-Wala akong ibang alam na tugtugin na instrumento maliban sa lyre. Feeling ko napakadali nitong gamitin dahil tatandaan mo lang kung saan pupok-pok sa tamang tiyempo.
-Hiniling ko na magkaroon ako nito nung high school para makaiwas sa pagsi-C.A.T. hindi ko inaasahan na pagbibigyan ako ng nanay ko kaya naman tuwang –tuwa ako nung ibinigay sa akin.
-Nakaka-frustrate kapag hindi mo matandaan yung mga songs na tutugtugin at hindi ka makasabay sa bilis ng pukpok pero ang isa pang kinaasaran ko ay ‘yong hindi ko mahanapan ng equivalent yung mga kantang natugtog sa gitara at piano.
-pero bukod sa paghawak sa lyre sa mahabang paglalakad sa iba’t ibang uri ng daanan, problema ko noon ay yung uniform namin. Init sa katawan, ang iksi at feeling ko papasa akong Mrs. Santa.
-isang taon ko lang halos nagamit yung lyre pero matagal kong itinago. Kung hindi ako nagkakamali ay isang dekada na ito sa akin. Ayokong ibenta, gusto ko pagpasa-pasahan ng aking mga mapipiling pamangkin o anak.
-pero muli ko itong hinalungkat sa baul hindi para ipasa sa aking pamangkin at gamitin sa parade nila sa school kundi para matugtog ng aking pinsang lalaki para sa parade namin for campaign. Mahusay naman sa pagtutog ng aking pinsan, lagi lang ako nababatukan. Nasa unahan kasi ako n’ya at ako ang naglakas loob na mag-drums. Hehehe! maiba lang at bahala na kung palpak.
-napansin ng pinsan ko na bukod sa name ko nakasulat sa lyre ay may nakasulat ding LOUIE. hindi ko matantiya kung sino may-ari ng name na ‘yon. wala akong kaklase at crush may name na LOUIE. Ang tanging LOUIE na malapit sa akin ay ang pamangkin kong lalaki.Pero siguro yun ang ipinangalan ko sa instrument ko.
-ang gusto kong mapag-aalan talagang tugtugin ay gitara para kahit saan at walang kuryente makakatugtog ako. wahhh mangyayari kaya ito?
-sa lyre kong si Louie pala, natuwa ako sa muling paggamit sa iyo at malamang ipapagamit at ipapasa na kita sa iba. hindi dahil sa sawa na ako sa iyo kundi dahil yun ang trip ko at nararapat. Mabuhay!
slamat s pagdalaw sa bhay….\
hindi ako makarelate.. wla akong alam na tugtugin eh.. how i wish na sana isa man lng na instrument may alam akong tugtugin…hehehe
mahilig ako sa music pero ang music hindi sa akin mahilig..hehehe
naku okay lang tayo dun. basta may music ang buhay. oka na yon.
mabuhay!
pangarap ko rin 2mugtog ng gitara. kinatamaran ko na. hnd pa ko marunong mag lipat2 ng daliri. tapos nun piano naman. awa ng Diyos nakatambak lng sa bahay.
cge next nmn try ko yang lyre. chos.. 😛
sows hindi ka nag-iisa. isa rin akong promising musician, as in puro promise. hehehe!
nyahaha
band geek si hoshi
hehe
happy all saints’ day!
“dalawin” mo naman ako
nyahaha
dadalawin kita sa all saint’s day? wahhhh spooky!
spooky talaga
takot ako, eh
hehe
oi dinalaw na kita ah! hehehe
di ba? di ba?
ah,maliban dun sa mga chiching na may hawak nyan habang nagpapaikot ikot kapag piyesta at ,ay namatay na mayamang ililibing, wala na kong masasabi pa.hahaha!
instrumento yan na isusumpa mo kapag napasa-kamay ng nagpupumilit patugtugin.hataw dito hataw don.makikita mo na lang ang tutuli mo sa tengang kusang nag e-evolve para maging makapal na sapot para proteksiyunan ang eardrum mo.hahaha!
gitara,oo mas maganda at mas user friendly ang gitara.saka mas malawak ang resources na pwedeng pagkunan at free tutorial sa web.mas madali kapag may personal na nagtuturo.
oo tumpak ka dyan sa lahat ng sentimiento mo duking. hate ko rin yung mga humahataw ng basta, nakakatulig talaga.
yung sa gitara, talagang mas madali siya sa lahat ng aspeto puera sa pagbitbit kung saan-saan. pero gusto ko talagang ipamporma yung may hawak akong gitara. hehehe
pamalit man lang sa laptop. ayeee
ipasa na yan sa iba
ako wala akong alam na tugtugin
para sa mga artists lang kasi yan
(frustrated ako huhuhu)
ako hindi ako umiwas sa CAT sa PE ako umiwas kaya nagspecialized ako sa CAT hihihihihi
oo kuya pong ipapasa ko na sa iba. parang ayaw mo na mayroon ako nyan e. hahahaa!
ah mas gusto ko ang PE kaysa CAT forever. hahah
ay naku.. cenxa pero kahit isa wla akong alam na instrumentong tugtugin..
i am a frustrated guitarist and pianist.. heheheh
pareho lang tayo doon sa pagiging guitarist at pianist. nagkataon lang at nabigyan ako ng chance na magkaroon ng lyre. hehehe
kapatid kong negra lalong nangitim katutugtog ng lyre sa initan pag may parada hahaha
hi mots! welcome sa Hoshilandia Jr.
akala ko kuya kita, hahahaha! buti na lang naisip ko na hindi pala nagba-blog ang mga yon at mga analog. hehehe
may isang song akong kayang tugtugin sa lyre… “it might be you” tinuro sa akin ng karas ko haha di ko makalimutan kasi kinikilig ako nung time na yun…
wow ang saya naman nun! pahingi ako ng chords para matutuhan ko rin. hehehe
gitara lang ang alam ko. cool siguro kung matututunan ko mag-lyre pero higit sa lahat, ang matutong mag-drums ang pangarap ko sa buhay 😀
wahh palit naman tayo, ako ang gusto maggitara. pero masaya siempre kung marami kang alam na tugtuging instrumento.
sa drums napaka-cool, makabasa kili-kili hehehee
ahay! may lyre ako! hakhak! noong elementary may natutunan akong isang kanta! bwahahaha! basta yun na yun! hakhak!
ang gusto ko matutunan eh saxophone! gwad! parang ang gwapo kasi talaga tignan! rawr!
saxophone talaga? taray naman non! hehehe
ako okay na ang lalaking nagigitara pero suave ang dating, yong tipong mapapakape ka. hahaah
Wala akong ibang alam na tugtugin na instrumento kundi, uhmmm, wala.
alam ko na kung ano yun, choz! hehehe