May nare-realize ako sa pagtuturo at pag-aaral para sa home learning ng pamangkin ko. Iyon ay kahit halos anong asignatura ay may magkakapare-parehong istratehiya pala para gumaling sa pag-aaral.
Bago po ang lahat, narito po ang iba ko pang homes learning-related posts:
- Online learning + virtual ( asynchronous and synchronous)
- Pag-aaral gamit ang telebisyon at radyo
- Pag-aaral gamit ang Modyul
- 5 techniques in studying or reviewing
Disclaimer: Ang aking ibabahagi ay mga sarili kong technique at na-research para gumaling sa pag-aaral na maaaring makatulong sa mga magulang, guardians, nagtuturo at estudyante.
Linangin ang problem solving skills para gumaling sa pag-aaral
Apir tayo, kung pareho rin ka namin na nahihirapan sa pagsagot ng modyul! Mas madali ang sagutan mo na lang ang mga ito para matapos na, di ba? Pero kung ikaw na magulang / guardian ang mismong sasagot sa mga tanong ay teka, ano ang silbi ng home learning para sa estudyante? Pagsagot lang sa mga tanong sa modyul ang saysay ng pag-aaral? Marahil para pumasa, pero parang ang babaw.
Tandaan po natin, bagaman hindi lahat ng aralin sa eskwelahan ay nagamit natin sa realidad, gamit na gamit natin ang mga kasanayan (skills) na natutuhan natin noong tayo ay estudyante. Nagkataon lang ay mas nagamit natin noong graduate na tayo, isa roon ang problem-solving skills.
Ano ang problem-solving skills? Ito ay mga kasanayan sa pagtukoy sa ano ba talaga ang problema (bakit at paano ito nangyari), at ano ang pinakamahusay na solusyon (sa lahat ng posible) dito.
May mga tanong na madaling sagutan ( sa pag-aaral o sa totoong buhay) pero mayroon din na hindi (sa pag-aaral o sa totoong buhay, hehehe!). Damang-dama ito kung science, mathematics, at reading comprehension na ang usapan.
Sa modyul, ang simpleng paraan para mapag-aralan at masagutan ang mga tanong na ginagawa ko ay:
- Basahin sa libro at modyul ang lesson
- I-check at analisahin ang tanong
- Hanapin at pag-isipan ang kasagutan base sa mga nabasa
- Sa mga pagpipiliin, alin ang pinakaposibleng tama base sa nabasa.
- Kung may dalawang posibleng tama, tukuyin sa mga ito ang pinakatama at dapat masagot kung bakit.
Sa research, reporting at scientific method po ay hindi puwedeng walang backup na ebidensya. Naalala ko yung isang doktor na makausap ko tungkol sa cancer. Aniya, kung ano ang paraan at kaalaman nila ay base sa mga pag-aaral. Maaaring may hindi pa nadidiskubreng lunas at paraang panggagamot sa mga sakit. Kaya, kasama sa linya nilang “May HIMALA” (yung possibility na may lunas na baka hindi pa nadi-discover, kayang kayanin ng antibodies, etc. ) Pero, hindi sila manggagamot nang hindi base sa mga napag-aralan.
Additional tips po sa problem solving:
- Sa problem-solving, mahalagang matutuhan huwag agad manghusga. Kapag ganito ang nagtuturo/ estudyante, kahit sa instruction pa lang ay maaari ng magkamali sa interpretasyon. Kung mali ka na ng intindi sa panuto ay mali ka na rin sa mga sagot.
- Kung sa math, ayon kay Dr. Peter Esperanza ay practice-practice-practice ng exercises ang kailangan para gumaling sa problem-solving
- Kapag libro pang Grade 1-3 elementarya ay halos lahat ng tanong at sagot ay nandito lang din. Maaaring iibahin lang yung mga termino sa tanong, pero halos ay hahanapin mo lang sa mga pahina o pangungusap ang sagot.
- Epektibo rin sa bata ang paggamit muna ng white board or scratch paper bago ilipat sa answer sheet. Nakakatamad sa bata, oo, pero mas napag-iisipan at nauulit sa kanyang isipan ang aralin.
Paano gumaling sa Math?
Aaminin ko mas pinahihirapan ko ang sarili ko sa ganito. Pero ilan ang mga ito sa epektibong pag-aaral na magagamit ng pamangkin ko at iba pang mga estudyante.
I-improve ang pagme-memorize
Itaas ang kamay sumasaulo ng word for word, hehehe! Well, hindi effective, di ba? Ang naalala ko na lang ata na verbatim pa ay definition ng “matter” (anything that occupies space and has mass) at “verb” (is an action word). Pero kahit masaulo ko pa yung 8 parts of speech o definition ng plagiarismo, kung hindi ko maunawaan, waley. Makakalimutan ko lang din nang mas mabilis at walang saysay kung…
- hindi ma-connect sa bagay-bagay, lalo na sa mga alam ko na
- nagagamit sa pagsasalita o pagsusulat
- o mabigyan ng kahulugan o interpretasyon.
Ganoon din po ito sa kahit sinong mga estudyante, kailangan hindi lang masaulo, kundi maisip (at kung puwede maisapuso, hohoho!).
Ang memorization daw po ayon sa karamihan ng diksyunaryo ay pagkakabisado o pagtanda base sa memorya, pagkakatuto o “learn by heart.” Sa mga research na nabasa ko tungkol sa neuroscience ay may “heart” nga sa mabilis at mahusay na pagmememorya ng bagay-bagay. Di ba nga, mas naalala mo yong pagkakataon kung kailan ka nasaktan, na-excite, nairita o na-in love? Naalala mo yong aralin kung kailan ka nakatanggap ng kritisismo o pinuri. Ang isang explanation d’yan ay pag-uugnay ng emosyon sa idea.
Paano ma-improve ang memory?
Ayon kay Margaret Moore, isa sa book author ng Organize Your Mind, Organize Your Life ay mayroon tayong “working memory” o yung impormasyon na kaya mong tandaan nang panandalian panahon. Isipin mo para itong pagsulat sa post it o maliit na scratch paper ng sinabing title ng book o kaya phone number. Eh kaso, maraming bagong idea o info kaya isipin mo na lang ang daming scratch papers sa isip ng tao. Kung ganoon ang kalat-kalat (cluttered) na rin yan at sabi, ang utak ay hindi espesyal na ginawa para magsaulo (lamang), bagkus ay para mag-isip (analyse, decision-making or manage daily things).
Ang isa sa best way para mapainam ang working memory ay sa halip na gumawa ng bagong scratch paper sa isip ay dugtungan yung mga nag-e-exist na. In short, i-connect nga sa alam mo na yung bagong impormasyon/idea/aralin na nakalap. Kaya sa pagtuturo ng bagong lesson sa bata (this works sa pamangkin ko) ay iugnay mo dapat sa pamilyar o nakikita n’ya. Noong nag-aaral kami ng noun (pangngalan), verb (pandiwa), adjective (pang-uri), at conjunction (pangatnig) ay lahat ng examples ko ay nasa kuwarto n’ya o sa paborito n’yang palabas (Ang Probinsyano at Loud House) at movie (Avengers).
What works naman sa pagme-memorize ko ay pagsulat na handwritten, pagsagot ng para saan (purpose) at konsepto, o kaya keyword(s).
Paano gumaling sa English?
Read, write, speak, listen + Critical/Creative thinking
Sa kuro ko ay may simple ( kahit na matrabaho) para gumaling sa pag-aaral. Ito ang magbasa, magsulat, magsalita, at makinig na sasamhan ng “critical thinking.” Ito ang itinuturo ko sa aking pamangkin at sa aking sarili sa tuwing ako ay nag-aaral ( kahit anong topic / subject). Hindi ka lang nagbabasa, dapat inuunawa mo rin ang ideya. Hindi ka lang nagsusulat, nag-iisip ka rin kung anong sinusulat mo at para saan. Hindi ka lang nakikinig, iniintindi mo rin kung ano o saysay ng sinasabi. Hindi ka lang magsasalita, kailangan malinaw sa iyo kung ano ang dating at halaga ng iyong winiwika.
Narito naman mga ang mga artikulo blog ko ay inimbitahan kong magbahagi tips at paliwanag tungkol sa…
- Kung paano maging magaling na mambabasa
- Kung bakit mahalaga ang pagsulat
- Kung bakit kailangan i-improve ang speaking skills o kasanayan sa pagsasalita lalo na sa pag-aaral.
- At paano at bakit mahalagang matutong makinig
sundan mo at ili-link ko rin Anyway, ano ba ang critical thinking?
Ito ay mahusay na pag-analisa sa isang bagay o issue na nakuha mo. I think it is a very important skill and part of problem solving.
Halimbawa:
Ano ang “Parian” (subject: Philippine History)? Ang keyword(s) ko d’yan ay sinaunang Binondo o Chinatown.
Ano ang Grit (subject: Psychology) ang konsepto nyan sa akin ay yung hindi titigil ka hanggang sa makuha mo ang pangarap mo.
Sa mga nais makakuha ng libreng kopya ng 24-page Training Module for the New Normal ( best for teachers and parents) ng Educator Empowerment Program (EEP). Mangyaring mag-iwan lang po kayo ng comment sa ibaba o mag-iwan ng mensahe sa https://www.facebook.com/educPinoy/