Nakabili ka na ba ng Songhits (o dapat na songbook)? Dati sikat na sikat iyon sa mga bangketa kasama ng mga dyaryo, magazines, at komiks. Nauna ko pa atang binabasa iyon kaysa libro kahit na tyagaan na paputol-putol, ‘di ko naman alam maggitara, at malamang mali-mali rin yung mga nakasulat na lyrics.
Siguro mga 2009 or 2008 nang huli akong makahawak ng song hits. Wala halos pinagkaiba ang content except sa medyo mas malaki yun sa karaniwan, medyo somosyal at may mga intensive interviews na sa mga artists and DJs. Mayroon pa ring guide ng guitar, keyboard and flute chords na sakto sa gitnang bahagi kung saan makikita ang malaking staple wire na nagkakabit sa mga pages.
Mayroon din akong kaisa-isang songbook na nasimulan ko atang mabuo nung nasa high school pa ako. Ang cover nito dati ay folder na ng isang project ko na mataas ang grade ko (kailangan talaga may mataas) at ang mga laman ay mga papel na may mga sulat na sa likod (mga photocopy). Dito ako nagsusulat ng mga lyrics na kanta na gustong-gusto ko o nais kong matutuhan.
Nang tamarin na ako at may opportunity naman na makapag-print, idinidikit ko na lang yung pini-print kong lyrics na ang liliit ng font size ( my favorite Verdana 8/ Garamond 10). Tapos, dapat .5” lang ang margin ng bawat sides then naka-two columnspa. Kung nakiki-print at ubos na ang black ink kahit yung masakit sa matang kulay puwede na. hehehe!
Mahaba rin ang panahon na hindi ko nabuklat ito kaya naman nakenkoyan lang ako sa sarili ko nung makita ko ulit. Kahit anong gupit, kahit anong kulay at kahit medyo labu-labo na yung mga kanta go lang ako ng go. Nakakatawa pati yung mga pinagdidikitan kong papel ay mga photocopy ng mga pinag-aralan ko dati. Wahahaha!
Nakalimutan ko na nga na pinalitan ko na pala ‘yong folder nito at naikategorya ko na ‘yong mga kanta. At heto pa, mayroon pa rito yung mga notes para pagko-compose ng ringtones para sa mga old units ng cellphones.
Pansin ko lang na may ilang kanta na makailang beses ko pa lang naisulat o nailagay dito gaya ng On My Own ng Les Miserables, I don’t Wanna Wait ni Paula Cole, mga kanta sa Meteor Garden.
At oo pinag-aaralan ko ‘yong mga kanta sa mga Asian (Wedding, Hana Kimi at MG) and Latin TV series. Pero wala pa ang mga iyon sa mga saulo kong kanta mula sa mga anime series tulad ng Ghost Fighter, Voltes V, Daimos, Slam Dunk, Inuyasha, Samurai X, BT’X, Doraemon, Card Captor Sakura, Akazukin Cha Cha at marami pang iba. Sige sama na natin ang Bioman, Maskman, at Shaider.
songhits haha nung highskul ako lagi ko binibili ung brkada ko nyan kasi magaling sya mag-gitara sapilitan ko siyang pinapatugtog hihi…
happy bday sa hoshilandia^^ rakenroll!
salamat sa pagbati Joyo!
naku eh mukhang tuwang-tuwa naman ata yung kabarkada mo sa iyo, biruin mo nalilibre siya ng song hits dahil sa iyo.
mabuhay!
uy uy meron din ako nung jollibee na casette kulay maroon!!
at meron din ako mga nakaprint sa kokomban mga songhits with guitar chords! kapatid ko taga gitara, ako tagapag-wala
wahaha
tagapag-wala talaga!? puwes pareho lang po tayo tito hahaha!
talaga meron ka rin nyan? memorable sa akin yan, kaya ayoko pamigay. sabi kasi sa nanay ko bat isa lang daw bibilhin nya, sabi niya isa lang naman ang bunso ko e. hahahaha
yun ang kuripot na sweet. hehehhe
happy valentine’s day tito, belated na pala
naks kaka tats naman yunnnnn 😉
belated
happy valentines hohoho
korek, kaya ayoko pamigay. saka mas malakas yung sagap nya kesa tape recorder ko. at napapakinabangan ko pag walang ilaw.
may naalala ako bigla sa ganto. yung kaklase ko nun na super weird.
mula elem kami, nagsusulat na sya ng lyrics sa notebook nya.
nung 3rd year high school kami, last year na magkaklase kami. yung songbook nya eh singkapal na ng 6 na notebook na spiral na pinagpatong patong.
yikes. hahaha!
hala, naisip ko daw bigla kong weird na ako. hahaha
pero sana yang kaklase mo ay magaling naman sa music para may significant naman ang pagsusulat nya ng lyrics ng singkapal ng 6 notebooks.
noong kapanahunan ko
usong-uso yan
hwag na hwag mo lang maitanong kung kelan pa ang kapanahuann ko, ha
hehe
happy valentine’s day nga pala
san ang date?
=P
oo hindi ko na itatanong, sa mga linya mo pa lang mapaghahalata na matagal nang panahon iyon.hehehe
pero huwag kang mag-alala sa mga umpukan na talagang mahilig sa music ay di pa rin nawawala ang song hits.
happy valentine’s day din!
sa sto.domingo at banawe kami. ikaw?
happy birthday nga pala ke junior
yun cake nya on the way na
bakit sa banawe?
bumili ka ng chop chop na sasakyan ano!
baka si junjun yan
waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh
Salamat sa pagbati!
oo este hindi noh, dun kami bumili ng paborito kong sapin-sapin.
Happy Valentine’s Day ate Hoshi 🙂
May ganyan din ako, pero iba’t-ibang notebook ang gamit ko, hindi pa ko nakapuno ng isa. haha!
Ang galing lang.
wow, ok lang yun pagsama-samahin mo na lang ala, encyclopedia. hehehe!
Happy Valentine’s Day Jec!
meron din akong songbook pero hindi ako naging masipag sa pagkopya talaga tulad mo.heheh.^^
belated happy birthday hoshilandia.com 🙂
pasensya naman, at busyness ang drama ko..at tsaka di pa rin ako marunong talaga gumawa ng mga sa paint kaya heto lang kaya ko(pang-grade 1 pa rin).^^
http://katrinadanieles.files.wordpress.com/2011/02/for-hoshilandia.jpg?w=300
http://katrinadanieles.wordpress.com/
happy birthday ulit!^^
oo wan ko nga ba at masipag pala ako dati, wahahaha!
salamat Kat, okay lang alam kong palaging busy ang mga estudyante lalo na pag ganitong peak season. hehehe
mabuhay!
tama nung HS ako uso yan, kasama ang kantahan + gitara + song hits kapag breaktime! hahahaha oh good old days!
alam ko yung kanta ng BT X sa tagalog
“maglalakbay ako patungo sa kawalan, upang abutin itong pangarap sa buhay, at susuungin ko….”
hahahaha
saulo mo nga ang BTX pong, ikaw ang bigatin! hehehe
oo saya pag ganyn ang session, nangarap talaga ako na matuto na maggitara kaso ewan bat hirap na hirap na abutin ng mga daliri ko yung mga strings. dambuhala ata ang mga gitara dati e, chuz!
mabuhay!
happy birthday sa hoshilandia.com
ako sa march 3 pa ang burtday ng shynyrd… ayiiiiiiii
meron din ako songbook, sulat kamay din… ayun ninenok nung hyskul.. bwahahaha
kaya di na ako gumawa ulit…
Salamat Shea! Aba isang buwan lang pala tanda ng Hoshilandia Jr. ko shynyrd mo.
Mukhang ako ata kumuha nun shea, wahaha. ako kasi ang nakikihingi, kumukopya at nakikiprint nung high school at college. nitong nagwo-work na ako, videoke na talaga. hehehe
Pingback: Old and Cheap music book | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI