Anong mayroon sa Cinemalaya?


CCP  Cultural Center of the Philippines  (1)Sa isip ko lang gustong sumubok manood ng mga entries sa Cinemalaya, pero dahil sa sulsol este paanyaya ni co-blogger Shea ay ginawan ko na nga ng aksyon. Bakit may pagdadalawang-isip? Una kasi sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ang venue, define effort ang drama ko. Pero kapag naisip mong may mapapala kang maganda, itabi muna pati si Harry Potter.

Marami akong first time experiences sa Cinemalaya, una d’yan ang umorder ng ticket in advance sa ticketworld. Ito na rin siguro ang maipapayo ko sa iba para mas convenient at sure slot na panonood. Original kung balak na schedule nang panonood ng Babae sa Septic Tank ay 6:15 nitong July 23. Mabuti lang kamo at nagkaroon ng additional screening ng same date pero bandang 12:45 na.

Ang Babae sa Septic Tank talaga ang isa sa nagtutulak sa akin na patulan ang paanyaya ni Shea (pero hindi kami nakapanood ng pareho nun pero kasama ko naman si Syngkit).Sulit as in sulit na sulit ang panonood nun, humagalpak ako sa kakatawa at lahat ng audience sa Tanghalang Nicanor Abelardo. Suave ang acting ni Eugene Domingo o kahit isama pa natin sila Kean Cipriano, JM de Guzman, Cai Cortez at yong mayabang na award winning independent film director kuno (yung eksena nya ang isa sa pinakatawa ako ng tawa…asaran lang).  Okay din ang special participation nila Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral na nakakatawa pero nakaka-impress din. Chris Martinez (scriptwriter), ang galing ng mga dialogues mo, “Walang-wala” lang talaga sa pagka-wow! Siempre congrats din kay Dir. Marlon Rivera at sa mga cast and crew ng pelikulang ito deserving kayong mamakyaw ng award sa Cinemalaya.

Balik tayo sa pamimili ng ticket at slot, ang dalawang pelikula sana na panonorin ko pa ay ang Ligo na U Lapit Na Me na panonoorin sana namin ng sabay ni Shea at ang serye ng short films (kasama ang Oliver’s Room at Un Diutay Mundo) kaso dahil wala ng slot, pinili ko na ang Huling Halik.

CCP  Cultural Center of the Philippines  (5)Ang Huling Halik naman ang first gay film na napanood ko. Hindi ko alam na ganito ito kasi ang naalala ko lang ay tampok dito ang Panagbenga Festival sa Baguio. Marami akong gustong sabihin about tungkol sa indie movie na ito pero ibabalato ko na kay Shea kasi nagustuhan n’ya.

Mayorya ng mga nanood ay mga kabataang GAYA namin. Ibig sabihin lang ay wala pa sa critical level ang Pagtangkilik sa Pelikuklang Pilipino. Hindi rin naman kasi masasabing dahil sa mas mura ang bayad (Php 150) at ang formula sa independent films ay iba sa mainstream na surefire pang-box office. Tingin ko pare-pareho lang kami na um-effort for “worth it” films.

Mabuhay sa mga bumubuo ng Cinemalaya!

Patalastas



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

22 thoughts on “Anong mayroon sa Cinemalaya?