Alam mo ba na hirap ako na i-explain kung bakit hitokirihoshi ang name ko? Iyan ay kung sa malalim at hindi literal o kalokohan na usapan. Parang ano ba gustong malaman ng taong nagtatanong sa iyo ng kumusta ka na? Saan ka na ngayon? Ano ang mga pinagkakaabalahan mo at ano ang interes mo?
Sa bagay noong simula ay malabo rin naman. Basta gusto ko lang pero madalas kung ano pala talaga ang pinipili mong name ay pwedeng-pwedeng maging ikaw. Itong post na ito ang kauna-unahan kong post sa website na ito. (oo in-update ko lang ngayon). So balik tanaw ako sa…
The Hitokirihoshi a few years ago
“Sabado (February 6, 2010) ay inabot ako ng halos mag-hapon para lamang sa paglilinis ng aking mesa at mga papel na naglabu-labo na sa pagkakatabi. Sabihin na natin na nagde-declutering ako may itinabi ako kasi kailangan, mayroon mapapakinabangan pa, mayroong mukhang puwedeng itago pero okay lang ding itapon na.
Hitokirihoshi…I am Slasher all along
Samantala, isa ring problema ang pagsama-sama ng mga magkakaparehong tema. Mahilig din kasi ako magtago ng articles, pictures, at mga print outs ng iba’t ibang bagay na nakakapukaw ng interes. Mayroong for business, pang- career, pang beauty and wellness, hobbies at kung anu-ano. Alam n’yo ba kung ano ang naka-solve dun. Ang isa kong lumang plastic folder o clearbook na puwede namang lagyan ng notes para ma-distinguish kung anu-ano ang nilalaman nito.
Sabi ko, puwede namang pa lang i-folder na lang ang natatambak ng papel sa aking mesa na minsan ay kinaikailangan kong gamitin. Napagtanto ko rin na, marami nga pala akong gustong gawin. Pero nahihirapan ako na gawin o tuparin dahil maliban sa matrabaho ang mga ‘yon, ay magkakahiwalay din ang mga notes ko.
Ang punto lang ay kung na-organize ko na siguro ang mga notes ko ay baka marami na akong natrabaho o natapos at walang nasasayang na panahon o nakakaligtaang gawin.
Hindi nga ba’t, nakakapanghinayang na bumibili (tipid tip 101)ka ng bagay na mahal na iyon pala ay mayroon ka na kasi hindi mo lang napapansin. Sayang sa oras, pagod at pera.
May kinalaman din ito sa pagbabahagi ng aking sarili, online. Would you believe that I maintain 2 Friendster accounts, one Multiply, one Facebook, one hi-5, and two blogs sa WordPress? Hind ko pa isasama d’yan ang apat na email na mayroon ako at mga abandonado ko ng account sa myspace, tagged, at iba pa.
Mayroon akong mga personal na kadahilanan ba’t ko ginagawa ang mga ‘yon at mahilig talaga akong i-segment ang mga bagay-bagay sa akin. Hindi puwedeng nasa iisang taguan at lalagyan. Sa totoo lang ay nakakalito at kailangang mag-effort, pero ganoon talaga hindi puwedeng makuha ang lahat sa akin. Wahahaha!
Pero gaya ng bawat aspeto ng ating buhay, magkakasalungat man ito ay iisa rin ang pinakadulo, ang gawing maligaya o makulay ang buhay. Hayaan n’yong buksan ko ang bawat aspetong ‘yun sa website na ito. Sa paraang makapagbibigay din ng entertainment and awareness.
Nais kong pasalamatan si Salbehe para sa pagbuo ng site na ito, na matagal ko ng pinag-iisipan pero madali niyang nadali.
Mabuhay!
Hitokirihoshi”
Hitokirihoshi after 8 years
- abala at ma laman na rin ako sa Youtube Channel ko (subscribe ka dali! )
- Tuloy ang marami kong niche hahaha- Multipotentiality
- Di na ako updated sa Friendster, sarado na ang Multiply, at di ko alam kung may Tagged, Stumbled Upon, at Myspace pa. Ang sure ako wala na Google Plus. Pero alam ko na ang Fan Page, Twitter Analytics, Tumbler, LinkedIn at iba pa
- Tradigital pa rin ako
- Medyo naiba na mindset ko sa pagba-blog at paggamit ng social media
- Inihatid ako ng pagbaba-blog para mas malaman ang tungkol sa business, personal finance, blogging, ecommerce, arts, culture, at pwede kong maging misyon.
- Nagdadala ng saya at saysay ang Hoshilandia sa akin. At nagkakataon pa sa mga panahon na akala ko down ako.
- Nakakapagbigay pala ako ng tulong, inspirasyon, at kasiyahan.
Sa lahat ng bumibisita, interesado, sumusporta, at naging kabahagi ng blog life ko maraming salamat! Ngayon mas kilala ko na sarili ko at mas kaya ko na s’ya explain. hehehe.
oo masaya talaga. hmmm hindi si salve na avi ang tumulong sa akin, si salbehe.
ang saya naman dito
teka
kelan kaya ako gagawa ni salve ng site?
nyahaha
naku inaaral ko pa yung pag-i-import at export, naibigay naman na ni salbehe yung process. medyo atrasado lang kasi ako sa mga ganyang kabagayan. mabuhay!
mabuhey ako! hakhak! si ate salbe nisabi niya sa akin eh! hakhak!
yung dun lang sa blak3nwayt.. yung inimport ko mga files ko… pero yung eloiski na wordpress ko… ayun version 1 na lang siya… hakhak!
hahaha ah ganoon ba?
ako nasa point pa kung ano ang guston gawin. pagsasanibin, gagawa ng panibago para sa ibang market o anu pa… hehehe
mabuhay! okay lang yang wala pa, wag magmadali gawin kung ano ang carry.
hitokirihoshi, ako din ang salarin kung bakit ka natagpuan ni Eloiski. 😛
Basta ako tinatamad ng mag-export-import. Kaya bagong bago ang bahay ko, as in walang laman. 🙂
aba paano mo ako nahanap? hehehe
kakasimula ko lang yesterday at parang pini-prepare ko pa ang mga kabagayan bago ko i-reveal sa isa KPNHH na may hoshilandia.com na. kailangan iba ito doon or pagsamahin ko na. ayoko rin kasi iwan yun, sayang ang mga na-accumulate kong links, friends and hits. hehehe
oo nga, ala ko matatgal ka ng duma-dot.com
at oo pareho tayo ng rason bat kailangang madaming eklabu para kalat-kalat ang information natin. wahehehe
oo girl history ka. hehehe (ang kauna-unahang naka-discover na may hoshilandia na si hitokirihoshi).
part din ba ako ng history? pangalawa akong nagcomment!
yeheyyyy!
nakadotcom ka na rin ate! ang sayaaaaaaaaa!
weeee!
ako rin marami din akong account sa http://www... may facebook, may multiply, may blogspot, may tabulas, may i.ph, may livejournal para kung saka-sakali yung mga nag-iistalk sa akin eh mahirapan ako hanapin… wahahahaha!
thanks Len! history ka na, dahil ikaw ang kauna-unahang nag-comment. buhahaha!
mabuhay!
Wow, wow, wow!
Bravo, Bravo, BrAvo!
Binabati kita sa iyong bagong tahanan at ako’y masaya dahil alam kong matagal mo na itong gusto.
More hits to come. Aja! :p