Para sa hindi nakakaalam ipinagdiriwang ngayong Hulyo ang friendship ng Pilipinas at Japan. At isa sa palaging nagaganap ay ang Eiga Sai o Japanese Film Festival na sa piling lugar ginaganap. Nitong Hulyo 1- 10 ay nasa Shangri-la Plaza Mall (Shaw Blvd, EDSA) ito at sa August 17-19 naman sa UP Film Center.
Tampok sa Eiga Sai ngayon taon partikular na sa ipapalabas sa UP ay ang mga pelikulang Summer days With Coo, Yunagi City- Sakura Country, Villon’s Wife, Your Friend, Feel The Wind, Climber’s High, The Chef of South Polar, at The Summit: A Chronicle of Stones.
Bukod sa mga ito ay ipapalabas rin ang One Million Yen Girl at the Departures na mas interesado akong makita. Ang mga ito rin ang hinahabol ko sa Shangri-la noong nakaraan kaso hindi ko na-anticipate na ganoon kadami ang nakapila. Gusto na nga lang namin manood ng Temptation Island kaso marami rin ang nakapila. Ano pa kaya kung Harry Potter na. hohoho!
Anyway, maliban sa Eiga Sai na mayroon din sa Ayala Center Cebu at Gaisano Grand City Mall (Davao City) ay on going pa rin ang Japan: Kingdom of Characters na nagbukas noong July 7 at tatakbo hanggang August 20 sa Catwalk Gallery of the Metropolitan Museum of Manila. Tanong pupunta kami, oo naman. Kailan? Isang lihim na malupit!
Pingback: Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI
Meron akong Departures at saka Chef of the South Polar kung gusto mo. Hehehe. Grabe yung Departures, nangingilid ang luha ko tuwing mapapanood ko yan. Nakakatatlong beses na ako pero hindi pa rin ako nagsasawang panoorin.
oo gusto kong mapanood, pahiram please!!! maganda ba yung chef?
sorry, ha
i know past is past
pero i can’t get over the fact how badly their ancestors treated ours
hindi ako maka-move on
hehe
hai! okay lang naiintindihan ko at nirerespeto ko ang iyong opinyon. (seryoso daw ang sagot, hehehe)
salamat sa pagbisita sa site ko,anong pinagkakaabalahan mo ngayon, maiba ako kailan ka po nag start na mag blog? Pwedi change link tayo. inilagay na kita sa blogroll ko ngayon para hindi na ako mahirapan sa paghahanap, isang click lang di ba?
naku kuya matagal na kitang nailagay sa blog roll ko dito. makikita mo sa page na ‘contact and links’ ang iyong name. pero di ata elpidio name mo doon kundi erje garimbao
kailan kaya mapapadako dito saa amin yang japanese film na yan, baka pagdating dito eh ja-panis na. ha..ha joke only.Ingit lang ako kasi wala na akong panahon sa panonood dahil sa busy ako ni halos di ko na mahati ang oras ko.
sana makarating din nga sa inyo. hmmm tingin ko matagal na rin naman napanood sa japan yung mga ganitong film . kung baga yung napipili nilang ipinalabas sa ganitong film fest ay yung mga box office and award winning sa kanila. saka for me, basta classic film hindi naman napapanis. hehehe
naku mukhang hectic nga lagi ang sched nyo. makakahanap din kayo ng time nyan. mabuhay!
Pingback: Eiga Sai – Japanese Film Festival « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI