7 Investing Mistakes ng mga Filipino Part 1


Totoo na may bad investment, pero mas sigurado rin na may investing mistakes.  At ang subject ng  ganito ay kahit sino, kabilang na rito ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), Marino o seaman, C-suites, yuppies, at iba pa.  Candidates din sa wrong investing ang mga taong may sobra ng kita, may kamag-anak na nagpapadala mula sa abroad, at biglang yaman na naghahanap ng paglalagakan ng kanilang pera.

Bibili ng bahay at lupa na hindi titirhan

Alam mo ang daming naghahanap ng bahay na mauupahan, PERO marami rin ang bumibili  o nagpagawa ng bahay na hindi naman natitirhan.  Ito ay hindi dahil sa malayong subdivision ( usually sa probinsya) pa ha, kundi hindi lang talaga naisip kung sino ang magbabantay o mapagkakatiwalaan habang wala sila. May alam akong stories na ‘yung caretaker at nangupahan pa ang tuluyang nang-angkin ng lupa. How sad ‘di ba?

I think the best advice na nakuha ko sa house buying and real estate investment ay instead na kumuha ka ng bahay  para tirhan mo, kumuha ka ng bahay ng pauupahan o pagkakitaan mo.  Unless ay alam mo na within 5 years (o kung ilan mang taon) na matatapos ito ay mapaglalagian mo na. Maintenance pa lang din ng bahay kung pagsasama-samahin at malala na ay baka kasing halaga na rin ng bagong house and lot.

Bibili ng sasakyan na hindi naman ibabyahe

May nakausap akong isang kaibigan na ang kapatid ay nasa abroad at may balak bumili ng kotse. Wala lang, gusto lang daw nitong may magamit sila sa travel at para sa lola nila.  Pero yung kapatid ay wala namang definite plan kung kailan uuwi, yung kaibigan ko busy sa work ay mas gusto ang mag-commute, at alangan naman si lola ang mag-drive.  I can’t help na magsalita at i-blog rin ito kasi sa mga  kakilala ko na may sasakyan na –

Ang mga problema ng may sasakyan ay 

  1.  the more na nakatengga ang sasakyan, the more na nawawalan ito ng value.
  2. ang tenggang sasakyan o hindi ay may maintenance pa rin
  3. para mapagana mo ang sasakyan, kailangan handa kang magpa-gas at magbayad ng parking space

    Vintage Car (1924 Packard Limousine) of Gen. Emilio Aguinaldo

Katunayan baka mas convenient pa ang maging commuter kaysa magsasakyan. Tanungin mo pa ang mga driver na gustong umidlip naman sa mahabang byahe.  Ang sabi rin ng isang kuya ko ay ‘pag nasanay ka ng may dalang sasakyan, mahirap na para sa iyo mag-commute.

Kung alangan ka na magagamit mo ang sasakyan na balak mong bilhin, mag-download ka na lang siguro ng ride hailing/ ride sharing app  o mag-collect ng contact numbers na marerentahan na sasakyan o taxi drivers.

Magbi-business na hindi naman ima-manage (nang tama)

Magtanong ka sa kapwa mo Filipino na kung sa sakaling maka-jackpot s’ya sa Lotto ay ano ang gagawin n’ya sa pera?  O kaya kung magkakaroon siya ng sobrang pera, ano ang gagawin niya?  Ginawa ko ito   at marami  talaga ang nag-automatic na  magbi-business.  Okay that’s good, pero ang magandang follow up questions siguro ay:

  • Kung magbi-business ka ay anong eksaktong mga negosyo (at least 3) ang posible mong itatayo?
  • Bakit? ( May background , experience o napag-aralan n’ya ba ito)
  • Paano mo ima-manage? ( o alam lang n’ya ay magbenta?)

Mainam itanong  ang mga ito sa

  • kukuning tauhan
  • business partner
  • pahihiramin ng pera na pang-business
  • at kahit sa sarili mo rin

Kasi kung aanalisahin ay kung ang mga negosyanteng sila mismo humahawak ng business operation ay nalulugi pa, what more kung ikaw na sa ibang kamay ipapa-manage ang iyong negosyong.

Oo marami kasing Pinoy na in love sa idea na magka-business… lang. 

May mga kilala ako na OFWs at nagse-seaman na basta usapang “business” ay maglalabas agad ng pera.    Iyong isang kakilala kong si Tatay Seaman ay dekada na pagbabarko at hinihingan ng pang-business ng kamag-anak.  May chance din na s’ya mismo ang nag-business partnership  , pero s’ya lang sa pag-finance. Pero sa lahat ng “usapang business”  niya ay walang nag-survive.  At ngayon hindi na nakasampa si Tatay Seaman at wala na rin siya halos pera, ay hindi na rin  n’ya maasahan iyong binigyan nya ng business o naging business partner. May saysay pa ba ang manisi?

Galleon Andalucia
(oo replica of Galleon ng galleon trade dati)

One of the good tips na nakuha ko, especially sa businesswoman kung kaibigan ay

Kapag ang business ay nalugi ang numero unong problema d’yan ay ang business owner.

Siya naman ang nagpapatakbo ng business e. Kapag alam n’yang mahina, dapat gagawa siya ng paraan para kumita ito. Kung  may hindi siya alam ay pag-aaralan n’yang matutuhan. Kung alam n’yang i-handle, kahit nakapikit pa ay hindi siya maloloko.

Hindi nag-i-invest sa Education at sarili

Gets na gets ko na may mga tao na hindi palabasa. Sa pagkakaalala ko pa nga ay sa 5-20 katao na ipinahiram/ binigyan ko ng books about personal finance/ business books ( i.e. Ang Buhay na Hindi Bitin/ Ang Pera na Hindi Bitin) ay dalawa lang nagsabi sa akin nabasa nila ito (  na iyong isa naging Manager con Insurance Agent). PERO ang daming paraan talaga para matuto at mag-self education, may free video tutorial pa nga sa Youtube, audiobooks, at infographics. Ang kailangan mo na lang talaga ay sigasig na matututo.  Pero alam mo (sumbong tone) ay agree na agree ako sa Pare na nagsermon sa St. Peter Shrine (Commonwealth Ave), 9PM, October 14:

Minsan ang Kahirapan ay bunga ng Katamaran.

Sa totoo lang ang daming puwedeng explanations sa katagang ‘yan (separate blog post ko na lang siguro).  Pero isa sa maipupunto ko rito ay tungkol sa education especially yung self-study at pagpapalakas ng self-esteem.  Isang simpleng halimbawa ko sa investing sa sarili ay pagpapa-brace ko ngipin. Dahil sa one seat apart na ang mga drama ng mga ito? Kasi  iyon na ang dahilan ng pagiging uncomfortable  at  baka pagbaba ng self-esteem ko. Parte pa man din ng career, business, at kahit pagba-blog ko ay makipag-usap sa iba’t ibang tao. So tiis ganda at bulsa, para sa ngiting kumpiyansa. 😉

Sundan ang Karugtong sa susunod na post.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.