My (most embarrassing) Shoe story


Garden for fashionistas and tripper Marami akong embarrassing moment pero ang isa sa di ko talaga makakalimutan ay yung sa shoe story  ko. Ganito ‘yon…

 Noong College, mayroon akong mala-elevator and bulldog shoes na ginagamit ko everyday sa school. Minsan, nai-intimidate ako dito kasi ‘yong sa mga kaklase at schoolmates ko ay magaganda at pang-porma talaga.

Subalit, I am vindicated sa pagamit nito especially during rainy days or kung may matubig na daanan kaming pupupuntahan. Ikaw na ang magkaroon ng barkong sapatos ika nga.

Pero gaya ng barkong Titanic, my ship shoes were also sinkable at nangyari pa ito sa first day duty ko as Peer Counselor sa aming Counseling and Testing Department. That day, nag-iingat na talaga ako sa pag-akyat sa overpass sa Morayta kasi umulan at basa ang daan.

Ang nangyari ay limang baitang pababa ay nadulas ako at sumadsad talaga. Nakakahiya kasi pinagtinginan ako ng mga tao, pati nga ‘yong binibilhan ko ng mani o mga junk foods tawa ng tawa.

Embarrassing moment talaga kasi, I was wearing my all new white uniform kasi nga sana I wanted to impress sana on my first day, pero iyon naging madumi.   Na-realize ko lang na dahil sa shoes ko kung bakit ako nadulas noong mangyari ulit ‘yun sa canteen namin. Doon ko napansin na masyado na palang gasgas ang suwelas at hindi na kumakapit.

After noon, bumili na ako ng bagong shoes at ‘yong mababa na.  Napansin ko rin kasi lumaki yng muscle ko sa binti kakagamit ng mabigat na sapatos na ‘yon.

Note: this is my entry for The RED SHOES STORY contest of Unitel Pictures.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “My (most embarrassing) Shoe story