  Iyan ay dahil daw sa mababa ang sahod.  Kaya nasabi ko na problema iyan sa society natin, iyong halaga at  saysay ng propesyon mo ay nakabase sa  sa kinikita mo rito. Nakaka-demoralize na nga na hindi ka satisfied sa sahod mo, tapos ang baba pa ng tingin ng ibang tao sa iyo.

Istatwa ni Don Bosco is known educator, priest, and writer; Patron Saint of Schoolchildren

Sa pag-aaral ko ng personal finance (kasama na ang wealth creation at personality development), ilang beses kong na-encounter ang mga mensahe na hindi sukatan ng iyong self-worth ang iyong kinikita.  Ang iyong net worth ay pagkakalkula lamang ng iyong income and/ or asset pagkatapos ibawas na rito ang iyong obligasyon o liabilities.  Kaya kahit mataas ang sahod mo pero waldas ka at sagana ka rin sa utang, eddie mababa rin ang net worth mo. At mas may saysay ng milya ang self-worth, kaysa net worth dahil tool lang naman ang pera at ari-arian. You can even earn more and happier kung okay ang self-worth mo.

 

Balik tayo sa worth ng mga guro,  naalala ko ang linya ni Sir Naanep na sila ay mga hamak na guro man ay sila ang humuhulma ng mga abogado, doktor, guro at iba.  Kung saan man kaming mga estudyante nakarating, yumaman o humirap, naging professional/skilled o informal sector ay naging bahagi ng buhay namin ang mga guro. Hello lagpas isang dekada ng buhay  mo kung nakapagtapos ka pag-aaral, wala pa dyan kung magma-masteral o doctorate ka.

Welga ng mga guro

Napadaan kami ng Nanay ko sa City hall na kung saan ay may nakita kaming nagwewelgang mga guro.  Base sa mabilis na pagbasa sa mga placards habang nasa jeep, naunawaan ko na ang sinusulong nila ay omento sa sahod.  Ikinagulat ko na wala pa pala sa Php 30k ang kanilang sahod. Iyon ay bukod sa alam kong reklamo na may kinalaman sa delay.

Ang unang pumasok sa isipan ko ay “hindi dapat sila nandoon.” Dahil hindi dapat nila nililimos o winewelga ang sahod na karapat-dapat nilang makuha.  Dapat ay nasa eskwelahan sila at pinagtutuunan ang pagtuturo sa mga batang magiging  lider, guro, abogado, huwes, negosyante at ipa bang mabuting mamamayan sa Pinas o sa ibang bansa.

Katunayan naniniwala ako na ang basic na asset ng isang school or education system ay hindi sa pasilidad nito, kundi unang-una sa guro nito.  Naranasan ko na walang library, walang computer room, walang laboratory, nakikihiram ng libro, at pisara lang ang dingding, pero dahil magaling na educators ang karamihan sa mga guro ko ay naging mahalaga ang pagtingin ko sa edukasyon kahit sa paanong paraan ko pa ito makamit.

Mabuhay sa lahat ng passionate at dedicated teachers.

Ang video sa ibaba ang tinutukoy kung rally ng mga teacher na nakita namin:

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.