Copyright © 2010 aspectos de hitokiriHOSHI. All Rights Reserved. Snowblind by Themes by bavotasan.com. Powered by WordPress.
Ever since college nagkaroon ako ng fondness sa pagpasok ng library. Hindi ko sinasabi na palabasa ako gaya ni Lex (bookworm) pero may something sa ambiance ng silid-aklatan na nagpapaligaya sa aking diwa. That’s why siguro kahit ‘di ako makapagbasa masyado gusto ko may mga books dito o babasahin gaya ng magazines.

library
Maliban ngayong binabasa mo ito, walang nakakaalam na nung Pasig Day ay nagpunta ako sa Quezon City Public Library (QCPL) sa may gilid ng Q.C. City Hall. Gusto ko lang naman ma-experience ulit ang mag-library na dekada na ata nung huli kong ginagawa. Siguro mga third time ko nang napadpad doon na ‘yong mga nauna ay dahil sa aking pagsasaliksik para sa aking Thesis.
Wala naman akong gaanong inaral pero may isang libro ako doon na halos tapusin ko sa pagbabasa. Iilan lang ang nabuklat ko na karamihan ay iisa ang pinatutungkulan, iyong iba kasing subject/topic na gusto kong aralin ay wala pa silang kopya. Ayoko naman magbasa ng obsolete na dahil hindi naman history ang pag-aaralan ko.
Nakakatuwa rin pagmasdan ang ilang nakasabay ko na nagbabasa. Sa kasama ko sa mesa may isang nagpunta lang ata doon para tumambay at umidlip (gawain ko rin yun dati), mayroon naman na doon nagtsi-chismisan (ah yun na ang di puwede), at karamihan naman ay kagaya ko (naks) na nag-aaral din kuno. Siguro may ilan na nagmama-masteral na, nagre-review for board, at (Kapwa ko) mga estudyante.
I don’t know pero iba ang feeling ko nitong huling bisita ko sa library. mas parang maluwag at panatag. Feeling ko kasi noon konting kibot mo sa library baka may ma-break ka na rules. Ganoon naman ang palagay ko sa lahat ng library eh may apat na matang nakamasid. By the way, nakapasok na rin ako sa National Library, sa library sa Planetarium sa Luneta, Sa library ng Lola ko sa Samar at siempre sumuot na ako sa lahat ng parts ng library ng dati kong school. (oo pati science section kasi yun ang college ni crush)
Sa library namin sa school, nahuli na akong naglalaro ng games, nagta-type ng assignment sa Internet section, at 75% ng pinapa-print ko ay walang kinalaman sa pinag-aaralan ko (sa anime oo). Tas one time sinubukan ko lang punuin yung library card namin ng mga hiniram kong libro. Wala lang pinagod ko lang yung balikat ko kakadala ng libro.
Okay balik tayo sa QC Public library, mabuti naman at buhay na buhay pa rin ito. Hindi ako magrereklamo na sana ay dagdagan pa nila ang kanilang libro hindi lamang ng bagong edisyon kundi talagang may ilang subjects na wala sila (sa bagay medyo pang-major na yun hindi na pang-general). May tatlo kasi akong ni-research na topic, wala silang available na libro. Alam ko naman kasi na maraming kabagayan ang dahilan kung bakit ganoon pero sana ay magawan nila ng paraan o matulungan silang mapagyaman ito. Don’t worry po masaya pa rin ako sa paglalagi dyan. Uulit-ulitin ko pa. Smile!
Note: nabasa ko sa kanilang website na marami silang ginagawang activities at nangangailangan sila ng volunteers.
No related posts.







July 8, 2010 at 3:48 am
Sa library noong college.. wala lang may naalala ako. Hihihihi.
July 8, 2010 at 4:06 am
ako rin eh, may one sided love affair ako doon. wahahaha
July 8, 2010 at 5:27 am
ano ang library? hehe. hnd masyadong nagagawi jan nung ng-aaral ako e. lagoon lng ang study spot ko.
July 8, 2010 at 6:03 am
aba’t ang sosyal at napaka-relaxing ng study area mo. ang coool!
ano ang library? hmmm teka check ko sa dictionary. hahahah
July 9, 2010 at 1:39 am
Masarap matulog sa library. Pero nagbabasa din ako doon. Nung college, kapag walang panlaro ng games, sa library ako tumutuloy, nagbabasa na lang ako o di kaya natutulog.
July 9, 2010 at 1:48 am
oo iba ang feeling kapag panakaw kang natutulog sa likod ng libro. wahhahaha
pero maigi na siguro tumambay sa library kaysa tindahan. sa tindahan kasi ang daming tukso at usok. wahahaha
July 9, 2010 at 6:40 am
di talaga ako nahilig sa library
bakit kaya?
hehe
July 10, 2010 at 1:05 am
ah kasi may collection ka ng audiobook or audio-video library. naks! high tech ka e. hahahah
photographic mind pa. pa-photocopy nga mga 3 kopya, yung harap at likod. wahahaha!
July 9, 2010 at 6:53 am
naks
endorser ng qc public lib
hehe
July 10, 2010 at 1:10 am
hindi naman nabasa ko lang na kailangan nila. tutal e-nai-blog ko na rin e.
pinag-iisipan ko na nga e kung bo-volunteer ako e kaso weekend lang free time ko madalas may booking pa ako (naks!) hahaha
July 11, 2010 at 12:45 am
Nung highschool ako hilig k oren ang magpunta sa library pag break. Siguro dahil tinatamad ako pumila para bumalik ng classroom. Weird kase ng school namen, papapilahin muna kame bago bumalik ng classroom after recess. Hanggang ngayon di ko ma figure out kung para san yon.
Oy nagpunta ren ako dyan sa QCPL para sa thesis namen nung HS! Pero walang kwentang thesis yun kase HS pa ko non! Haha.
Ako may reklamo ako sa library na yan, walang kwenta ang mga guards. Naligaw kame non dahil sa kanila. Pffft.
July 12, 2010 at 3:59 am
ang weird nga noon, bakit kaya?
at isa pang weird dun ay may thesis ka ng high school pa lang. wahhhhh tungkol saan naman ang thesis mo?
pasaway nga. ako kasi magtatanong lang pag naligaw na. hehehe
July 13, 2010 at 12:43 pm
ginawan ng nakakatakot na kwento yung library namin nung high school.kesyo may nagpapakita raw dun.
pero palagay ko,ginawa lang yung kwento na yun ng librarian para walang umistorbo sa kanya maghapon.epektib naman dahil bilang lang sa daliri ng manok kung ilang beses akong napasuot dun.
July 14, 2010 at 2:45 am
sama naman ng librarian yun. eh sa akin kahit nakakapagod at nakakainis ang mga magugulong humihiram ng libro. mas okay na yun kaysa nilalangaw ang lugar. ang boring naman na nagwo-work ka sa lugar na mukha na ngang boring eh wala ka talang literal na gagawin.
baka nga talagang pamahayan yun ng multo. awooooooh!
July 17, 2010 at 8:51 am
you are lucky kasi when i visited our pasig library and museum weeks ago eh wala na pala ang library. i even blogged about it!
July 17, 2010 at 2:11 pm
ay ganun ba? nakakainis nga yun. try mo punta sa ortigas library nakapasok na ako dun though hindi ako masyado nakaikot. mukhang maganda at maaliwalas ang paligid. then may mga activities din silang ginagawa.
lukcy nga kaming taga-QC kung ganun. calling PAsig GOvt. magkaroon kayo ng library!