Hoshi: The Ice Cream slayer


Luxury for me ang pagkain ng ice cream.  I can live without it pero kung bibigyan ako ng pagkakataon na pumili ng makakain ay isa ‘yan sa nangunguna

ice cream versus cake? Ice cream

ice cream versus burger? Ice cream

ice cream versus pizza? Pakurot ng pizza then sa’yo na at akin an ang ice cream

ice cream versus Tuna/Pesto Pasta? Ice Cream ‘pag di ko kilala ang nagluto

Love Dessert ice creamice cream versus palabok or pansit?  Ice Cream (5x)

Ice cream versus chicken macaroni salad? Ice Cream

Patalastas

Ice Cream versus Champorado? ‘Pag pagkasarap-sarap, Champorado

Pero hindi lahat ng flavor ng ice cream ay trip ko. Ayoko, sa Halo-Halo flavor. Hindi rin kasi ako mahilig sa mga fruit cocktail at nata de coco.  Hindi rin ako mahilig sa pagko-cone. ‘Wag n’yo na tanong kung bakit? hehehe

Huwag n’yo na ring tanungin kung anong flavor ang gusto ko kasi madami akong sasabihin. Ang pinaka-latest na gusto ko ay Choco Brownies Hazelnut ng Selecta.  At may mga ice cream na hanggang 2 cups lang ako kasi nakakaumay din ‘pag dinamihan like yung cookies and cream at ube. Pero kung libre at akin lang sige uubusin ko na nga.

Hindi ko alam eskakto kung kailan nag-start ang pagkahumaling ko sa ice cream pero I remember noong bata ako siguro around 2 or three years old (oo hindi pa ako nag-aaral noon), ay nagdala si Daddy ng isang malaking Ice Cream na kulay green ata ang kulay. Tuwang-tuwa sa galak kaming magkakapatid. Pero sa bahay pinagbabawalan ako madalas ni Manang Juling kumain. Bukod sa nauubusan ko sila ay nasa lahi namin ang pagiging diabetic.

Kapag  nai-stress o depress-depress-an, kakain ako ng ice cream – (nakaubos na ako ng isang  kalahating gallon in five hours)

Kapag nawawalan na ng idea – kakain ako ng ice cream – bumabalik paunti-unti

Kapag hindi nagpa-upsize – automatic may sundae (by the way, straight choco fudge lang ako kung hindi ‘yon ay mcflurry. iba kasi lasang gamot na)

Sundae Mcdo o jobee? – Mcdo mas ma-cream kai kaysa sa isa na mas magatas (don’t worry Jollibee pagdating sa burger sa iyo ako)

Marami nang nag-suggest sa akin an i-try ang kung anu-anong brand at ice cream parlor pero hindi ko masyadong pinapatulan. Ang point ay back tayo sa basic, luxury sa akin ang pag-a-ice cream. Pero bibigay naman siguro ako kapag may pera at tamang trip.

 

Kaya nga noong nakaraang Thursday noong napadaan kami sa Yoshi. Na-attract ako sa mga nakita ko at itong isang kasama ko ay lumapit pa talaga. Ayun bumigay ako (the Ice Cream Slayer) hehehe ng bonggang-bongga.  At siempre dinamay ko sila, alangan naman ako lang ang gagastos no.

(Visited 307 times, 1 visits today)


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

14 thoughts on “Hoshi: The Ice Cream slayer