Honestly, na-surprise ako sa sarili ko after kong pillin itong film na ito over sa mga certified favorite action films ko. hindi naman ako ganoon kahilig sa mga musical films but for a change and for curiosity sake kinuha ko nga ito.
For all of you na like me na may extra factor kapag may kilalang actor sa panonoorin, puwes madi- disappoint kayo dito. Dahil wala ni isang artista dito na kilala ko. Ni hindi nga rin ako nagagandahan o nagagawapuhan sa kanila. Pero if we’re talking about talent and acting, aprobado naman! Sorry din di ko rin alam ang tungkol sa musical version nito. Hehehe
Sa lahat ng singing part, pinakagusto ko yung Tango Maureen. Ganda ng struggle between joanne and mark para lang kay Maureen. Wini-wish ko pa nga sana sila na lang sa bandang huli eh. Ganda rin ng effect noong sayaw at yung batuhan nila ng linya.
Sa boses, gusto ko yung kay roger at mimi. And I think yung gumanap na mimi magaling talagang gumiling. Walang inhibition si lola at uma-awoo pa sa kalye ha. Yun nga lang distracted ako sa death scene n’ya kuno na parang wala lang. nilapag sa mesa, iniyakan at nagbangon ang patay.
Sa love teams – gusto ko yung kina angel and tom. Kung may ganoon sa totoong buhay marami sanang umiibig ng walang pag-aalinlangan. Sa character, pinakamakatotohanan for me yung kay joanne. Ikaw na ang umiibig ng isang flirt na babae, sikat, maganda (daw) at tomboy ka pa. Yun nga lang hindi siya convincing na lawyer. Kung totoo s’ya at ganoon ang packaging, hindi ako lalapit sa kanya para i-represent ako sa korte kundi gagawin ko na lang na manager ‘pag nag-apply akong performer.
Sorry ha, pero hindi ako gaanong nagandahan sa buong film lalo na sa flow. Hindi naman ganoon sa hairspray, nine at kahit sa live pa na zsa zsa zaturnah. Parang okay, tina-tackle mo ang aids, sexuality and drugs. Magaganda ang punto pero ang pangit ng pagkaka-deliver para sa akin. Baka nga sa pagtagni-tagni nagkaproblema at may pagka-plastic. Ewan kung ganoon din sa stage play.
Naisip ko pa nga noong una, kaya siguro iniwan ni Maureen si Mark eh kasi mas sigurado siyang mas masculine dito si Joanne. Parang sa galaw kasi ay malapit-lapit ng lumadlad ‘yong gumanap kay Mark. Pero mukhang cute naman yung actor, ayeee!
Rate: 3/5 ice creams
kaya nga naglagaw ako ng “(daw)” sa description sa kanya. ewan bat hindi ko nagustuhan yung solo performance niya na may kinalaman sa gatas. hehehe
Nalimot ko rin palang sabihin na hindi ako nagagandahan kay Maureen. LOL.
@tim – oo maganda nga ang mga songs dito, nakaka-inspire.
wala pa lang akong chance para i-check. hehehe
@eloiski – naku girol kong trip mo talaga, go ka. ang aking sinabi naman ay sarili ko lang opinyon at maaaring yung di ko trip ay okay naman sa iyo.
oo maganda at sikat nga yang kantang yan. marami ang nagsasabi.
mabuhay!
Fave songs ko ang mga ito:
Seasons of Love
Seasons of Love B
I’ll Cover You (Reprise)
Rent
Will I
ay oo dito nga.ito ang unang kakantahin. yung 525, 600 minutes (tama ba?) hehehe
hi Jennifer and welcome sa Hoshilandia Jr.!
movie siya girl na adaptation ng isang play na same title. ako okay lang panoorin pero kung may ibang genre like rom com, sci fi and drama, iyon ang mga pipiliin ko.
hmmm sa stage play okay lang din. last kong napanood na play ay yung Zsa Zsa zaturnah ni Eula Valdez sa may CCP ata yun. gandaaahhh. hehehe
thanks sa pagdalaw! balik ka ha! mabuhay!
hala! parang nadiscourage naman ako magbasa! kaasar naman yan! hahaha!
pero sabi ko nga, mukha nga atang maganda pa rin kaya papanoorin ko dahil hilig ko naman talaga ang mga musical movies.
at saka love nalove ko ang seasons of love!oh yeah!
Sa pelikula bang ito ang “Season’s of Love”? Kasi pamatay yung kantang yun 😛
@raft3r – ako rin e, tina-try ko lang panoorin para naman may iba pa akong alam. hehehe
yang wife mo? dapat sa kanya ay zsa zsa zaturnah.. hehehe bagay sa kanya. hehehe
@len – sure, anytime! exchange tayo heheheh
naku
di talaga ako mahilig sa musical
pero ibang usapan na pag si misis ang gumawa ng ganyan
hehe
di ko pa napapanood iyan. so paano pahiram na lang ha. hehe
ah ganun ba?! hindi ko talaga sila kilala e. sorry.
pero yung mimi, talented naman. kaya mabuhay!
Hindi kilala yung mga artista dito kasi lahat sila (pwera si Rosario Dawson [Mimi], na lumabas na sa MIB2, saka Seven Pounds) ay galing sa original broadway cast. Si Taye Diggs (Benny) pala, meron ding ilang mga pelikula to his name.
musical? wala akong hilig sa ganyan. High school musical napanood ko? anu bang title nung pinanood mo? stage play musical?.. mahilig ako sa theater kasi laghi ako nanonood nung college. Pero more on acting skills gusto ko. lalo na sa Dulaang UP.