Because naman kay Noona Jube ay naka-attend ako sa Music Expo sa Center Stage, Mall of Asia. Ang araw na yun ay nagpalalim ng aking kamalayan tungkol sa kalagayan ng OPM or Original Pilipino Music sa bansa. Incidentally na-reveal sa amin ni Jim Paredes na ang nagbigay ng ngalan sa “OPM” ay kanyang kasamahan sa APO Hiking Society na si si Danny Javier.
Piracy
Iisa ng halos sinasabi nina Optical Media Board (OMB) chairman Ronnie Rickets (at that time) at IFPI chair May Seey Leong (at that time) na rampant na talaga ang piracy sa Asia, particularly sa Pilipinas. Of course bukod sa physical piracy nandyan na rin ang digital or online piracy na nagpapababa ng kita sa music industry at nakakaapekto rin sa tax collection ng gobyerno.
Copyright and Intellectual Property Right
Mayroon paraan para maka- copyright ang obra (lathalain or musika man ito) ng isang tao at may mga samahan nangangalaga rito. Ang pinakasimple ay pagpaparehistro kaagad ng iyong gawa sa Philippine National Library. Siyempre kung ayaw natin na hindi binibigyan ng credit ng iba ang ating gawa ay dapat din may respeto sa likha ng iba. May mga laws na puwedeng malabag, iyon nga lang pagdating sa Pilipinas medyo maluwag-luwag.
Alam n’yo ba ang Korean Version ng Pangako ni Regine Velasquez? Puwes sabi ni Ogie Alcasid walang kahit na anong credit na ibinigay sa kanila ang mga nasa likod ng version na ito.
Status of OPM
Ang pinakahabang diskuyunan at masasabi kong buhay na buhay na part ay yung talk ni Jim Paredes. Magaling siyang speaker at alam mong ‘tong tao na ito ay may “k” na magbigay ng sentimiento.
§ hiling niya sana magkaroon din ng drive to promote Filipino songs sa international market. Sayang dahil hindi na nasundan ang nagawa ng Anak ni Freddie Aguilar na Tagalog song na dahil sa ganda ay sinalin sa iba’t ibang wika.
§ Sana ay mas mapaganda ang songwriting (agree ako!!! iba kasi makagawa lang ata ng kanta na matonohan okay na.). May magagaling naman daw pero iilan at kung minsan hanggang 10 seconds lang daw ng kanta ay nawawala na yung crisp.
§ (Ito indirectly niya sinabi at interpretasyon ko na rin ha) – marami sa mga recording artists ngayon ang hindi talaga singers. Alam mo yun, sikat kasi at medyo nakakanta pero mas binibigyan ng exposure. (agree ako!!!). isang example na ibinigay niya ay sa variety show madalas walang kantang natatapos ng isang magaling na mang-aawit. Bakit? Sinasamahan kasi siya ng isang artista na ‘di talaga magaling kumanta.
Gaya sa Wordcamp, dami kong natutuhan sa araw na yon at yes, gusto kong i-promote pagtataguyod ng Filipino Music sa buong Mundo. As in Tagalog ha!
Pingback: Salamat 2010 | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
Salamat sa credits (passes mula sa isang kaibigan din) hehehe
Just posted some photos at our site http://www.verjubephotographics.com at this link –> http://verjubephotographics.multiply.com/photos/album/94
Masaya akong nakabonding kita sa event na ito, bihira mangyari, enjoy akong kasama ka. 😉
Marami talagang magagandang Filipino music, iba kasi talaga ang talento ng mga Pinoy. Kaya hanga ako sa kagaya ni Jim Paredes at ni Ogie Alcasid na kumikilos talaga ngayon para itaguyod ang OPM.
korek ka dyan manileng-leng
sabihin ko ke wifey produce sya opm
tutal dehins sya masyado busy these days, eh
hehe
agree ako sayo pamangkin.. yungiba kasi ngayon, makapaggawa lang ng kanta isinasalang na kagad sa public. di man lang muna pagaralan o pag isipang mabuti. kaya minsan mas gusto ko pa rin yung kela rivermaya at eraserheads 😀
naku tito itong comment mo magugustuhan talaga ni Eloiski. hehehe
oo wala ng kawawaan yung ibang kanta! gagawa nga ng original parang may intensyon pa talagang manlapastangan.
wow astigin sana inimbayt mo ko game na game ako wahahaha
😀
nakaka elibs no kahit ibang lahi pilipino ang kinakanta para lang mapromote!!!
lets support OPM 😀
tama ka dyan tito! suportahan natin ang OPM
hayaan mo sa susunod, titmbrehan kita kung meron.
Pingback: Music Expo 2010: OPM please! | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
Agree na agree ako sa mga artistang kumakanta na wala namang talent talaga. Kung gusto nila mag artista, edi umarte sila (na dubious din kung totoong may talent sila doon), hindi yung dadagdagan pa nila ng singing career yung credentials nila kahit olats na olats naman. Kasalanan din kasi ng showbiz kung bakit namamatay ang OPM, dahil ina-underestimate nila ang Pinoy audiences. Puro basura na lang ang inilalabas nila, hindi sila magventure na i-expose yung totoong talent ng mga Pilipino pag dating sa pagkanta. At ngayon ang best na time para gawin yun, since nalulugi na rin naman ang OPM kahit minsan “mainstream” artist ang inilalabas nila, edi sana magsugal naman sila sa isang talagang talented singer para yun naman ang i-expose nila sa publiko.
talagang damang-dama ko ang paghihimagsik ng galit mo ah. pero tama yan lalo na kung ang intensyon talaga natin ay para sa ikagaganda talaga ng music industry.
nagtataka nga ako na may nagpa-platinum daw si ganito at ganyan, eh wla naman katura’y turay.
gawa ka nga ng album tim nang malaman nila.
Mahilig lang kasi ako sa music kaya ganyan. Madaming mga pinapasikat na artists na hindi naman magaling. Madami nga, hindi talaga marunong kumanta, akala mo nasa videoke lang. Sobrang laki ng potential ng music industry sa Pilipinas, pero nababalewala lang kasi puro walang kwenta naman ang nasa “mainstream”. Kaya no choice but to turn to western / foreign artists.
ako hindi pa nawawalan ng pag-asa. basta pakikinggan ko na lang yung magaling na Pinoy artists na trip ko. ayeee
nakakagulat meron din palang ganyan
akala ko kasi puro business na lang ang pinagkakaabalahan ng mga seminar ngayon, siguro kasi dahil dun lang ako nakalinya, hindi ko na napansin na meron ding mga taong mahilig sa musika, hindi naman gagawin yan malamang kung walang aattend di ba. good for you at madami kang natutunan.
nakakapanghinayang nga kasi nung first day napakaunti nung uma-attend. sayang lalo na doon sa mga music enthusiasts na gusto talagang himay-himayin ang kalakaran sa local music scene.
yes masaya ako at nabigyan ako nang pagkakataom na makasama doon. sayang nga lang hindi nakapunta sa awit awards.
mabuhay and thank you sa pagdalaw!