Bata pa lang ako ay aware na ako sa age discrimination, fat shaming, and smart shaming (i.e geek). Karamihan d’yan ay napag-uusapan na online, pero ang bihirang nae-encounter ko ay ang single-shaming. Sa Pilipinas, na kilala sa pagkakaroon ng “Filipino time,” ang lipunan ay para bang nangmamata kung ang isang tao (lalaki o babae) ay lumagpas na sinasabi nilang “kalendaryo.” Bakit at dapat ba? Hi to all single ladies and lads!
May mali sa iyo kaya ka single? Siguro mayroon/ may bahid nga. Pero sa mga taong nagtatanong bakit ka pa single o bakit wala ka pang asawa? Ang hirap din isipin kung bakit nila natanong o bakit sila na-curious? Iyong wala ring mali sa tanong nila. Ang isang point dito, hindi ba’t ang awkward ng question? At ang awkward din noon sa tatanungin mo? Hindi ito Math na what is 1+1 o “who killed Ferdinand Magellan? Ito ay personal na tanong na gaya ng bakit hindi pa kayo magpakasal o bakit virgin ka pa? Kung oo o hindi, ano ngayon? Rock n Roll na! 😛
May kaibigan ako na tumaba at palagi siyang tinutukso to the point ng fat-shaming na. Baka natukso ko rin s’ya noong payat pa ako. Noong nag-usap kami nalaman ko na mayroon pala siyang Polycystic ovary syndrome (PCOS). May dyowa s’ya pero hindi sila makapagpakasal dahil breadwinner at may matinding sakit ang mama n’ya. Tapos ayaw pa ng mga magulang niya sa guy. So sa lahat ng magpa-fat shaming o single-shaming sa kanya, kailangan ba niyang i-explain isa-isa ito?
Ang siste pa kasi sa mga tao ay mas nagdya-judge sila kaysa concern. I am not saying all, but majority ay hinuhusgahan ka as if maling-mali at kasumpa-sumpa na maging single ka. I don’t know if they experienced it o kung mayroon ay hindi sila naging masaya. Kaya ikaw for sure hindi ka rin masaya dapat na single.
Kapag single, makitid ang kokote? May naranasan ako na sa gitna ng pag-uusap tungkol sa peace at reconciliation ay nasabi ng kausap ko na “ single ka pa kasi kaya ganyan ka mag-isip.” Shookt aketch. I mean, paanong nahalo ‘yon sa point of view ko? Real talk lang naman — Makakausap mo ang isang taong nasa tamang edad na pag-isipan na magpatawad, pero hindi mo kayang diktahan ang puso’t isipan nito. It takes time.
Kung iyon ang pananaw ko ngayon ay maiiba ba ang sasabihin ko kung kinausap niya ako na may singsing sa daliri at nagpapadede ng bata? I don’t think so. Kung mag-iiba ay ‘yon balang-araw ay dahil sa realization ko sa kabuuan ng buhay, at hindi sa status ko.
Oo may mga paksang status sensitive o by experience like parenting, pero naniniwala ako sa case to case basis at hindi mo malalaman ang isang bagay hanggang wala ka pa roon. Kasama na rito ang parenting, family budget, coupling, marriage life, etc. Hindi naman tayo pare-pareho ng mapapangasawa, at pag-uugali. I can say na sa lahat ng mababasa mo sa libro, makukuha mong tip ang ibang tao, o kahit pa sa expert ay magiging mala-theory lamang. Iba ang actual na magagamit mo. So paanong ganoon kakitid ang pananaw ng isang single? Baka malawak pa nga e, dahil malayang mag-isip/ gumalaw/ matututo sa buhay.
Siguro bading/tomboy ka? May isa pang panghuhusga na kaya ka single ay hindi dahil kwestyonable ang iyong pagkababae at pagkakalalaki. Naantig ako noong nabasa ko iyong istorya ng kaibigang lalaki ni Ossiana Tepfenhart named Bradley. Pinagpipiyestahan ang kanyang pagkalalaki dahil celibate at single siya.
Sa Pilipinas nakooo po, hindi malayong paksa rin ito sa ilang umpukan. Pero ang labo rin, e. Kung totoong bading o tomboy ang isang tao, ‘yon ba lang ba ang dahilan bakit single s’ya? Marami akong kilalang tomboy na may dyowa, mga kaibigan na bading na may long-lasting relationship, at kahit pa ‘closet’ pero may karelasyon. If ever na tomboy ako, puwede pa rin akong single o may relasyon. Simple!
Magpapogi/magpaganda/magbago ka kasi! Maraming Pinoy na binabase sa pananamit, pag-aayos, at mga dapat mong ginagawa ang iyong kasarian. Iyon din minsan ang pamantayan nila para magustuhan ka ng ibang tao.
Magandang example dito iyong kung magbenta ng beauty products (mga hard sell sa networking) ay wagas. May nagsabi na mag-ayos ka at tyak na may magkakagusto sa iyo o magiging dyowa ka kapag nag-gluta ka. Eh paano kung tanggap mo naman ang natural color ko. Tanggap mo rin na marami ang mas maganda sa iyo. Pero hindi ibig sabihin noon ay napapangitan ka sa sarili mo at walang magmamahal sa iyo. Hindi ba’t ang saya kung mamahalin ka kung sino ka?
Pero nirerespeto ko rin na may iba na gustong mas maging maganda at pogi sila. Buhay nila at pera naman nila ‘yan. Pero kung magpapaganda/ magpapapogi ang isang tao, IMHO ay dapat para makatulong sa self-esteem n’ya. Iyon ang best na ganda/guapo/fashion- oozing confidence.
Sa lahat ng nakausap kong nagtagal ang relasyon, nagkataon pati na iisipin mo hindi sila kagandahan/ kaguwapuhan pero tunay na nagmamahalan. Marami rin akong mga kaibigan na magaganda pero nagkaroon ng kalbaryong relasyon. At may kakilala rin ako na aminadong ginagamit ang ganda, oo self-confessed gold digger si ateng.
So at the end of the day, ang hahanapin mo rin talaga sa tao ay ganda/guapo ng personality nito. Iyong totoong siya. I bet 2-3 years kahit nagagandahan/nagagwapuhan ka sa isang tao, aayawan mo rin ito kung halimaw ang ugali. Sabi nga ni Deborah Carr Ph.D sa Psychology Today;
The search for a partner isn’t the same as a search for the “perfect” car or a job, although dating apps may make it feel that way. We’re searching for a whole person, not a bundle of desirable traits.
Kaawa–awa ka pag single ka – “Baka tumanda kang dalaga o binata.” Iyong totoo na-feel ko na ito. Pero kung aalahanin ko sa dami ng beses na naisip ko ito o ng mga kakilala ko ay nauna doon ang takot o pananakot gaya baka hindi na na magkaanak o tumanda kang binata/dalaga. Pero ang bawing realization dito ay ikaw ba gaano ka kahandang magpakasal o magkaanak? Kaawa-awa ba talaga?
Sasabihin naman ng iba ay basta makapag-asawa na para hindi ka tumandang dalaga / tumandang binata. Ay wait lang… Ganun lang ba ang kadali ang solusyon para ‘di ka na lang single? Walang talagang love, financial capacity, o anumang pag-aanalisa? O ‘di sige na let’s be single and happy. I have closed friends and relatives na isa sa biggest regret ay basta nag-asawa lang.
To you my fellow singles, don’t worry. Que kasal ka o hindi, may problema kaakibat. So patas lang ang laban sa pagiging kaawa-awa o kainaman. If they say ang choosy mo, eh ‘yon ka e. Kung magbabago ang pananaw mo, eh ganoon naman talaga ang love. Mas masarap mabuhay sa buhay na pinili mo at hindi base ng mga nagsi-single-shaming. Definitely, nasa sa iyo kung mag-aasawa ka o hindi. Kung gusto mo magbago o hindi. Kung manatiling single for life, choose that than say sorry for the rest of your life knowing alam mo rin na ‘di mo kaya.
To be honest, medyo I feel bad for a person na nagiging shadow lang ng syota/dyowa n’ya. Iyong umaabot na sa point na yung kaya naman nyang desisyunan ay kailangan may approval pa. May boundary ang submission sa habang no personal decision. Sila rin yung hirap makabangon pag iniwan o hindi magawang kumalas kahit nagsa-suffer na sa relationship.
Few interviews ng mga single and happy na nalaman ko ay kwento nina Oprah Winfrey, Charito Solis ( book na Conversations with Ricky Lo) , Carmi Martin, at iba pa. Life is too short to worry about what people may think about you.