Courtesy of Sherma a.k.a Brainteaser and Avi, nalaman at sinuwerte akong makatuntong sa Andalucia, replica ng isang 17th Century Galleon.
Open sa public ang pagsilip dito kaya naman maraming Pinoy ang hindi pinalagpas ang pagkakataon. Ang haba ng pila, mula pa lang sa pinaka-gate ng South Harbor pier hanggang sa mismong barko. Sulit naman yung pakikipaggitgitan dahil yong feeling na okay nakakita ako ng lumang barko eh nakamtan ko naman. hehehe
‘Pag nakita mo yung pagkakagawa niya kahit replika na lang ay mai-imagine mo na ito pala ang uri ng sasakyan para madiskurbre ng mga Kastila ang ‘Pinas. Gawa sa matitibay na kahoy, makakapal na lubid at punong-puno ng mga marka ng kanilang pagiging makaka-Espanya. Mayroon ditong tinatayang 30 Spaniards crew na pawang magigiliw naman sa lahat ng mga Pinoy. Kakatuwa lang kung iisipin, kung dati ay kinaiinisan siguro ang pagdating ng mga barkong ito, ngayon ay pinagkakaguluhan pa.
Siguro mas maliit ang galleon na ito sa tunay na laki nung mga nakaraan. Nakita ko ang kanilang silid-tulugan, ang liit lang pero parang sarap siguro magmuni-muni doon. Ewan iba talaga ang pakiramdam sa kahoy sa bakal di ba?
Sa ibabang bahagi ng barko kung saan maraming nakausling kanyon ay medyo madilim at siempre napakainit. Tagaktak talaga ang pawis namin dahil na rin siguro sa halos dikit –dikit na kami. Magkasunod nga kami ni Cardinal Rosales na sabi ng kasama ko ay napagkamalang si Cardinal Sin ng isang ale. Aray ko!
Gusto ko s’yang tanungin about RH Bill ala Kara David pero ‘wag na, nagpa-picture na lang ako. Saka masaya si Cardinal baka makasira ako sa kanyang mood. Napaka-pleasant pa naman niya in person.
Bukod sa Maynila, ay papalaot din ang Galleon sa Cebu at Bohol. Saka sila tutulak kung saan mang bansa. Sa mga crew nito Buenas Dias Señores, sa mga taga-NCCA – muy bien, sa mga nakasilip na Pinoy – viva! at sa lahat MABUHAY!
Buti pa ikaw nakapunta, hindi na ako nakadaan kasi medyo nag-iba yung sched sa shinu-shoot ko nung araw na yun. Oh well. Sana may next time pa ulit.
alam mo mabuti na rin hindi ka sumunod. kasi mahihirapan kayo nung kasama mo. “pakikibaka” ang ginawa namin para lang makapasok sa loob at makasakay sa galleon.
malapit ko ng isipin na palibhasa kami ay mga Indio. hahaha
sige raft3r gawin mo nga! hahaha
ay dong kahit gustuhin mong pomorma hindi mo na magagawa kasi nga ngaragan ang mga eksena. hehehe.
nakasulit lang ako makakausap ng mga espanyol. na ang tangi ko lang nasabi na spanish word ay Gracias Señor!
mas astis siguro kung naka-costume kang pupunta dyan, ano
whoaaa? nakapunta ka din 🙁 malungkot ako dahil di ako nakapunta.
may mga kaibigan kasi ako na nakitaan ko ng pictures nila sa Galleon dun sa fb. ang haba nga ng pila. at yung kapatid ko, bumalik pa sa ikalawang araw dahil nung unang araw eh di na sila nakaabot.
naiinggit ako. soooobra.
alam mo believe ako sa kapatid mo kasi kung ako yun, di na ako babalik sa sobrang init at dami ng tao. Ang sa akin lang ay its now or never.
pero ayun nga sulit naman talaga yung experience kaya kahit tagaktak ang pawis namin duun sige lang ang kuha ng pix pero nung uwian na talagan isnag malaking basong tubig ang unang inorder ko.
at palit-palit ng damit