Itsura ng Jukebox


Nagsimula sa salitang naririnig, napapanood at nababasa pero hindi nagtagal ay nakakita na rin ako ng totoong Jukebox unang-una sa Adarna Food House.  Hindi ko alam kung gumagana pa iyon pero  mabuti naman at finally ay hindi na lamang mga mukha nila Imelda Papin, Claire Dela Fuente at Eva Eugenio ang maiisip ko ‘pag nabanggit ang Jukebox. O siya kahit idagdag pa natin sina April Boy Regino at Renz Verano.

Jukebox

Kapag napapanood ko ang mga pelikulang may jukebox, parang super exciting kapag nakapaghulog ka ng barya at marinig mo ang kantang gusto mo rito. Tila maa-outcast din ang DJ sa machine na ito na puro plaka ang laman sa loob. Barya lang pero maipaparinig mo rin sa iba ang kantang  trip mo.  May nagpatayan kaya noon dahil sa kantang  pinipili sa Jukebox gaya ng pagkanta sa Videoke?

Hindi ko matandaan pero tingin ko may mga singers na thankful sa pagsulpot ng jukebox. Gayon din ang music industry  sa ‘Pinas o sa ibang bansa dahil sa debaryang music box na ito ay maraming kanta ang sumikat at naging classic na.  ‘Pag may nagregalo sa akin nito, hindi ko tatanggihan kahit takaw space kasi parang iba ang character pag naka-display sa kitchen (kitchen talaga).  Sa ngayon nagkakasya muna ako sa nabili kong jukebox sa Restaurant City. Hehehe!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “Itsura ng Jukebox