Ang writing gig ay isa sa in-demand na freelancing, homebased, or side hustle job. Sa pag-arangkada ng digital media, hindi na lang mga tapos sa mass communication, journalism or similar field ang pwedeng magsulat. Sa bagay mas lumawak ang puwedeng sulatan at babasahing kinokunsumo ng mga tao. Dahil sa stiff competition, isa sa mga tanong na palagi kong na-e-encounter sa mga seminars, job sites, at blogs ay “okay ba ang $2 per article or less for a freelance writing gig?” Sige isa-isahin natin:
Disclaimer: Ang opinyon dito ay walang direktang pinatatamaan, kundi kuro lamang para sa kamalayan at kapakanan ng Sansinukob nagwa-wonder sa ganitong isyu.
Tatangapin mo ba ang $2 per article or less?
Puwede ko naman tanggapin dahil sino bang ayaw ng $2, pero baka hindi sa blogging, writing, anything creative or work na kailangang paglaanan masyado ng oras/ brain cells ko.
Isa sa nabasa kong site na may magandang sentimiento sa work and pay rate for Filipino Freelancers ay sa The Filipino Writer. Lahat ng punto n’ya ay sang-ayon ako, isa na roon ay ang actually tubong lugaw na ang ibang nagha-hire sa mga freelancers.
- They don’t give benefits na sige na okay na kasi hindi ka naman regular employee,
- pero hindi rin nila binabayaran ang kuryente mo,
- gadgets, pc, printer at kung ano pang ginagamit mo
- at internet connection mo.
Sa mga factor pa lang na ‘yan ay mapapatanong ka na kung sapat ba ang $2 per 500-word article or $5 per 2000+ words. Iyan ay kahit hindi ka pa writer talaga. So what more kung may experience ka sa writing o freelancing?
Okay ang writing gig na $2 per article?
Kung ako, puwede ko i-consider na tanggapin ang $2 per article basta less than 100 words at ang topic ay madaling isipin. Ang nakakaloka kasi ay nakakakita ako ng mga job posts na ang requirements ay 500 to 2000 words at sa loob ng ganitong oras (limited time na one hour?) for $1-3. May pa-per batch pa nga ng articles bago makuha ang bayad. Nakakaloka kasi:
- Good writing requires time/ energy to think – Ang blog post na ito mismo ay sinulat ko ng lagpas 5 hours. Alangan din naman na hindi ako uminom ng tubig at iihi ko yun after. Wala pa rito yung mga minute na ipo-post ko sa ito sa WordPress, paglalagay ng picture, at kahit papaano ay i-edit. May mga kakilala ako na batikan writers, na akala mo machine na gumagawa ng istorya, pero I don’t think satisfied sila sa nagawa nilang article na tinapos nila within an hour. Pero bihira pa rin ang nakatapos ng isang oras.
- Good writing requires time to make an article relevant/ factual/readable – May nabasa ako na “rewriting” lang naman daw kaya mababa at madali ang work. Pero dapat yung pagkaka-rewrite ay dapat ay original. Napa-“Ha?” ako. Ang isang kahulugan ng rewriting ay pag-uulit ng writer sa kanyang sinulat para ma-improve ang tabas nito. Ibig sabihin ay nandoon na ang sinulat at aayusin na lamang. Parang as good as editing ito para sa akin.
May iba naman na ang pakahulugan sa rewriting ay article spinning na kung saan ipinagpalit-palit lamang ang mga words, paragraphs, at ayos sa artikulo para magmukha itong fresh kuno. Pero yakang-yaka itong gawin ng ilang website or software. Sa pagkakaalam ko ay nauso ang article spinning para maiwasan na masita ng Google na duplicate ang article. Pero que mahuli o hindi ni Google, I don’t think may magbabasa ng na-spin na article. Nakabasa na ako ng isang article na ang gumawa ay umamin sa akin na nag-article spinning. Ang labo talaga kasi nang pagkakasulat, hindi na makatao!
Kaya ang rewriting na sinabi noong nag-post ay actually ay paraphrasing. At ito ay as good as doing new content na susuportahan ng mga source (with credits). Maaaring bibigyan ka ng pagbasehan na artikulo pero gagawa ka pa rin ng bago. So paanong $2 lamang ito?
Ang pinakamadali na gawin ay mag-plagiarize, yong copy-paste ng article na hindi mo sinulat. Pero ang gumagawa nito ay walang respeto at dinedemanda >>> copyright infringement at ipe-penalize ng Google.
- Error free article requires time to edit. I will never ever claim na error free ang anumang nagawa kong text/copy. Itong disclaimer na ito ay hindi ko rin excuse para hindi ko na suriin ang ginawa ko. Pero actually ay ayokong nag-e-edit masyado, minus doon sa obvious na grammatical or typographical errors. 2-3 times ay inaayawan ko na dahil ang pang-apat ay nabababago ko na.
At saka ang mahusay na editing process ay dapat ay iba ang nagbabasa (proofreader, section editor, at editor-in-chief). May mga tao talaga na Grammar Nazi innately or professionally. Hindi ako belong. Kung ikaw kasi ang mag-e-edit ng article mo ay gagawin mo lang ang tingin mo ay tama. So paano kung may mali o igaganda pa? Kaya nga para ma-edit mo mismo ang sarili mong sulat ay mainam na maglaan ng panahon para ito ay masuri nang maigi at mahanap/ matanong kung ano ang mali rito.
Tatanggapin mo ba ang $2 per article kung hindi ka magaling na writer o sa English?
May nabasa ako sa Entrepreneur na magandang case study para rito:
If somebody told me years ago that a future generation of would-be entrepreneurs would learn how to sell from a bunch of writers, researchers, and consultants who’ve never sold a product or managed a sales force in their lives, I wouldn’t have believed it.
Steve Tobak, manunulat ng Real Leaders Don’t Follow
Sinabi rin dito ni Tobak na maraming mababasa sa libro man o sa mga blogs na pa-cool lang ang datingan pero ‘self-serving.” Noong nabasa ko ang tatlong unang paragraph sa article n’ya ay napa-smile ako. Napa-smile kasi hindi ako magaling sa pagsulat/blogging PERO iyong ibinabahagi ko ay na-experience o nagawa ko man lang. So what more pa kaya roon sa mga expert na dapat ibinabahagi ang kanilang nalalaman?
Sa rami rin ng nabasa ko na self-help materials, medyo dumadali na sa akin malaman kong ang isang article ay sabaw o hindi, at kung galing sa eksperto/ author o sa nagsulat lang. Pero maniwala ka o hindi, may writers na hindi magaling at hindi rin nag-e-earn ng $2 per article.
So anong magandang gawin? IMHO, pagbutihin mo na lang ang iyon writing/negotiating/ freelancing skills and start accepting gig sa companies na irerespeto ka pagadating sa payment terms. Nasa sa iyo kung okay sa iyo ang $2 per article fee. Pero kung gusto mo naman na mag-aral ng writing at kumita kahit papaano ay mag-blog ka na lang. Mas maraming benefits dito, sa iyo pa ang credit, at baka magamit mo pa sa iyong future career o business.
Yoooohh more content like this please! Gaganda ng articles mo po