Ano ang photography para sa iyo? Sa akin, isa itong mahusay na imbensyon na nagpapakita ng sining at galing sa paghuli ng napakagandang moment. Masuwerte nga ang henerasyon natin ngayon dahil ang ha-high tech na mga digital cameras at yakang-yaka ma-enhance ang mga na-capture na pictures. Aba ang photography kaya ang isa sa mga passion na hindi lamang kailangan ng okay na gamit, kundi dapat galing din sa technical at creative side. Paano naman kaya kung from out of passion ay gawin na itong sideline business din?
Ang mga tao sa likod ng VerJube Photographics (VJP) ang una kong nilalapitan pagdating sa event photography. Kilala ko na rin kasi ang kanilang style at passion con sideline business. Sa isang pagkakataon ay kinapanayam ko si Jube para malaman ang tungkol sa photography at kung paano ito bilang passion business.
Si oliVER calingo ay isang senior graphic artist na mahusay sa halos lahat ng aspeto ng computer, habang si mrs. Jo(U)v(B)Elyn Bajo-Calingo ay isa ring layout/graphic artist/ social media strategist ay creative & resourceful naman. By the way, isa si Jube sa mentor ko sa scrapbooking at magaling din siyang magluto (read her FoodiEscape).
“In one of our leisure trips in Baguio City, naisip namin sana ay meron kaming magandang camera, dala namin noon ay Sony Ericsson K750i lang (phone cam) Mar(ch) 2009. Nagkaroon kami ng free disposable digicam na nakuha namin online, kaso hindi din nagamit.
“We started to browse pictures after the Baguio trip. Inspiring! We became inspired by many photography sites and online forums. Hanggang sa maisip namin mag-search kung magkano ba ang DSLR? Gustong bumili pero walang pambili. Saved money, sa wakas nakabili din ng entry level camera na (Nikon D40), named Dao in May 2009,” kuwento ni Jube.
Una silang nag-practice mag-shoot sa mall tour ni Richard Poon. Eventually, ito na rin ang kanilang way ng pagse-self-study. Kahit napapagastos umano sila sa entrance ay nagsu-shoot sila sa mga music events kasama na ang food photography (FoodiEscape) since wala pa silang formal workshop tungkol sa photography.
“Jan. 30, 2010, when we purchased Dinah (Nikon D90) and at the same night we experienced shooting with two cameras at Red Horse Beer Muziklaban event in Ortigas. It made us to realize that we can earn money out of it & packaged our layout & graphic services.”
Kaya nga out of passion, self-study, connection at matyagang pagsi-save ng money, ang VerJube Photographics ay naging thriving and trusted duo lalo na sa music events at paghahatid ng off-beat ideas pagdating sa pictorials or photo graphics. In fact ay naging resident photographer na sila ng isang sikat na concert venue.
Ilan pa sa shooting assignments ng VJP ay pag-cover ng album launch at iba pang events sa artists ng VIVA Records, anumang gigs ni bossa nova singer Sitti, pag-documento ng shows ng Music Museum Group, Inc. (Teatrino & Music Museum). Nagsimula ang huli nang makita ng kompanya ang mga shots nila sa 25th anniversary concert ng The Company.
“Shooting with ambient light is fun especially on concert photography. Good lighting in concerts is a plus. Minimal lights are challenging,” paliwanag ni Jube.
Samantala, natanong ko rin sila kung sinu-sino ang hinahangaan nilang personalidad sa industriya. Sabi nila ay sina Oly Ruiz ng My Metro Photo, Manny Librodo sa portraiture, Joel Garcia sa Concerts & Events at Dino Sandoval sa Landscapes.
Mabuhay sa lahat ng nasa larangan at passion sa photography, abangan n’yo ang pag-join ko sa future! Charr!
for more info and details about, Jube, Oliver and VerJube Photographics visit their websites – http://verjubephotographics.com
– http://myphotographics.tumblr.com/
Pingback: #ecomsummit: Comprehensive Sharing of Data, Strategies About Ecommerce - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI
naks naman
nagbabadya ang huling statement
ikaw kunin kong photog sa kasal ko, ha
mag-ensayo ka na!!!
haahhaah matagal naman na ako nagbabadya eh, sadyang may nauuna lang laging priority.
okay lang mag-ensayo at maging magaling(nasa dugo ko na yan e.hohoho!), ang tanong ay kung imbitado ba talaga ako? hehehe
pero alam mo, with sincerity, magiging happy ako kung finally nakahanap ka ng katapat mo este ng makakasama mo habang buhay. Gusto ko ang mga KUYA ko lumagay sa tahimik nang bongga. hehehe
Iba talaga ang big time! May endorsement pa ng big time na blogger! Hehehe. More power sa VerJube! Di na kayo ma-reach!
naks kami big time… ikaw giant big TIM… oha-oha!
@Syngkit: tama! It’s not the camera ika nga, nasa perspektibo mo ito kung paano mapapaganda o malalagyan ng emosyon ang bawat larawan mo. 😉
ayon oh! sige tama ayan pampalakas ng loob sa akin.wahaha
mabuhay! balang araw kakarerin ko rin ang photography ..yung as in.hehehe
di mo kailangan ng dslr for a wonderful shot (altho iba dn tlg pg dslr gmit m). nasa kumukaha yan… kahit point and shoot camera o cellphone ok na, yung iba dinadaan sa editing para lalong gumanda. may mga shots kasi na para sau maganda: may iba na makakaapreciate o magagandahan din at mayron naman magccritique sa shot mo. bsta keep on shooting kung anu yung feel mo ishoot.. mgbasa ka din ng mga artcles sa internet about tamang composition, lighting… unti unti matututunan mo din yan hehe ( ”,)
naks naman pro na pro na si syngkit kahit sa paraan pa lang pagko-comment.oh well pagdating naman sa application e, na-prove mo naman ang iyong mga sinasabi mula sa mga shots mo sa iyong blog.
mabuhay sa mahihilig sa pag-appreciate ng galong ng photography!
We just fall in love with music photography.
But wait there’s more!!! –> http://myphotographics.tumblr.com/post/8323326682/hoshilandia-blogged-about-vjp
salamat, nakaka-straight ng hair, nakakapag-long dress, nakaka-red ng lips at nakaka-blush ng fez ang inyong pagta-tumbler sa hoshilandia. mabuhay!
Long overdue ito dahil din sa akin! LOL!
salamat CEO AJane Bussan este CEO Hoshilandia dot com. 😉
dito lang naman ang hoshilandia.com teka sino nga pala si CEO Ajane Bussan? wahahaha
oh well alam na kung sino kukunin sa kasal ko at sa grand opening ng company ko…SOMEDAY. hehehe
I’m proud to say na we’re happy doing what we do best at akalain mong mat talent pala sa ganyang mga kabagayan? LOL! 😉
oo nga minsan nadi-discover mo na lang iba’t ibang bagay na akala mo wala ka once na nag-try ka.
and good thing na na-discover nyo ang inyong ibang talent at napagyayaman pa ito. oha-oha!
Hello! at least ang masasabi ko lang keep up the good work sabi nga if there’s a will ther’s a way, kaya lahat ng ninanais mo kung gugustuhin mo magagawa mo di ba? Isa pa kung gusto mo ang isang bagay may paraan pero kung ayaw mo ang daming hadlang.
hi kuya elpidio, tama ka dyan.
at dagdagan ko na rin ang magaganda mong linya na. iba talaga pag passion mo ang ginagawa mo. hind yong napipilitan ka lang.
mabuhay sa ating lahat na may passion and faith sa buhay!
Waaaaaaaaaaaaah!
Una, salamat sa oras mo para isulat lamang ito.
Pangalawa, hindi ba itu uber promotion? Wala pang K ika nga.
Pangatlo, hindi ako sanay pero salamat uli.
Huli, nakakashy.
LOL!
yeah!!!!
Una, your welcome Nooona! Oo naman long over due na nga ito.
pangalawa, hmmm hindi naman saktong-sakto lang naman sa panlasa ko kasi feeling ko kulang pa nga e, hehehe. saka ito ang power ng sarili mo ang website at blog.
pangatlo, masasanay ka rin nyan. susunod nyan mga TV, Radio at Print na ang magpi-feature sa inyo. medyo unahan ko na sila. (makasama man lang credit at source of info)
huli, ayeeeee
MABUHAY!
magaling ako magphotography. impak, zoom lang ang alam kong gamitin. lols!
hahaha! bilis mo apollo ah, kaka-post ko pa lang may comment ka na. anyway, hindi ka naman atrasado kasi kasunod lang kita sa pila.
ako kasi after zoom eh may rule of thirds pa. wahehehe