Movie Review: High School Musical


Dahil sa pamangkin kong addict na addict sa palabas na ito at reluctant pang aminin na crush na crush niya si Zac Efron, eh  parang unti-unti nagugustuhan ko na nga itong High School Musical na ito ng Walt Disney na pinagbibidahan din nila Vanessa Hudgens, Ashley Tisdale, Corbin Bleu, at Lucas Grabeel. Pero ang paborito kong character dito ay si Kelsi Nielsen na ginaganapan ni Olesya Rulin.

Ok fine for expulsion na ang pagka-late ko sa panood ng pelikulang ito. Pero actually 2006 pa ako aware dito kasi…secret (We’re All In This Together). Natuwa lang ako noon na malaman na may dugong Pinoy pala si Vanessa na ang Nanay ay Filipino-Chinese. Bukod doon para sa akin ay hindi ko masasakyan ang takbo ng istorya at kadramahan dito, ano ako high school?

Pero sinamahan kong manood ang aking six years old niece sa panonood ng High School Musical  1 & 2 na-appreciate ko yung mga songs and acting nila especially yung kay Ashley at Zac. Amazing, ang performance ni Zac kasi kahit sabihin natin na overdub daw ang kanyang boses dito hindi mo naman maikakaila ang acting prowess ni utoy na oozing din naman sa kaguwapuhan. Hindi ko lang siya type lalong-lalo na kung ngangang-ngaga na ang kanyang bibig kapag kumakanta. pero I declare na team Zac ako kung ikukumpara siya kay Robert Pattinson.

Anyway, typical pa rin naman ang takbo ng istorya nagkaroon lang ng magandang execution because of superb acting, dance steps, inspirational songs at cool production designs or effects. Gustong-gusto ko ang performance ni Ashley (as Sharpay Evans) sa HSM 2 kung saan niya kinanta ang Humuhumunukunukuapua’a. Ang saya-saya lang hehehe!  saka yung bad trip siya tapos bago lumabas ng room ay humingi pa siya ng drum beat.

Teka bakit ko nga ba nagustuhan si Kelsi Nielsen at paanong nakaka-relate ako sa kanya? well, unang-una hindi ako pianista at hanggang kalokohan lang ang pagko-compose ko ng kanta. Ang siste lang siguro kasi ay noong high school ako yung tipong gaya niya na magaling (ahmmmm) pero hindi kailangang papansin. May nakakabangga pero hindi ako masyadong pumapatol sa kalaban kasi kusa silang luluhod para hingin ang aking awa. (joke lang OA na yon). Kung sa pananamit may pagkakahawig din ang aming style although sandali lang ako nagsalamin at malamang medyo ganun din ako mag-dialogue gaya niya, sumusundot sa mga bawat salita (may ganon talaga.)

Mas maa- appreciate ko pa siguro itong palabas na ito kung sumabay sa taon noong high school ako or kahit college.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

21 thoughts on “Movie Review: High School Musical

  • eloiski

    alam mo ate hoshi. hindi pa ako nakakapanood ng HSM. at parang ayaw ko ata. kasi kasi kasi ayaw ko sa pagmumukha ni zac efron. maygawd. i hate him. hindi ko alam kung bakit. basta ayaw ko sa kanya. hakhak!

    pero nabanggit mpo ang isang karakter na si Kelsi Nielsen. mukhang interesante ang role. pero di pa rin ako manonood nito. andami ko pang tambak na anime dito…

    speaking of anime… handa ka na po bang palayain sila questors mo?

    • Hoshi Post author

      oo eloiski malapit na.

      talagang galit ka kay zac ha? hehehe! ako di ko trip ang mukha niya pero tingin ko may itsura rin. talented talaga yang bata na yan para sa akin. mahirap ang kumanta (kahit lip sync) at umarte ng sabay then graceful pa. pero di kita pipilitin hehhe kanya-kanya tayo ng trip. talagang nahila na ata ako ng pamangkin ko dito.

    • Hoshi Post author

      hehehe ibig sabihin may gatas pa sa labi si salbehe? hehehe

      siguro talagang talented kasi itong mga artists dito saka carry na ang mga churva ng anilang generation. hindi pa rin nalalayo sa atin.

  • jason

    hindi ko pa na try pamangkin na manood nito… pero dahil sa review mo, baka mapilitan akong manood o mag hintay nito sa cinemax o hbo. hoohohoh

    hi pamangkin..

    at nakaka shock may HSM 2 pala

    wala talago ko sa trend. lol

    • Hoshi Post author

      don’t worry tito magkasunod lang natin na-discover ang mga kabagayan na ito. at mabuti na lang hindi na ito kagaya dati na kapag na-miss mo sa theatre ang tagal pa ng chance na mapanood mo. hehehe

      mabuhay sana magustuhan mo rin!

  • Vajarl

    Ako crush na crush ko ren si Zac Efron! At oo, pinanuod ko ang HSM! Kahit na nakakahiya sa sariling balat! Hahaha.

    At nakakasuka si Robert Pattinson. Amsosuri. Bohaha.

  • kayedee

    ako din late bloomer eh!sobra! ahahha!
    sus laht nman ata ng mga kabaatan eh adik jan sa high skul musical na yan! ehehe!!

    elow hoshi!=)