C ko sa C2: Classic Cuisine


Kahapon naaya ako na kumain sa C2: Classic Cuisine… na nasa Atrium, Megamall. Kumpara sa mga katabi nitong establisiemento sa nasabing lugar ay lutong ulam na Pinoy na Pinoy ang laman ng kanilang menu.

C2 ChamporadoAt sa kabila ng Crispy ribs sinigang, pinakbet, rice aligue na pinag-o-order ng mga kasama ko. Ang inorder ko at nilantakan ay ang kanilang champorado with dilis. Siempre mahal na mahal ito para sa nakasanayan kong champorado sa kanto, eh kaso nalibre ni sir TIM Ramos e, try ko na nga. Alam naman kasi ng mga kasama ko na isa ito sa paborito kong pagkain. Sabi ko nga at ng mga kasama ko, tingnan ko daw kung tatalunin nito ang luto ni Aling Guia. At nang makatikim naman ako ng sosyal na champorado.

Bago ko hatulan ang champorado ko na nasa barkong pinggan, gusto kong sabihin na nagustuhan ko ang kanilang Aligue Rice at sabaw ng kanilang Crispy Ribs Sinigang. Sabaw lang talaga dahil hindi ko naman nakain yung laman. Hehehe! Masarap din ang kanilang Seafood Inasal

Nung tinanong ako kung anong rate ko sa champorado, sabi ko 89% (out of 100%). Masarap naman, malinamnam, okay ang presentation at magigiliw naman ang mga waiter. Ang problema lang ay ang OA ng presyo, champorado for Php 185. Ako na ang kuripot, hehehe!

‘Pag bumalik ako roon susubukan ko ang Puto Bungbong Shake at ang iba pang desserts.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

24 thoughts on “C ko sa C2: Classic Cuisine