Kung may isang basket ng mga prutas na naglalaman ng apple, orange, grapes, at citrus aurantium, ang kakainin ko lang ay ‘yong huli. Ito ay dahil hindi ko trip ‘yong mga una. Mas trip ko lang siguro ‘yong maasim at madaling mabili ng aking bulsa.
Pero parang magkakapatid ang turing ko sa suha, orange, poncan, citrus aurantium, at kalamansi. Sa mga ito, yong orange at poncan (teka ano nga ba ang pagkakaiba?) na nga ang di ko kinakain. Pinakapaborito ko ang suha (Davao) sa magkakapatid na ito pero pinakalagi kong natitikman ay kalamansi. Siempre bilang sawsawan at panimpla. Pero pag talagang inabot ako ng topak ginagawa ko siyang prutas na dinikdik talaga sa rock salt. Oo mas gusto ko ang rock kaysa iodized.
Ang gusto ko sa citrus aurantium ay ang tamang asim nito. Sa orange kasi lasang hinog na hinog na papasa na halos na matamis. Mas madali rin itong mahanap at malabo kang malinlang. Hindi nga ba’t marami ang nagtitinda ng suha at sinasabing suhang Davao ang mga yon pero once na kagatin mo na ay pagkapait-pait.
Ang citrus aurantium rin ang kapalitan ng pagkain ko ng santol at mangga. Mas maasim mas maganda. Feeling ko nga dahil sa hilig sa mga ito ay lumalakas ang aking vitamin C sa katawan. Kaya naman hindi ako madaling sipunin at ubuhin. Pero pagdating sa sakit ng tiyan hindi ko na alam kung isa ang mga ito sa culprit. O s’ya-sya citrus aurantium is ___(click mo yong photo) in Tagalog and sour orange in English. Ang tanong ko na lang ay ano ang pinagkaiba nito sa dalanghita?
dalanghita pa rin ako na sinawsaw sa asin o kaya patis. 🙂
yan pa din po ang aking hilig na sawsawa nyan. hehehe
Ako basta prutas game
Kahit ano pa yan
Pwera durian
Galing kami Davao for work
Kahon2x ng suha binili ko
Sana pala binentahan kita
Nyahaha
wahhhh suha!!! pahingi naman rafter oh sige na.
alam mo pinagpapala ang may mabubuting puso at nagbibigay ng suha sa akin. hehehe
Ilan ba gusto mo?
Nyahaha
isang kaing! yes! pamasko muna sa akin yan. ayeee!
Hindi ko alam kung ano ang pagkakaiba ng mga yan, basta alam ko lahat sila maasim. Kasing asim ko. Ahihihi.
ay agree ako dyan, si salbehe ay combo ng suha, orange, dalanghita at calamansi. heheeh
Pingback: what is citrus aurantium? | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
Naks, may mga epek-epek na sa mga pictures ha? Ok naman ako sa mga prutas in general, gulay lang talaga ang ayaw ko. Hehehe.
kailagan yang epek na yan para cool hehehe. yan pa lang kaya eh. wahehehe
ako maarte talaga sa lahat ng klase ng prutas. di ba nga may allergy pa ako. wahhhh