Sanaysay: Bakit mahalaga ang pagmamahal?


Bakit mahalaga ang pagmamahal? Kahit hindi pa ata ng Buwan ng Pag-ibig ay palagi itong napapanahon sagutin. Hindi lamang para sa ibang tao, para sa spoken poetry o kung ano pa man, ito para rin sa self-awareness. Ano nga ba ang ibig sabihin sa iyo ng pagmamahal? Ano ang nagagawa nito? At kailangan bang may karelasyon para masabi mong may pag-ibig. Narito ang aking sanaysay sa paksang  ito na sikat ‘pag Pebrero.

Mahalaga ang pagmamahal dahil ito ay superpower

Minsan ay may birthday program na  nagtanong sa akin ng ganito “Ano wish mong superpower… para roon sa birthday girl? Nag-buffering noong una ang kokote ko kasi mas madali sagutin iyong tanong kung superpower para sa akin. Kung ganoon, ang gusto ko would be freezing time or person like what Piper  Halliwell’s power in Charmed).

Captain America at Iron Man  toys
Kaya ba talaga ng super powers mo?

Hindi e, at saka hindi ko rin alam kung anong eksaktong trip noong birthday girl. Tapos ang totoo, kung sa usapang Marvel o DC comic characters, ang trip fan ko ay si Ironman o iyong wala talagang superpower. Maliban sa kanyang talento at kasanayan (saka anda).   Believable at relatable kasi.  But in 30 seconds or so,  ganito lumabas sa kokote  ko…

I believe ang superpower na wish kong magkaroon ka ay power of love. Kasi kahit ano naman ang kapangyarihan mo, kahit maging si Superman, Wonder Woman o Spiderman ka pa, kung wala kang pagmamahal ay hindi ka rin magpapaka-superheroKung may kakayahan kang magmahal, kahit ordinaryong tao ka lang ay magagawa mo ang lahat, pati  na aang mga imposible at ekstraodinaryo. And I thank You!

Pinalakpakan naman ako ng madlang pipol. charr! Pero kahit hindi nila ako palakpakan ay iyon talaga ang sagot ko. Kasi as I mature din, I realize that behind hard work, math, science, success, at concrete barrier ay pagmamahal. I observe that what motivates people to fight is their strong emotion gaya ng pagmamahal o galit. Secondary na lang ang dreams, goals, convenience etc.

Sketch of Dr. Jose Rizal
sketches of Philippine Heroes Apolinario Mabini, Jose Rizal, at Antonio Luna (?) sa Nemiranda Art Gallery

Importante ang pagmamahal dahil ito ay nagbibigay purpose

Naranasan mo na ba iyong para kang nasa kawalan? Iyong hindi naman total darkness kaya lang babaw ng mga bagay-bagay. Iyong it’s like ‘di mo sure kung saan ka tutungo, or farrang paano mo kaya mababago ang mundo o tomorrow?  Cheesy, pero hindi ito pampelikulang eksena. It happens kahit sa mga successful, rich, famous, and beautiful people like me –wish!

 

Princess Hours Teddy Bears sa Teddy Bear Museum sa South Korea
Princess Hours Teddy Bears sa Teddy Bear Museum sa South Korea

May dalawa lalaki na nakapagbigay sa akin ng kahulugan ng pagmamahal. Iyong isa ay may buwan o taon na sa ospital. Habang iyong isa ay ay may na taning na ang buhay.  Iyong una ay si Lolo na may COPD, at bed-ridden cancer patient na asawa. Aminado s’ya na napaka-boring at mahirap ang buhay nila araw-araw sa ospital. PERO dahil sa PAGMAMAHAL ay nand’yan s’ya para sa asawa n’ya. Kinakaya n’ya iyong inip, inis, at kawalan kasiguraduhan.

Patalastas

Iyong pangalawa ay Lolo ko na iginupo ng heart cancer. Nakausap ko s’ya bago s’ya pumanaw. Sa gitna ng tubo, mga kableng nakakonek sa kanya, at inuupuan n’yang wheelchair ay napansin ko ang kanyang gold ring. Ang laki e, at saka mukhang bago. Napaisip tuloy ako kung ano kaya ang symbol o halaga pa noon sa kanya? Iyon pala ay may kwento sa  singsing na iyon.

Accessories made in recycled materials  at 10 alabam street art fair
Kung walang pag-ibig ang bagay ay bagay lang gaya ng singsing (credit: Crafts of Junkshop Abubot at 10th Alabama Street Art Fair)

Iyong singsing ay engagement ring pala sa kanyang nobya noong panahon na iyon (year 2015). Sabi ng Tita ko ay dati ay against sila sa relasyon, pero noong kinalaunan ay hinayaan na lang nila.  Why? Kung iyong pagmamahal na iyon ang nagdudugtong, nagbibigay ng purpose, at saya sa  buhay ni Lolo – then shoot, love till the last three seconds.

Ang pagmamahal ay nagbibigay ng halaga

Nasabihan ka na ba na ‘wag kang ano, mahal ka nito, n’ya, o ng ____? Nang Pu__seiko, kung biro man ‘yan ay isa ‘yan sa birong Pinoy na mas nakakapagpangiti kaysa nakakaasar. Kung aanalisahin din kasi ay kinikilala noong joker na kaibig-ibig ka, umiibig ka, at may umiibig sa iyo.  How’s that? Ibig sabihin you’re valuable Girl at Boy!

Sacred Heart of Jesus Parish in Quezon City
Sacred Heart of Jesus Parish facade

It also makes sense dahil sa pagmamahal kaya nagiging mahalaga ang lugar, bagay, hayop, istorya, at tao. Hindi ba nga, kahit gaano mo kinaiinisan o  gustong ihulog sa balon ang kapatid mo, kapag napano naman ‘yan ay hindi puwedeng wala kang gagawin?  Dahil lang ba ‘yon sa magkadugo, umebs sa iisang inidoro, o naghihiraman kayo? No, it’s because of love and care.

Sa mga bagay, it’s also because of love why a ring, rose, letter, or arinola becomes symbolic. Iyong  nagkakaroon ng sentimental value. Ako sa tuwing nakakakita ako ng arinola ay naalala ko iyong lola ko na may porcelain arinola, at Nanay ko na bumibili para pampasuwerte raw sa tindahan.  Tingin ko, ni pagtawanan ay hindi ko gagawin kapag nakakita ako ng arinola kung hindi dahil sa dalawang babaeng ‘yan.   

Ganoon din ang kampana ‘di ba? Ang tunog nito ay nagkakaroon ng ibang dating at kung may sinisimbolo sa nagmamahalan. Kasi kung wala, ang kampana ay isa lamang batingaw sa bell tower ng simbahan.

ang bell ay bell lamang kung hindi ito simbolo ng pagmamahalan

Ang post na ito ay aking anniversary post at selebrasyon ng aking passion sa blogging/ content creation.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.