I
Sabi nila masarap ang maging bunso sa magkakapatid
pinagbibigyan ka at alagang-alaga ng mga ate at kuya.
Tatanungin nila kung ano ang pasalubong na gusto mo
o kapag birthday mo hindi puwedeng wala silang treat sa iyo.
Gaya na lamang ng choco roll cake na laging request ko.
Bukod pa ‘yan sa kinasasabikan kong mamon, chiffon (slice), o
polvoron na idinadala ni Nanay pagkatapos ng kanyang trabaho.
II
Pero sa pagdaan ng panahon, nagbago rin ang lahat.
Isa-isa nang nilisan ng aking mga kapatid ang aming tahanan.
Iba na ang madalas nilang i-treat at binibigyan ng cake.
Pero hindi naman po ako nagtatampo kahit nakaka-miss
kasi sa tuwing nakikita ko ang aking mga pamangkin
feeling ko ay ako rin sila noon, sabik na sabik na mag-wish,
pitasin ang mga flowers (icing) at ipaghiwa ng cake.
III.
Bibihira na rin akong dalhan ni Nanay ng pang-merienda.
Siguro may ilang taon na rin nung mangyari ‘yon.
Kasi naman ay ako na ang nagdadala ng maime-merienda.
Lalong-lalo na kapag araw ng sahod, sinsubukan kong
ibili siya ng paborito niyang gelatin a.k.a. cathedral window.
Kailan ko nga lang nalaman na ang kan’yang favorite panghimagas.
Ganun pala yon ano, iba rin kapag ikaw na ang nagbibigay?!
IV
Maaaring iba na ang estado ko ngayon. Hindi sa kaya ko ng bumili o pumunta sa bakeshop para ituro ang gusto kong kainin, kundi sa kung paanong ako naman ang puwedeng magpasaya sa mga taong mahal ko.
Pamangkin, Hipag, Kuya, Ate, Tiyuhin, Tiyahin, Magulang at kahit sino pang darating, alam kong para lang tayong mga nagpupunta at umaalis sa isang tindahan ng pagkain. Nagbabago ang binibili at kung sino ang bibili pero ang pagkakatulad ay nandoon yung thought na gusto mong ipinadama ang iyong sweetness. Sine-celebrate natin ang mga special moments natin ng salu-salo. Iisang tatak na natin yan eh gaya ng binibilhan nating Goldilocks – How Thoughtful. How Pinoy!
Note: Happy Birthday Kay Nanay sa August 25.
ang galeng ng entry na to. rakenrol.
kainggit. ipad touch.
cge sept 10 pa nmn..
hekhek.
go go go sows! sali ka na rin!
salamat sa iyong suporta. ayeee!
ahaha. outta idea ate ko. hapiberdey nlng ha!!
pro tngnan naten! ahaha.
okay! dalawang bagay yan.
mabuti – kasi bawas ka sa magaling na makakatunggali ko
masama – kasi sayang naman ang premyo mo. puwede naman tayo maghati e. hehehe
Mabuhay ka Hoshi, para sa malupit na tulang ito! Hahaha!
sige salamat! sana okay sa Goldilocks itong tulang kwento ko na pawang katotohanan lang ang laman.
mabuhay!
I wouldn’t know, eldest kasi ako.
Pero happy birthday kay Manang Jules. Sana magkinilaw siya sa birthday niya. hehe
gusto nga niya mang-invite eh pero kkb daw. hahaha
Happy birthday, tita!!!
sige ipapa-abot ko yan kay manang juling.
sasabihin ko ‘Nay binabati ngapala kayo ni Malibay Boy
nanay: sino yun?
hoshi: yung hubby ni Janet Jackson
Nanay: talaga nakausap mo?
Hoshi: oo Nay, ka-Blog ko na ka FB ko pa.
Nanay: Asteeeg!
cool entry…kitakits po sa goldilocks event 😉
salamat katoto! Good luck and more power sa ‘tin.
Welcome nga pala dito sa Hoshilandia Jr.!
kakaiba ka, oo
yes, masarap maging bunso
but how would i know
isa akong pangay
it sucks
hehe
ps
dear ms. goldilocks,
sana ay ipanalo mo si hoshi
mahilig po ako sa ensaymada
salamat
akala ko anak ng ate mo yung pamangkin mo? siguro naman may perks din ang maging panganay. hari-hariaan din kaya ang mga kuya at ate ko dati. wahahaha
naman sana magdilang anghel ka. nang makatikim naman ako ng panalo. 2008 pa ata ako nanalo sa isang contest. hehehe
saka para man lang mag-suwerte ang B-day ni Manang Juling. hehehe
mabuhay!
wow.may magbe birthday!
happy birthday sa nanay mo.
sa goldilocks,ensaymada ang paborito ko.saka pala puto.
yaan mo na,hoshi.tutal kasabihan naman,mas masarap ang nagbibigay kesa binibigyan.
salant duking sasabihin ko rin ang pagbati mo sa Nanay ko.
nanay ko rin paborito ang ensaymada nila.
oo naman iba yung feeling dun sa tumatanggap at nakakapagbigay. at nakikita mong na-e-enjoy ng pinagbigyan mo yung ibinigay mo. oha-oha! bigayan ng bigayan yan. hehehe
Advanced Habeerdei! Wahoooo!
Teka, sponsored ka na ng Goldilocks? Huwaw! Kalevel ni Dingdong at Krissy! Haha. Pero teka, hindi naman talaga masarap maging bunso. Kase.. palagi kang tira tira pag sa damit. Yung mga pinaglumaan sayo papagamit. Kazur.
AT masarap ang chiffon slice.
thanks! sabihin ko sa nanay ko kay Manang Juling na may pabati siya online. hehehe
hindi entry ito sa contest nila courtesy ng Nuffnang.
ah oo dyan bumabawi ang mga nkakatandang kapatid pati na sa mga pang-uuto este pag-uutos. wahahaha
naman favorite ko yung chiffon na double dutch.