Marami akong kinaiilangan, kinatatakutang subukan, pag-ibig na… at pangarap na hindi matupad-tupad. Dumaan na ba ako sa depression? Nakakaisip na ba ako ng weird stuff? Puwede! But I’m thankful kay Lord because whenever I feel sad and frustrated, nakakatulong ang mga arts ko sa katawan
Kini-claim ko that I’m an ambivert. I hang out with my friends and colleagues. Occasionally, I travel, attend interesting seminars, and do unusual activities. When I was in high school kina-career ko ang performing arts sa stage. Gumanap na ako na Donyang pakilamera, Inang may addict na anak at palikerong asawa, si Gabriela Silang, si Josephine Bracken (isipin mo na lang umitim siya), socialite Inday (my fave) , mag-ala Annabelle Rama, ang isuksok sari-saring characters sa iisang bonggang katawan at mag-monologue con mag- impersonate.
Pero first love ko talaga ang Dancing. Baka nasa sinapupunan pa lang ako ay nagmo-moonwalk na ako. Natuto akong magsayaw sa kakapanood ng TV. Wala akong kinikilalang personal teacher basta alam ko gusto kong tularan ang showmanship nila Michael Jackson, Britney Spears, Beyonce Knowles, at Shakira. Kaya ko ang mag-ballroom dancing, konti ng belly dancing at siempre hip hop. Ang hindi ko trip ang mag-costume ng sexy.
Balik tayo sa pagiging ambivert ko kasi I admit loner din ako. I prefer to think/solve my problem before I discuss it with my friends. Ayokong-ayoko ang ini-invade ang privacy ko, masyadong mataas na expectation sa akin, at pinipinsala ang malaya kong pagdedesisyon.
Yes, I dance alone kapag nasasaktan ako. Kumakanta ako sa videoke ‘pag galit na galit ako. At ang ironic nito, mas nakakaisip ako ng kalokohan sa pagba-blog kapag frustrated ako. Madalas in-advice ko sa iba na imbes na pagra-rant i-divert ito sa something artistic or entertaining. Puwede kang gumawa ng tula tungkol sa kalungkutan, humabi ng kwento, mag-photography, painting etc. Puwedeng mahirap pero hindi po ba walang sinumang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo rin. Ang pagkimkim ng sama ng loob nakaka-dyspepsia, nakaka-stroke at nakakapatay o nakakapagpakamatay.
At dahil may mga gusto akong ‘di natupad ngayon, baka bumili na talaga ako ng gitara sa December bilang Christmas gift! Total country singer na ang itsura ko ‘pag nagkataon. Babalot ko pa kaya para mas exciting?
Note: Ang inspirasyon ng post na ito ay mga nagpapatiwakal dahil sa depression.
Pingback: Groove Tourism: Dance Xchange, Sayaw Palawan! - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Life Is A Cycle: Be Happy with Giving and Planning
Pingback: What is writing? | aspectos de hitokiriHOSHI
ahaha! at dancer pala ang ale… di ako marunong sumayaw kahit gapiranggot. ikaw na! 🙂
naku baka naman sobrang mag-expect ka. tamang sayaw na nakakasunod lang ako. hindi ang showgirl. hahaha!
okay lang yanm kanya-kanyang talent lang yan.
nyahaha
josephine bracken
naks, naman!
idol!
hehe
ikaw na ang Ralph Recto, without effort!!!! hahaha
Hi po Hoshi…
aba, magandang outlet ang mga binanggit mo.. ayos yan..
minsan noong hindi pa ko nag bablog.. kapag inis ako, malungkot, o galit o kaya nagseselos eh dinadaan ko sa magsusulat. Wala lang, nagsusulat lang.. un ang outlet ko. Nakakatulong naman kahit paano. 🙂
ganda ng post mo ha..
magandang araw sayo 🙂
salamat at nagustuhan mo ang post ko! magandang araw din!
by the way, bukod sa arts ay marami pang puwedeng dibersyon ang mga tao. nariyan ang photography, stamp collecting,sports, travel at siempre pagdarasal.
Pingback: Frustrated Artist? Wrong! Frustrated? Be an Artist! | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI