8 Investing Mistakes ng mga Filipino


Totoo na may bad investment at maaaring nangyayari iyon dahil mayroon investing mistakes na nagawa. Ang subject ng ganito ay pwedeng magawa ng kahit sino, kabilang na rito ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), marino o seaman, C-suites, yuppies, at iba pa. Candidates din sa wrong investing ang mga taong may sobra ng kita, inaayudahan ng kapamilya, at biglang yaman na naghahanap ng paglalagakan ng kanilang pera.

Pero ano-ano nga ba ang bad investments ng mga Pilipino. Narito ang walong bagay na aking naobserbahan.

1. Investing mistakes ang bibili ng bahay at lupa na hindi gagamitin o pagkakakitaan

Alam mo ang daming naghahanap ng bahay na mauupahan, PERO marami rin ang bumibili o nagpagawa ng bahay na hindi rin tinitirhan ng may-ari. Hindi ito dahil sa malayo ang subdivision (usually sa probinsya) na kinatitirikan ng bahay, kundi hindi lang naisip kung sino ang magbabantay habang wala ang owner. May alam din akong stories na ‘yung caretaker at nangupahan pa ang tuluyang nang-angkin ng lupa ng may-ari. How sad ‘di ba?

Isa sa best advice na nakuha ko sa house buying and real estate investment ay instead na kumuha ka ng bahay para tirhan, kumuha ka ng bahay o real estate property na pauupahan o pagkakitaan mo. Unless ay alam mo na within 5 years (o kung ilan mang taon) na matatapos ito ay mapaglalagian mo na. Maintenance pa lang din ng bahay kung pagsasama-samahin ay baka kasing halaga na rin ng bagong house and lot.

2. Bibili ng sasakyan na pamporma lang

May nakausap akong isang kaibigan na ang kapatid ay nasa abroad at may balak bumili ng kotse. Wala lang, gusto lang daw nitong may magamit sila sa travel at para sa lola nila. Pero yung kapatid ay wala namang definite plan kung kailan uuwi, yung kaibigan ko busy sa work ay mas gusto ang mag-commute, at alangan naman si lola ang mag-drive. 

I can’t help to share sa kanya ang kwento ng ibang kakilala ko na may sasakyan –

Ang mga problema ng vehicle owners 

  1.  the more na nakatengga ang sasakyan, the more na nawawalan ito ng value at nasisira.
  2. nakatengga o hindi ay may maintenance pa rin na gagawin sa sasakyan
  3. para mapagana mo ang sasakyan, kailangan handa kang magpa-gas at magbayad ng parking space
Vintage Car (1924 Packard Limousine) of Gen. Emilio Aguinaldo

Baka nga mas convenient pa ang maging commuter kaysa magsasakyan (lalo a kung wala naman problema sa traffic). Tanungin mo pa ang mga driver na gustong umidlip naman sa mahabang byahe. 

Patalastas

Ang sabi pa nga isa kuya kong driver, ay ‘pag nasanay ka ng palaging dina-drive na sasakyan, mahirap na para sa iyo mag-commute. Kaya tuloy-tuloy ang gastos, at kadalasan sila ang tumataba dahil kulang sa lakad at exercise.

Kung alangan ka na magagamit mo ang sasakyan na balak mong bilhin, mag-download ka na lang siguro ng ride hailing/ ride sharing app. Puwede rin mag-collect ng contact numbers na marerentahan na sasakyan o taxi drivers.

3. Magbi-business na hindi naman ima-manage (nang tama)

Magtanong ka sa isang Pinoy, kung sakaling maka-jackpot s’ya sa Lotto ay ano ang gagawin n’ya sa pera?  O kaya kung magkakaroon siya ng sobrang pera, ano ang gagawin niya?  Ginawa ko ito na survey sa Quora at Facebook. marami ang nagsabi na ibi-business. 

Okay that’s good, pero ang magandang follow up questions siguro ay:

  • Kung magbi-business ka ay anong eksaktong mga negosyo (at least 3) ang posible mong itatayo?
  • Bakit? (may background, experience o napag-aralan n’ya ba itong iniisip nyang business)
  • Paano mo ima-manage? ( o alam lang n’ya ay magbenta?)

Mainam din itong itanong sa mga

  • kukuning tauhan
  • business partner
  • pahihiramin ng pera na pang-business
  • at kahit sa sarili mo rin

May mga tao rin na naiisip o nagtatayo ng business, pero sa iba ipapahawak o ipagkakatiwala. Pero kung aanalisahin, ang mga negosyante ngang sila mismo ang nagpapatakbo sarili nilang business ay nalulugi pa. So, what more kung sa ibang tao ipapa-manage ang iyong negosyo?

Oo marami kasing Pinoy na in love sa idea na magka-business…lang. 

May mga kilala ako na OFWs at nagse-seaman na basta usapang “business” ay maglalabas agad ng pera. Iyong isang kakilala kong si Tatay Seaman ay dekada na pagbabarko at hinihingan ng pang-business ng kamag-anak.  May chance din na s’ya mismo ang nag-business partnership, pero s’ya lang sa pag-finance. Pero sa lahat ng “usapang business” niya ay walang nag-survive.  At ngayon hindi na nakasampa si Tatay Seaman, wala na rin siya halos pera, hindi na rin n’ya maasahan iyong binigyan nya ng business o naging business partner.

Galleon Andalucia
(oo replica of Galleon ng galleon trade dati)

One of the good tips na nakuha ko, especially sa businesswoman kung kaibigan ay

Kapag ang business ay nalugi ang numero unong problema d’yan ay ang business owner.

Siya naman ang nagpapatakbo ng business e. Kapag alam n’yang mahina, dapat gagawa siya ng paraan para kumita ito. Kung  may hindi siya alam ay pag-aaralan n’yang matutuhan o strategy para magawa (e.g. mag-outsource o mag-hire ng expert). Kung alam n’yang i-handle, kahit nakapikit pa ay hindi siya maloloko.

4. Hindi nag-i-invest sa education at sarili

Gets na gets ko na may mga tao na hindi palabasa. Sa pagkakaalala ko pa nga ay sa 5-20 katao na ipinahiram/ binigyan ko ng books about personal finance/ business books ( i.e.Ang Buhay na Hindi Bitin/ Ang Pera na Hindi Bitin) ay dalawa lang nagsabi sa akin nabasa nila ito (na iyong isa naging manager at insurance agent).

Sa totoo lang, kung gustong matuto, ang daming paraan at platforms ngayon for self education. May free video tutorial sa Youtube, audiobooks, at infographics. Ang kailangan lang talaga ay sigasig na matututo. 

Pero alam mo (sumbong tone) ay agree na agree ako sa sermon ng isang pare sa St. Peter Shrine (Commonwealth Ave), 9PM, October 14, nagsabing…

Minsan ang Kahirapan ay bunga ng Katamaran.

Ang daming pwedeng explanations sa katagang ‘yan (separate blog post ko na lang siguro).  Pero isa sa maipupunto ko rito, education especially self-study ay pagpapalakas ng self-esteem. 

5. Sumunod lang sa trending, viral, at usong investment venture

Isa ito sa mga pinaka-top at all-time investment mistakes (hindi lang naman mga Pinoy). Dati mas naloloko ang mga Pinoy investors because sa idea ng “easy money,” then they didn’t have ways to do in-depth research. Parang kung hindi mati-TV, radyo o dyaro, hindi nila malalaman ang scams o modus operandi. Kaya nga dati yung malawakan ang Ponzi or Pyramiding scheme.

So naman ang pinagkaiba ngayon?   

Tingin ko mas marami na ang kayang kumllatis ng produkto, serbisyo, investment, o kumpanya. Nandyan na ang internet, websites, and social media sites para ma-check. Hindi nga lang nila ginagawa ang kumilatis. Mas nangingibabaw yung idea na uso naman, rekomendado ng sikat o kilalang personality,  parang maganda, etc. 

6. Nakuha sa emotion appeal ng isang promotion– 

Dare to rethink, to analyse, resarch, and personal reflection. Sa modernong panahon na pinapaikot na ng algorithm at influencers ang karamihan ng feed natin, madaling ma-brainwash na okay ang isang bagay sa iyo kahit hindi talaga. You’ll never know kung ang pananaw mo sa beauty, happines, success, o wealth ay sa iyo pa ba o implwensya na ng nakikita mo sa smartphone?

Marami rin ang nagbi-business o nag-i-invest kasi feel lang nila ang idea. Nakakataas ng pride or ego.

In my years of covering business topics for blog and work. Wala akong maalala na nakausap kong entrepreneur na basta nag-invest kasi nakita lang nila o uso. Kung mayroon man halos ganoon, iyong taong iyon ay nag-effort na pag-aralan ang kanyang business o investmet. 

7. Ayaw magpahuli o magpaiwan sa uso (Fear of Missing Out)

Kapag ang kitang-kita na mataas ang interest, marami ang gumagawa, at parang may sense of urgency na dapat mag-join na—ang daling makumbinseng mag-invest. 

Pero delikado ang FOMO, nagdudulot ito ng poor investment decision. Tandaan na may klase ng investment na malaki ang kita ngayon pero sa mga susunod ay tagilid o bumaba na. Ilang halimbawa rito ang pagbulusok ng cryptocurrency at pagtaas at pagbaba ng ilang stocks. 

8. Naka-focus sa iisang klase ng investment.

Sabi nga, “don’t put all eggs in one basket.” Kasi kapag nalugi ka sa isang basket (investment product), mapupunta sa wala ang iyong na-investment na pera (eggs). In reality, halos lahat ng investments ay may risk. Mas mataas ang interest o yield ay mas malaki ang kaakibat na risk. Dagdag pa rito yung mga idea na apektado rin ang value ng investment ng inflation, social and political crisis, at iba pang factors. 

Kaya ipinapayo ang diversification sa investing. Ibig sabihin maganda mag-invest sa iba’t ibang klase ng investment. Halimbawa, mag-real estate, stocks, mutual fund, bond or forex ka rin. Kung may isa rito man ay mababa, may ka pang investments. Ibig sabihin ano mang loss mo sa isa mababawi yun sa iba at hindi ubos ang pera. 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.