Effective ba ang TV and Radio-based instruction


Malaking bahagi ng ating kabataan ang telebisyon at radyo. Informal man o hindi ay malamang marami tayong mga natutunan dito, lalo kung informative, educational, at children’s show ang pinapanood. Personally ay napatunayan kong epektibo sa akin ang TV at Radio bilang educational tool. Pero paano ito sa iba at kung usapang TV and radio-based instruction na para sa distance learning?

Paano matututo sa telebisyon?

Sa ibang mga blog post ko ay nasabi ko na 2008 ay huminto ako sa panonood ng telebisyon at umaabot iyon nang eight straight years. Naputol nang 6 months at balik ulit sa no watch TV. Malaking bahagi noon yung sawa, irita, at abala na sa ibang gawain. Ganoon pa man ay paninindigan ko na marami akong natutunang leksyon sa panonood ng TV. Nakadepende rin naman kasi ‘yan sa programang pipiliin o gugustuhin panoorin. Iyong ibang natutuhan ko ay informally or formally, nagamit ko sa loob ng eskwelahan. Ganoon din, sa work at araw -araw na pamumuhay. 

Why TV? Kung usapang well-researched ay siguradong nasipi at naanalisa na iyon mga napi-present na lessons sa TV. Iyan ay kumpara sa kung ano-ano lang na websites. Sa totoo lang din ay bibihira ang gaya ko na nagba-blog sa Tagalog. Para maintindihan ang ilang aralin. At iilan lang iyong pinapansin at binibigyang halaga (kaya thank you kung binabasa mo ito, napansin mo ang blog ko). Ang mainam kasi sa paglalahad ng impormasyon sa TV at radio ay ang mga ito ay localized. Ibig sabihin naka-set sa paano naiintindihan nating Pinoy. Para po sa akin, importante na exposed at aware ang ating mga kabataan sa identity, culture at current events ng Pinas. Believe me, they can use that in the real nitty-gritty world.

  • Expose sa real and local reality. Kung work related ito ay local set up and process ka. We can use our Anime, Koreanovela, and other foreign series  lessons in school or travel, but not in our day to day career life. Unless siguro, sa field ka ng foreign TV program acquisitions ( ano daw?).

Be aware of Philippine Laws and Filipino Culture. Kung may saysay ang panonood ng news programs (straight, feature o documentary man) ay ito iyon. Alam mo kung bakit? Masasagot ng kaalaman at kamalayan ang cliche expression na “sa abroad ganito, ganyan.” IMHO, walang masama kung magkumpara, pero baka naman nagkukumpara kasi kulang lang sa kamalayan. Ang alam lang ay yung mga nasa paligid n’ya. Bakit ayaw sa mga katutubong sayaw at kanta? Hindi na-expose at nasanay? Ako po I like Japanese, Korean, Thai, at iba pang foreign songs kahit hindi ko naiintindihan. Nagustuhan ko kasi kakapanood ng mga series. Pero gaya ng pagkatututo ng wika at diyalekto, mangyayari maiibibigkas mo kahit walang formal training basta expose ka sa mga nagsasalita noon.

Valuable and memorable lessons ang nakuha ko sa panonood ng TV?

Sining. Walang pormal na nagturo sa akin ng pagsayaw, pagkanta, at pag-arte maliban sa mga napapanood kong variety and musical shows. Nagamit ko nang maraming beses ang mga ito sa pag-aaral, pagtatanghal sa loob at labas ng eskwelahan at naging daan din para mapalawak at ma-appreciate ko ang ibang art. Ilan na nga rito ay creative writing, directing (school), at social interaction. 

Ang 4th Impact sa isang mediacon ng Ani ng Sining

Komunikasyon. Gusto mo matututo ng Filipino, English, Japanese, at iba pa? Mag-radyo at TV ka. Iba ang texts at app lang e, lalo pa kung high ang visual literacy mo.

Patalastas

Ako, natutunan ko ang mga unang salita at paraan ng pakikipag-usap sa pamamagitan ng mga dialogue, anunsyo, balita, at pag-arte sa radyo at  telebisyon. Isa sa naalala ko na first word na nasagot sa akin ng TV ay “Saturday” o “Sabado.”

rotary dial telephone

Kultura at Kasaysayan. Marahil ako lang ito, pero gusto ko rin talaga manood mga mga feature stories at historical accounts kaya mataas ang grade ko  sa current events, history, o araling panlipunan.  

Isang event sa NCCA

Kagustuhan sa pag-aaral my Science, Math, and English. Bakit ayaw ng mga bata na mag-aral ng Science, Math at English? Magandang follow-up question dito, though sarcastic, ay ano ba ang ini-expect natin sa mga batang napapanood at napakinggan ay totally ay walang kinalaman sa science, math, and English. Para sa mga magulang na English speaking series lang ang ipinapanood sa bahay, I think ang edge nila ay maagang natutuhan at na-a-appreciate ng mga bata ang English. ( Ang hindi ko lang trip ay pagsasantabi ng Filipino.)

Hindi natin kailangan na i-expect na sobrang fluent at perfect grammar ang mga bata ( lalo na ang mag-foreign accent). Ang mahalaga ay yung enthusiasm at awareness na matututo ay nandoon na. Mas madadalian ang mga teachers na magturo ng mga subjects na English, Math at Science kung ganoon. At mas hindi mahihirapan o matatakot ang mga estudyante kasi hindi na alien sa kanila ang mga idea. 

We should not assume na natural talents lang talaga ng ilang bata ang mga ‘yan. Though aminado mayroong special cases at may mga gifted, ang skills po ay nade-develop. At napaka-strong ng foundation kung sa magulang at pamilya pa lang ay nakikita na ang bata na masarap mag-aral. 

 By the way, mayroon akong post about Math Anxiety o kung bakit may ayaw at takot sa Math.  

Effective ba ang radio-based instruction? 

Binasa ko ang sipi ng Worldbank tungkol sa blended learning na ipinapatupad sa iba’t ibang bansa. Surprisingly, ang maituturing na pinakamahirap (3rd world) na mga bansa ay hindi modular ang ginagamit, kundi radio-based instruction. Epektibo nga ba ang broadcast media gaya ng radio bilang learning tools sa pagkaklase?

ang matututo sa radio-based instruction?
Radio + Cassette Tape + CD + Vinyl / Disc Phonograph player in one

Base sa documentary at report na nabasa ko ay nakakatulong sa mga nasa kanayunan ito. Naabot ng mga guro at Department of Education ng isang bansa ang mga bata dahil  malakas talaga ang broadcast satellites. May isa rin akong napanood na mga guro (lisensyado o hindi) at volunteers ( mga magulang at guardian halos) ay natutulungan sa instruction ng kanilang nasasagap sa radio.

Ito ang video

Gumagamit din naman ng radio at dagdag pa ng television ang mga bansang masasabing first world country. Ang air time ay naka-schedule base sa bracket ng edad o antas.

Isa pang punto rito ang mga radio transistor ay mura na at  kayang umabot ng dekada kumpara sa laptop/smartphone. Baka nga may mga panama sila Lola at lola na nakatabi-tabi dyan na maaari pang magamit. Kung maihahambing, para itong audiobook na napakainam para focus ka sa kinig at sulat. I think that is the advantage of radio-based instruction versus TV. Sa audio-video ay nakakataranta na baka na-miss mo yung visual na kasama sa sinasabi. 

Radio and Cassette Recorder for radio-based instruction?
Portable radio transistor/ cassette player

Iba rin po kasi ang paggawa ng radio script, alam ng creator na kailangan maisalarawan lahat sa storytelling at audio presentation. Nakarinig ka na ba ng radio drama?

Mas masasakyan din ng mga parents/guardian ang paggabay kung radio-based instructions (o TV )  kasi pamilyar na pamilyar sila sa mga ito. They don’t need to study pa kung paano mag- download o mag-update ng stuff (lalo na kung apps yan) at diktahan sa mas unreliable na signal ng internet. Puwede pa nga maglaba/ magluto/ mamalansta habang sinasabayan ang pag-aaral ng anak. As is nila mapapakinggan/mapapanood ang lesson kasama ng mga estudyante. In a way, parang ibang presentation ito ng mga nakasanayang kuwentuhan sa mga children at educational shows noon gaya na lang ng Batibot.  

old music player

Sa opinyon ko, mainam na supplement  ang TV and radio based instruction. 

It will change the way we see these appliances and the broadcast industry.  Malawak at malayo ang maabot ng pag-eere ng mga educational program. At iba ang pamamaraan nang paglalahad teaching script sa broadcast at classroom. Usually, entertaining at creative para sa mga nakikinig/nanood, which is nakasanayan ng mga bata at pati ng mga nakakatanda.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Effective ba ang TV and Radio-based instruction