Freelance job: Okay lang ba tumanggap ng $2 per article?


Ang writing gig  ay isa sa in-demand na freelancing, homebased, or side hustle job.   Sa pag-arangkada ng  digital media, hindi na lang nga mga tapos sa mass communication, journalism or similar field ang pwedeng magsulat.  Sa bagay mas lumawak ang puwedeng sulatan at babasahing kinokunsumo ng mga tao.  Dahil sa stiff competition, isa sa mga tanong na palagi kong na-e-encounter sa mga seminars, job sites, at blogs ay “okay ba ang $2 per article or less for a  freelance writing gig?” Sige isa-isahin natin:

Disclaimer:  Ang opinyon dito ay walang direktang pinatatamaan, kundi kuro lamang para sa kamalayan at kapakanan ng Sansinukob nagwa-wonder sa ganitong isyu.

Tatangapin mo ba ang $2 per article or less?

coins

Puwede ko naman tanggapin dahil sino bang ayaw ng $2, pero baka hindi sa blogging, writing, anything creative or work na kailangan ng paglaanan masyado ng oras/ brain cells ko.

Isa sa nabasa kong site na may magandang sentimiento sa  work and pay rate for Filipino Freelancers ay sa The Filipino Writer.  Lahat ng punto n’ya ay sang-ayon ako, isa na roon ay ang actually tubong lugaw na ang ibang nagha-hire sa mga freelancers.

  • They don’t give benefits na sige na okay na kasi hindi ka naman regular employee,
  • pero hindi rin nila binabayaran ang kuryente mo,
  • gadgets, pc, printer at kung ano pang ginagamit mo
  • at internet connection mo.

Sa mga items pa lang na ‘yan ay mapapatanong  ka na kung sapat ba ang $2 per 500-word article or $5 per 2000+ words. Iyan ay kahit hindi ka pa writer talaga. So what more kung may experience ka sa writing o freelancing?

Okay ang writing gig na $2 per article?

Kung ako, puwede ko i-consider na tanggapin ang $2 per article  basta less than 100 words at ang topic ay madaling isipin.  Ang nakakaloka kasi ay nakakakita ako ng mga job posts na ang requirements ay 500 to 2000 words at sa loob ng  ganitong oras (limited time na one hour?) for $1-3.  May pa-per batch pa nga ng articles bago makuha ang bayad.   Nakakaloka kasi:

  • Good writing requires time/ energy to think – Ang blog post na ito mismo ay sinulat ko ng lagpas 5 hours. Alangan din naman na hindi ako uminom ng tubig at iihi ko yun after 😛 Wala pa rito yung mga minute na ipo-post ko sa ito sa WordPress,  paglalagay ng picture, at kahit papaano ay i-edit.  May mga kakilala ako na batikan writers, na  akala mo machine na gumagawa ng istorya, pero  I don’t think  satisfied sila sa nagawa nilang article na tinapos nila within an hour.  Pero bihira pa rin ang nakatapos ng isang oras.

 

  • Good writing requires time to make an article relevant/ factual/readable – May nabasa ako na “rewriting” lang naman daw kaya mababa at madali ang work. Pero dapat yung pagkaka-rewrite ay dapat ay original. Napa-“Ha?” ako.  Ang isang kahulugan ng rewriting ay pag-uulit ng writer sa kanyang sinulat para ma-improve ang tabas nito. Ibig sabihin ay nandoon na ang sinulat at aayusin na lamang. Parang as good as editing ito para sa akin.

 

May iba naman na  ang pakahulugan sa rewriting ay article spinning na kung saan ipinagpalit-palit lamang ang mga words, paragraphs, at ayos sa artikulo para magmukha itong fresh kuno. Pero yakang-yaka itong gawin  ng ilang website or software.  Sa pagkakaalam ko ay nauso ang article spinning para maiwasan na  masita ng Google na duplicate ang article.  Pero que  mahuli o hindi  ni Google, I don’t think may magbabasa ng na-spin na article.  Nakabasa na ako ng isang article  na ang gumawa ay umamin sa akin na nag-article spinning.  Ang labo talaga  kasi nang pagkakasulat, hindi na makatao.

 

Kaya ang rewriting na sinabi noong nag-post ay actually ay paraphrasing. At ito ay as good as doing new content na sususportahan ng mga source (with credits).  Maaaring bibigyan ka ng pagbasehan na artikulo pero gagawa ka pa rin ng bago. So paanong $2 lamang ito?

Ang pinakamadali na gawin ay plagiarize, yong copy-paste ng article na hindi mo sinulat.  Pero ang gumagawa nito ay walang respeto at  dinedemanda >>> copyright infringement at  may penalize kay Google.

  • Error free article requires time to edit. I will never ever claim na error free ang anumang nagawa kong text/copy. Iong disclaimer na ito ay hindi ko rin excuse para hindi ko na suriin ang ginawa ko.   Pero actually ay ayokong nag-e-edit masyado, minus doon sa obvious na grammatical or typographical errors.  2-3 times ay inaayawan ko na dahil ang pang-apat ay nabababago ko na.

At saka ang mahusay na editing process ay dapat ay iba ang nagbabasa (proofreader, section editor, at editor-in-chief).  May mga tao talaga na Grammar Nazi innately or professionally. Hindi ako belong. Kung ikaw kasi ang mag-e-edit ng article mo ay gagawin mo lang ang tingin mo ay tama.   So paano kung may mali o igaganda pa?  Kaya nga para ma-edit mo mismo ang sarili mong sulat ay mainam na maglaan ng panahon para ito ay masuri nang maigi at mahanap/ matanong kung ano ang mali rito.

 Tatanggapin mo ba ang $2 per article kung hindi ka magaling na writer o sa English?

May nabasa ako sa Entrepreneur na magandang case study para rito:

If somebody told me years ago that a future generation of would-be entrepreneurs would learn how to sell from a bunch of writers, researchers, and consultants who’ve never sold a product or managed a sales force in their lives, I wouldn’t have believed it.

Steve Tobak, manunulat ng Real Leaders Don’t Follow

Sinabi rin dito ni Tobak na maraming mababasa sa libro man o sa mga blogs na pa-cool lang ang datingan pero ‘self-serving.”  Noong nabasa ko ang tatlong unang paragraph sa article n’ya ay napa-smile ako.  Napa-smile kasi hindi ako magaling sa pagsulat/blogging PERO iyong ibinabahagi ko ay na-experience o nagawa ko man lang.  So what more pa kaya roon sa mga expert na dapat ibinabahagi ang kanilang nalalaman?

@iBlog 2014

Sa rami rin ng  nabasa ko na self-help materials,  medyo dumadali na sa akin malaman kong ang isang article ay sabaw o hindi, at kung galing sa eksperto/ author o sa nagsulat lang.   Pero maniwala ka o hindi,  may  writers na hindi magaling at hindi rin nag-e-earn ng $2 per article.

So anong magandang gawin? IMHO,  pagbutihin mo na lang ang iyon writing/negotiating/ freelancing skills and start accepting  gig sa companies na irerespeto ka pagadating sa payment terms.  Nasa sa iyo kung okay sa iyo ang $2 per article fee. Pero kung gusto mo naman na mag-aral ng writing at kumita kahit papaano ay mag-blog ka na lang. Mas maraming benefits dito, sa iyo pa ang credit,  at baka magamit mo pa sa iyong future career o business.

virtual employment /entrepreneurship


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.