Isa ako sa nangangarap na magkasasakyan. Noong una siguro ay for status symbol, iyong ‘pag may kotse ka para bang ang successful mo. This time ay iba na ang pananaw ko kapag car buyer o vehicle owner na ako ng isang black pickup truck, green multicab, at silver toy car. Why? Heto ang mga Vehicle or Car Buying Tips, plus automotive business ideas na nara-radar ko:
Business Idea 1: Parking Space for Rent
Napanood ko ang interview ng News To Go kay Sen. Sherwin Gatchalian about his proposed Proof-of-Parking Space Bill. Ang panukalang batas na ito o Senate Bill No. 201 ay naglalayon na magpakita muna ang mga car buyers or vehicle owners ng Proof of Parking Space ng kanilang sasakyan para marehistro. So you can buy all you want, but you can’t register your vehicles if you don’t have proof of parking space. Oo may pros and cons ito, pero ang masasabi ko lang ay wala sanang ganitong bill kung actually automatic sa mga car buyers at motorista na ayusin kung saan sila magpaparada.
Parking fee? Nang sumama ako sa isang kakilalang naghahanap ng condo unit, nagtanong ako sa sales agent kung paano ang parking space ng condo buyers? Ang sabi ng agent ay separate ang fee para sa parking space, na kung tama ang alaala ko, ay Php 1M . Alam ko na may bayad talaga, pero na-shock ako na ganoon pala kalaki.
Nagtanong pa ako sa isang kaibigan ko na dating condo owner, sabi n’ya ay Php 100,000 sila kada sasakyan sa parking space sa condominium nila dati. Samantala yung ex office mate ko rati ay nagka-carpool para lang makadagdag sa kanyang pang-gas at parking fee. See? Kaya…
Que maaprubahan o hindi ang bill ni Sen. Gatchalian, good idea na ngayon ang i-convert ang iyong bakanteng lote at ekstrang espasyo sa iyong bakuran para maging parking space for rent. Ganito rin kasi ‘yan…
Vehicle is safer in a safe parking space. Oo puwedeng pumarada ang sasakyan for free sa kung saan(legally or illegally) . Pero may risk iyon kahit alisin pa natin ang case ng robbery. The mere fact na kalsada ang pagpaparadahan ay malamang prone itong magasgasan, mabasagan ng salamin, mapagtripan, at iba pa. May kakila ako binutasan ng gulong, ginasgasan ang mga pinto, at tinanggalan ng side mirror– napag-tripan lang daw talaga.
Vehicles parked in street/road cause traffic congestion. Ang pananaw ko talaga sa anumang daanan ay dapat gumagalaw at umaandar ang mga tao at sasakyan dito. Kung nakakaasar ang makupad na sinusundan, ano pa ang sikip na sikip kang dumaan dahil may naka-park sa puwede mong daanan. Worst naka-double parking pa.
Sa Metro Manila, ang wise urban dweller ay dapat may alam na alternative routes, roads at shortcuts (with or without Waze app) dahil sa traffic especially ‘pag rush hour. Pero ano naman ang kalaban sa mga shortcut at alternative routes/streets? Mga naka-park na sasakyan. Minsan maipit ka sa mga ito ay mas iwi-wish mong sana nag-EDSA ka na lang.
Vehicles parked in streets/ roads are dangerous for human. Nabasa ko ang Our Streets Are Killing Us by Julia Nebrija sa BluePrint Magazine at sang-ayon ako sa mga binanggit nya. Isa na rito ay even sa narrow sidewalks ay may illegal na nakaparadang sasakyan. So ano ang result nito sa mga kong passerby? Eddie doon maglakad sa daanan ng mga sasakyan na delikado at walang lilim. Bata pa ako n’yan, paano naman ang mga senior citizen at PWDs?
So when you offer parking space for rent; may kita ka na, ang laki pa ng purpose mo.
Business Idea 2: Car Wash
Lalo na kung maraming nagdadaan na sasakyan sa inyo, car wash business is also a very good idea. Siempre maigi rin na kahit papaano ay may alam ka na rin sasakyan at paglilinis nito.
Nag-car wash business na ang isang kuya ko at ang naalala ko na need pa ay may pressure na water pump/hose, blower/dryer, magandang pamunas, at cleaning products gaya ng car wash shampoo . Makaka-encounter ka rin kasi klase ng palinis na tungkol sa suka, natapong pagkain, at ibang bunga ng kababalaghan sa loob ng kanyang sasakyan. Hohoho!
Business Idea 3: Car Repair Service
Sa mga nabanggit ko pa lang sa itaas ay mas lalong mainam kung may alam ka sa automotive mismo. Based sa aking observation and experiences, kahit gaano ka kaingat na driver ay ‘di maiiwasan na na mapagastos sa car insurance, repair, at maintenance. Siempre iba rin kung my alam ka ng mabibilhan ng murang spare parts at maaasahan na mekaniko. Pero kung skilled ka sa automotive, aba pakinabangan na yan! Ether you can put up a car repair shop or offer home service . Iyong in-demand na mekanikong gumagawa ng sasakyan ng kapatid ko ay kumikita ng walang puwesto.
Business Idea 4: Vehicle for Rent or Office/ School Transport Service
Masarap ang mag-road trip lalo na kung may sasakyan na sa inyo mismo para maigala. Pero kung ‘yon pa lang ang reason at pang-down payment pa lang ng sasakyan ang mayroon ako ay wait muna. Minsan lang naman ‘yong mga travel kumpara sa araw-araw na maintenance, di ba?
So kung ikaw ay may sasakyan o may balak bumili, para ma-maximize value nito at makabawi ka sa gastos ay puwede mong iparenta ito o ipang- sundo’t hatid ala- school/ office service.
Business Idea 5: Delivery service vehicle
Iyong eagerness ko talagang magkasasakyan ay nagaganap tuwing hirap na hirap at bigat na bigat sa dala ko. Iyong bibilis sana transakyon ko sa buhay kung nakasakay na ako. Ganern! Pero sa ngayon ang solusyon ko at nasu-sustain pa naman ay yung mga taxi,van at iba pang marerentahan for delivery.
Iyon na rin, kung ayaw mo ng mareklamong pasahero, eddie doon ka bagay. Malaking tulong ka pa sa mga nagnenegosyo, abalang tao, hindi rin talaga marunong sa transportation, at sa bigat na bigat na sa kanilang pasanin. hehehe.
Gaya din ng nabanggit ko sa post kong Investing Mistakes of Filipinos ay dapat din ikinunsidera ng car buyers and/or being vehicle owner ang kanilang financial situation and lifestyle. Paano ko nasabi ito? May kakilala akong nagbenta ng sasakyan kasi walang-wala na, mahahatakan na ng sasakayan kasi ilan buwan ng ‘di nakakabayad, at nasiraan na ng tuluyan ng sasakyan kasi hindi naman nagagamit.