Ayon sa dictionary.com, people skills is the ability to deal with, influence, and communicate with other people, na ewan kung talagang mayroon ako. Basta ang alam ko kailangan may ganito ka para masaya at umasenso ka.
Para sa akin maganda na malaman ng tao ang kanyang personality type ( ambivert, omnivert, introvert, at extrovert). Alam natin na karamihan ng talkative ay malamang extrovert kasi sila ay outspoken and outgoing. Pero hindi naman laging ganun, may mga kakilala akong speaker at businessmen na introvert pero kaya at effective sa kanilang larangan.
Hindi rin ibig sabihin na kapag geeky, bookworm or loner ay mahina ang people skills. In fact, mayroon na mas malaman at malalim makisama once na mag-warm up. Their intimate approaches make them trustful too. Ganun din naman iyong extrovert na nadya-judge na social climber o kaya “plastik.” I don’t think pleasing everyone in a party, event or situation is being pretentious. Kapag magulo, mataray at prangka ka sa bahay at nag-tone down ka sa inyong opisina/ school ay hindi ka na nagpapakatotoo?
For me, ang pakikisama ay a sign of good people skills. Gusto mong makisama at intindihin din ang damdamin ng iba para sa mas mapayapa, mahinahon at mahayahay na samahan. Tandaan na may tinatawag ding professionalism at being civil. Hindi ka duwag or tameme kung hahayaan mo rin ang iba. Choose your battle and be direct kung alam mong may kailangan kang maklaro.
the advantages of People Skills
- Connection – As I mentioned, there’s no problem sa pagiging soloist. May magaling na magtrabaho na mag-isa pero in general we all need other people in our lives. Life would be easier if you know who to ask for help/ service/advice. Madalas hindi sa bihis o lengguwahe lang nadadaan para komonek, kundi sa paraan ng pag-approach. Kaya nga hindi puwede sa customer service, ang hot tempered at hindi flexible. Pero alam mo talaga Friend, kailangan mo ng connection kung nasa business, marketing, sales, at production ka.
- Courage– Para sa akin ang lakas ng loob ay isa sa pinakamagandang asset kung magagamit ng tama. If you have people skills, hindi ka lalabas na mayabang kundi in control or baka influencer pa nga. Hindi ka mag-aalinlangan na mapahiya, ipresenta ang iyong talento/ serbisyo at mahihirapan na makipag-negotiate (trabaho/ business). Isa pa mas magiging risk-taker ka kasi alam mong kaya mong bumuo at palakasin ang iyong support system.
- Control/ Competent – Ayoko ng competition for the sake of competing ( that’s competition trap), however I think kailangan mo maging competent ( not necessarily competitive) and as much as possible in control to achieve your goals. People skills can help you to be in control of your time, money, and outside noises. Mahihindian mo ang isang alok ng tao nang hindi ka mag-aalangan kong masasaktan mo s’ya. Ganun din , kung maayos mong naipapahayag ang iyong saloobin sa isang tao na ibaba o itaas na level.
Samantala narito ang isang kakatwang kwento ko nang ma-test ko ang aking
People skills sa kampanyahan
Naranasan ko ang mangampanya para sa isang independent candidate for baranggay election. Isa sa iniiwasan kong topic ang politics pero dahil naniniwala ako sa potensyal at kumbinsido ako sa intensyon para makapag-public service ng kandidato kaya sumama ako. Pero paano ko naman kukumbinsihin ang iba para maniwala sa pinaniniwalaan ko?
Sa pangangampanya ko, humiwalay ako sa grupo n’ya kasi may sarili akong diskarte. Binalikan ko ang lugar kung saan marami akong kakilala kasi naroon ang karamihan ng aking mga kaklase. I am very thankful na sinamahan ako ng mga dati ko ring classmates na mga nagsilbing bitamina ko sa pangangampanya. Dalawa ang naging target namin ang mag-campaign at bumuo ng reunion.
Positive naman ang result especially yung sa reunion at nadamay na rin ang pangangampanya ko. Puwedeng naging obvious ako pero hindi naman hard sell ang dating. Basta ang target ko lang naman ay paglalagyan ng tarpaulin ‘yong mga bahay ng classmates ko. Kinulang na nga lang talaga. And napaka-hospitable naman nila classmates kasi punung-puno ang katawan namin ng caffeine kasi halos lahat binisita namin ay pinalaklak kami ng soft drinks o kung hindi man ay iced tea (kasama na nga pala doon ‘yong teacher namin na nagbigay sa amin ng mga ginuntuang aral). Nakakatuwa rin ‘yong kamustahan at pagbabalik sa nakaraan.
Promise, deadma kami sa paglalakad ng ilalim na tirik na araw dahil sa kwentuhan at mga plano. Ganito pala kapag nag-oorganisa ka ng isang event. Sana lang ay hindi ako mawalan ng passion dito at mag-work out. In fairness, malaki talaga ang naitutulong ng social media sa pangangampanya at pagtatawag. Facebook na nga lang ata halos solve na ako. Pero siempre kailangan ding ma-cater ‘yong ‘di ma-Facebook at iba pa rin ang personal approach. At saka kilala ko sila, paano dun sa iba na stranger ako sa kanila?
Sumama rin ako sa kampanya sa ibang lugar na awkward talaga ang feeling. May inabutan kami ng leaflets na grupo ng mga kalalakihan at may nagsabi “wala bang pang-merienda ang kandidato n’yo” Naghuhumiyaw ‘yong thought bubble ko, “mukha mo magtrabaho ka para may kainin ka.” Kahit si Pres. Noynoy ang kasama ko sa campaign na ‘yan hindi ko hihingan para may ipang-merienda ka. Then may isa rin akong pinuntuhan, kinukuwento n’ya kung gaano kahirap maghanap ng trabaho ang kanyang mga anak at alam n’ya na maiging pahalagahan ang pagkakaroon nito sa hirap ng buhay. Hay sana lang maging maganda ang outcome ng people skills ko as in ma-convert sa votes at reunion.
Pingback: Salamat 2010 | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
Pingback: MY CHRISTMAS WISH THIS YEAR: A NOKIA C7 | aspectos de hitokiriHOSHI
san ang celebration?
panalo, diba!
hindi e. wala ka kasi, choz!
pero fun yung experience at nakakataba ng puso yung mga taong taos-puso ang suporta.
on a more positive note, hindi naman kelangan ang posisyon para magserbisyo diba
yun naman talaga ginagawa ni kuya dati pa
kaya mabuhay pa din sya
sige na
pati ikaw na din
hehe
tama ka dyan ka raft3r, pag tumakbo ka sabihin mo lang sa akin. susuportahan din kita. hehehe
pero alam mo magulo sa pulitika masisira ang guapo mong mukha. sige ka! hehehe
naku
pang-artista lang talaga ako
tanong mo pa ke tita becky
nyahaha
btw, maalala ko lang
dahil sa kaso ni junjun
inaway ko ang insurance
sinabi ko pa sya ng “ikaw, kulang ang people skills mo!”
galit talaga si raft3r
hehe
oo ni sa dreamland at wonderland di ko ma-imagine nasa arena ka ng pulitika.
oh talaga? taray ha! hehehe
mabuhay!
Hahaha! Ganun talaga dapat. Para malaman nila na pati ibang bahagi ng katawan nila, may gamit.
tama ka dyan ng bonggang-bongga
“Mukha mo magtrabaho ka para may kainin ka.”
Hahahaha! Barangay elections na nga lang, naghahanap pa ng magpapakain! Iba talaga, andaming tamad sa mundo.
sinabi mo pa! mga lalaki na malalaki ang katawan pa man din. sarap paghahampasin ng payong sa ano… hehehe
nang magtanda
Pingback: People Skills | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI