Amazing Show @ Manila Film Center


Amazing Show  Philippines MarkerFamiliar na ako sa Amazing Show na na-feature noon sa isang docu show. Ang Variety show/ Theatrical play na ito na pinagbibidahan na mga hindi mo akalaing transgender and transvestites ay sa Manila Film Center pala ipinapalabas.

Alam naman natin na isa sa creepy places sa Manila ay ang Manila Film Center and the last time na napadaan ako doon ay parang abandonadong lugar na sobrang mag-iisip ka ng nakakatakot na bagay. Pero nung nakapanood ako ng show (by the way, Thanks to Pao!), hindi mo na aalintanain ‘yong history  o kalumaan niya. Mabuti na rin yung may mga tao na gumagamit ng place kasi sayang.

Tama yung nakausap namin na grandyosa talaga ang show. From costumes, sets and even yung concepts hindi talaga basta-basta. Siempre mapapahanga ka rin sa mga performers especially sa kanilang itsura. I know na may magagandang bading pero sila ang gaganda talaga parang ako pa nga napaisip sa sarili ko kung katawan ko ba ay pambabae e. hehehe!

HawaianHalaw daw ang ideya ng Amazing Show sa Tiffany and Alcazar show sa Thailand. Hindi man siguro mapantayan sa kabonggahan ng sets eh panalo naman sa look at showmanship ang performers natin. Isa pa sa show, hindi iisa ang ipinapakitang view as in para siyang production numbers sa That’s Entertainment every Saturday. Kaso sa Amazing hindi lang from Monday to Friday group kundi pang two weeks kasi 12 sequences ata ang mayroon dito. Mayroon silang pang Broadway, traditional and ballroom. Pero ang isa ikinahagalpak ko talaga ng tawa ay ‘yong Japanese sequence kahit lip-synch lang.

Sana’y na sanay ang mga performers na makipag-interact sa audience nila na mostly ay mga Koreans. Nung pumunta nga kami noon ay kami lang ang Filipino roon.  Sabi naman nila ay initially for Korean market ang set up pero ngayon okay na sila sa ibang nationalities at siempre para sa ating mga Pinoy.

Hindi ko alam ang ticket price nila pero siguro malalaman or makakapagtanong kayo sa amazing-show.com.  Sinuwerte kasing nalibre ako ng panood doon hehehe. Masaya siya ‘pag grupo kayong manood at  maigi rin na may sasakyan kayo pauwi pero carry naman lakarin hanggang highway. Basta  iba ang feeling ko nung nandoon ako sa Manila Film Center at nanood ng Amazing Show. Exciting at nakakatuwa yung mga performers.

Mabuhay sa ating mga Filipino Talents!

Patalastas

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

16 thoughts on “Amazing Show @ Manila Film Center