Movie Review: Julie and Julia


Maraming idea ang nag-knock-knock sa diwa ko habang-hanggang-matapos kong mapanood ang based on two true stories film na Julie and Julia na pinagbibidahan nina Meryl Streep and Amy Adams. Ang mga iyon ay tungkol sa pagluluto, pressures, trip na partner at blogging.

Credit: Julie & Julia/ Columbia Pictures

Blogging – ang pagba-blog ay isang journey gaya ng ipinakita sa movie. It all started sa iyong aim na mai-share yong ideas mo at may ma-fulfill ka sa sarili mo (whatever man ‘yon). Sa case ni Julie ( Amy Adams), ang gusto niya ay mailuto ang 524 recipes sa book ni Julia in 365 days (=one year). Ginawa niya ‘yon kasi gusto niyang magkaroon ng diversion sa boring niyang routine, especially pa nga na hilig niya ang pagluluto.

Like Julie Powell (her original blog- http://blogs.salon.com/0001399/), gusto natin na sana ay may pumansin sa ating mga sinusulat (hits & comments). May time na may disappointments and discouragements. And kapag pumi-pick up na ang blog nagkakaroon ng pressure. Pressure na gaya ng sana ‘yong next entry mo okay sa kanilang panlasa or engage na engage ka na sa blogging. Na minsan ay nakakalimutan mo na ‘yong identity mo (why ka nag-start mag-blog) at mga dapat gawin sa real world. Yes tama ang sinabi ng husband ni Mrs. Powell, na pangit o maganda man ang i-share mo sa kanila. Ikaw ‘yon e at makaka-get over naman ang iyong readers. Magko-continue pa rin sila sa kanilang buhay.

Cooking – hindi ako talaga enthusiastic sa topic na ito, except kapag natikman ko na yung pagkain at mukhang madali namang gawin. The revelation, wala pa ako nata-try kahit isa at ang gusto kong unahin, sunod sa Tuna Pesto Pasta (na ipinapaturo ko kina Jovy, Len at Ate Tet) ay ang pamatay kong Champorado.

I have reasons why I don’t cook. Marami akong kapatid (lahat sila marunong) na tagapagluto ko, plus pa siempre si Manang Juling. One time I try na magluto, pinagtawanan ako ng mga kuya ko. Hindi ko naman sila sinisisi, kasi unang-una nga ay wala akong hilig. Pangalawa na lang ‘yong factor na baka mapahiya lang ako ‘pag ‘di masarap ang pagkain. Eh I understand sa isang cook, nakakababa ng self-esteem kapag nasasayang ang niluto mo. Pero siguro unti-unti ay nagkakaroon na ako ng drive na magluto. Hindi dahil para sa iba kundi para sa akin (as I said, hindi ko kailangang magluto sa bahay) kasi malay natin mangibang bansa ako at all by myself na ako.

Pressures – ang tinutukoy ko dito ay gender and age pressures. Medyo pagdating kasi sa women empowerment talagang pumupintig ang nerves ko sa brain (wala pa naman akong balak sumali sa Gabriela). Naintindihan ko naman ang mga limitasyon pero kapag ipinadama talaga na loser ang mga babae ay gusto kong patunayan na HitokiriHoshi is a gangster (from the movies Wife is a Gangster and My Sassy Girl with matching Electra). Pero oo, napi-pressure din akong umastang babae (‘yong conventional) hindi nga lang halata at ayokong i-sink sa sarili ko.

Sa age, matagal na akong pressured. I believe (hindi lang ulit halata) na maaga akong nag-mature iyon nga lang ay may pagka- passive ako. Mayroon akong goal sa bawat panahon.

Patalastas

Partner – Ang isang bagay na common at lucky sina Julie and Julia ay ang pagkakaroon ng supportive husbands. Sa panonood, na-realize ko na oo nga no, ‘yong hiling na magkaroon ng supportive na husband ay hindi naman siguro kalabisan. Actually, wala akong malinaw na ideal man kasi kahit may naiisip akong magandang traits na trip ko, I don’t believe naman na magma-materialize ‘yon lahat-lahat. Eh ‘di gawa na lang ako ng like ni Astroboy (sa akin Hoshiboy).

Oh ‘di ba isinisik ko naman sarili ko sa film. Ang masasabi ko lang ay very engaging ang Julie and Julia.  Hindi man superb ang acting ni Amy Adams, nakaka-move naman na tipong nararamdaman mo ‘yong hinagpis niya (unlike doon sa Enchanted).

Medyo annoyed lang ako sa simula sa boses ni Meryl sa simula ng film. Pero siguro nga in-internalize niya lang yong totoong Julia Child. Eh ang lola n’yo in character talaga e from head to toe. That’s why win na win siya sa ilang award giving bodies. Kung hindi nga lang umeksena ang the Blindside ni Sandra Bullock e baka guma- grand slam na naman siya. Pero aaminin ko hindi ako maka-relate sa part ng story niya.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

24 thoughts on “Movie Review: Julie and Julia

  • jube

    Tumpak Len, malaki rin ang naicontribute na suporta at karakter ng mga asawa ng bida sa istorya 😉

    Enjoy akong pinanood to, dahil nag-enjoy din si BigVer 😉

  • len

    Naituro na kaya namin sa iyo kung paano lutuin iyon, hindi mo pa tinatry. hehe
    Nagustuhan din namin iyan movie na iyan, galing ng acting ni Meryl Streep. Super bow nga din ako sa respective husbands noong 2.

    • Hoshi Post author

      akoso far sa devilwears prada pa lang ako wow na wow sa kanya. i mean kombinasyon na maganda ang acting niya at gusto ko ang character. hehehe

      kainggit no? saan ba mahahagilap yang mga ganyang lalake at magpapa-reserve ako. wahahaha

    • Hoshi Post author

      mukha nga e, super kakaiba ang boses ni meryl e. yun ang una kong napansin at pinag-isipan. kala ko boses niya ganun pag nagpi-french. hehehe

  • Joyo

    movie ba yan mukhang interesting kaso baka matulugan ko na naman… ang ganda ng pag-kakaexplain mo parang Napanood ko na rin naman…

    mejo related nga sa blog ng guest blogger ko yung iba sa paksa mo… akswali minsan ngtataka ako sa iba na nalulungkot kapag bumababa ang hits nila, kapag kumukonte ang nagkocomment sa kanila… unang-una bakit ka ba nagblog diba? siguro iba-iba tayo ng reason bakit tayo nagbablog… ako kasi masabi ang masabi… walang pattern, at wala akong dapat iplease…

    panoorin mo yung blind side… a touching movie.

    • Hoshi Post author

      yes malapit ko ng isunod yang hit na hit na the blindside na ‘yan. hehehe

      oo nga marami ang nabi-burnout kasi they trying to please and i-sustain yung mataas na hits. ako man parang dumating ako sa puntong ganoon mga one week din ata hehehe. pero sinabi ko sa sarili ko teka back tayo sa basic (talagang binabasa ko ulit ito http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com/2007/10/03/hello-world/). wala naman tayong advertiser na kailangang sundin hindi ba? heheh. ako pa rin ang first at ipini-present ko lang ang ideya ko sa ibang tao.
      pero dito sa Hoshilandia Jr. medyo may ibang aim ako. hehehe

  • jube

    hahah meron kase akong kakilala, susme! sablay sa movie recommendations, yung maganda sa kanya mapanget at yung panget eh maganda..ehem-ehem! lol!

    • Hoshi Post author

      wahahaha well may mga tao talagang naiiba ang panlasa. as in outrageous na ang hirap intindihin kung paano niya nagustuhan ang pelikulang yun. hehehe

    • Hoshi Post author

      oo hinding-hindi pa. hehehe
      thanks nga pala dito, actually noong sinabi mo na about cooking ito parang di pa ako interesado masyado. pero dahil ni-recommend tiningnan ko na rin. hehehe
      oh di ba eto at nai-blog ko na. hehehe

  • jube

    French cooking and food blogging in ONE, lufet! bahket naman hindi! ;p Sabi naman ni ka-Ver, it’s the yum factor, kung ndi nga naman dahil sa pagkain ndi nya ito pagiinteresang panoorin. Bihira akong makapanood ng food movies, yung huli ratatouille ata, sabi nga din ng dagang yan..ANYONE can cook, kaya wag kang mawawalan ng pag-asa Hoshi, aja!

    Sabi sa isang review na nabasa ko, “it celebrates butter, bravery, and believing in oneself”, a pleasant film indeed!

    Kailan ba tayo magluluto sa inyo? sabi ko naman s’yo I can help you anytime.

    • Hoshi Post author

      sige pagpaplanuhan natin yan ng bonggang-bongga kailangan naka-live streaming tayo sa youtube. hehehe at siempre blog coverage nga. hehehe

      oo nga interesante talagang itong film na ito. at okay yung switching story (eduting) hindi nakakainis. hehehe

  • Vajarl

    Pakituruan den ako nyang tuna pesto pasta na yan! AHLAV PESTO! Nakakapanlaway sa sarap! Haha.

    And I love Meryl Streep. I get chills everytime she shouts her lines. Lalo na sa Doubt. Hindi ko pa napapanuod yang movie na yan pero sana may linya syang nakakataas balahibo. 😀

    May purpose ba ang pagboblog? Haha.

    • Hoshi Post author

      sige once na makapgluto ako ng tuna pesto pasta (na tingin ko ay napakalapit na dahuil nakabili na ako ng olive oil at nakapagtanim na ng basil hehehe) ay talagang may blog coverage ito.

      hmmm may impression ako kay Meryl as a person pero as an actress no doubt na magaling sa characterization ang lola mo. hindi siya yung tipong meryl streep s lahat ng ginagawa niya. ang mapapanood mo sa kanya ay ibang tao sa kanyang katawan. which proves na magaling siyang actress. panoorin mo yong its complicated niya medyo matandang malandi naman siya doon wajajaja!

      i think and para sa akin dapat talaga mayroong purpose ang pagba-blog. hindi man para sa iba, kundi para sa iyong sarili. ito yung sa akin
      http://kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com/2007/10/03/hello-world/

      • Vajarl

        Talagang nagtanim kayo ng Basil? Sushal! Hahaha. Sige hihintayin ko yang coverage na yan. Gusto ko tuloy kumain ng pasta!

        • Hoshi Post author

          oo suwerte may nagbigay sa akin ng halaman. eddie go -go na. hehehe
          una kong natikman yang pesto pasta sa world chicken nasarapan kagad ako.

    • Hoshi Post author

      puwede, mamumuti ka pag natikman mo hahaha. ei, talagang paghahandaan ko ang pagluluto niyan gusto ko yung dekalibre ang mga rekado ko. numero una na dyan ang cocoa / tablea from batanggas.

    • Hoshi Post author

      hahaha, akala ko pa naman mahuhulaan mo bat may j kunwari. ok lang better luck next time hehehe.

      teka napaisip ako kung mahilig ba ako sa J? hindi naman masyado iba-iba ang trip ko e. hehehe
      puwede ring
      Jennifer Garner, Jang Nara, JUno and Jane…Smith hehehe

  • eloiski

    nasa listahan ko ang movie na to eh. di ko pa nga lang nauumpisahan. bibilin pa lang. ahay!
    hindi ko hilig ang pagluluto pero kapag peborit ko yung food pinipilit kong aralin kasi syempre para kapag tomguts ako at tipong nasa ibang bansa na ako eh atlis may malalamon ako. wahahaha!
    basta mahirap sumikat. nakakapressure. okay na muna ako sa ganitong klase ng pagbloblog, mas may freedom ng kaunti. hakhak!

    • Hoshi Post author

      so pareho pala tayong open na mangibang bansa kaya mag=-aaral tayong magluto. wahahah appear ulit!

      korek, ang hirap pag ikaw ang nasa limelight. parang hinihintay ka na lang nila madapa at conscious na conscious ka sa bawat galaw mo.hehehe
      siguro nadama na natin yun pareho so many times pa. hehehe

      oo ang freedom at privacy ay hindi ko ipagpapalit.