In almost two days na-kick out ako palabas ng Hoshilandia.com bunsod ng sarili kong kabuktutan. Nagmarunong at inakalang kakayanin, iyon pala wala. Boooh! Second time ko na ito, hopefully last na rin. “I tried so hard and got so far but in the end it doesn’t even matter.”
Honestly, kapag naka-dotcom ka para kang nag-iisa. Ikaw ang magso-solve sa sarili mong problema compare sa wordpress.com. tama lang “great liberty comes with great responsibility.” Pero may matatanungan ka naman e, “ humiling ka at ikaw ay pagbibigyan.”
- Don’t panic. Dali sabihin no? Oo naman. Pero mahirap gawin? Correct! Pero try so hard kasi once na puro panic ang nandyan sa kalooban mo, ‘yon din ang lalabas. Ano bang ini-expect mong lumabas sa masamang hangin sa tyan? Cologne? Pero minsan ang slight na panic nakaka-motivate at kung minsan ay nagdadala ng adrenaline rush.
- Remember your mistake (s). Masakit pero kailangan mong ulit-ulitin ang mga pangyayari. Kasi kung hindi kahit paralysed na ang investigation at dead end ang kaso. Kapag sinisisi mo ang sarili mo good! Sa pagsisisi nagsisimula ang pang-unawa at pagkatuto ( may ganun talagang effect!)
- Check possible solutions. Isipin mo namimili ka sa hardware. May madaliin pero mayroon ding gamit na do it yourself. For me nakakatuwa kapag ako mismo ang nakaka-solve ng problema ko. Parang kapag naliligaw, kakaikot mo marami kang nalalaman na daan at kapag nakabalik ka na ay mas maaalam ka na. Nasa sa iyo kung magse-settle ka na sa isang sagot pero puwede rin namang mamili ka pa para masabi mo kung ano yung pinaka-the best, pinakamadali at pinaka-safe.
- Ask your webhost/ ftp client – ako kasi ‘di ko alam or dati wala akong paki sa ftp client basta nagba-blog ako. Importante pala ito lalo na sa mga ganitong situation. Buti na lang si Salbehe ang webhostess ko este under ako sa webhost nya (sorry di ko alam kung tama ba ang pagkakasalaysay ko). Pero thank you again and mabuhay kay Salbehe!
- Consult –
- Forums -wordpress.org – anything you want to know ay nandito na, kailangan mo lang mag-search ng same problem ng sa iyo or mag-post ka mismo ng new topic. May sasagot sa iyo at magbibigay ng mga suggestions kung anong magandang solusyon. “WordPress >> support>> How-To and Troubleshooting”
- Video tutorial – since marami pa ang gaya ko na mahina sa terms at sumunod sa direction sa text, makakatulong ng malaki ang video tutorial like ng mga napapanood sa Youtube. Mas madali kasi halos titingnan mo na lang kung ano’ ‘yong pinagpipindot nung nagtuturo.
- Ask the expert – Puwede namang una ito para mas madali at menos mistakes. Sadyang may kagaya ko lang na gusto ng long cut at gusto i-try muna i-solve. Suwerte ko lang at nasa paligid-ligid lang ang expert na si Marion Louis Tinio. Sobrang thankful ako sa kanya, isa pa SOBRA!
Yes balik Hoshilandia na ako, back to blogging, back to my personal blog magazine!
ahaha! like ko ‘to. title pa lang, like na agad. ikaw na, hoshi!
dalaw lang po. musta? 🙂
oo naman, hehehe
mabuti naman po. buma-blog pa rin gaya mo. hohooh
mabuhay sa iyo!
Pingback: Hitokirihoshi has a 4th degree PEBA | aspectos de hitokiriHOSHI
Naku, tiyak na bonggang-bongga ang pabuya ni Marion para sa pagtulong sa iyo! Hahahaha!
ayaw nga e, ayaw ng kape at load. wahaha pero nung may binaggit akong pangalan. dun nag-react. peace Marion!
Pagawan mo na lang ng fansign na hawak ni *toot* tapos nakasulat, “Salamat Marion! – from Hoshi” tapos picturan mo. LOL.
hmmm iniisip ko pa raw kung sino si toot, buti na lang nakuha ko. hahaha
good idea kundi pa nya ma-appreciate ewan ko na lang.
parang nawala comment ko 🙁
napunta sa spam area… buti na lang matyaga ako magtitingin dun hehehe.
hahaha, ikaw rin pala kinabahan ng bongga! gudlak sa atin sa mga susunod pang mangyayari lolzz
oo kabadong-kabado kasi biruin mo paano na lang kung lahat ng pinaghirapan at nagawa mo ay mawawala ng ganun-ganun lang.
oo good luck sana wag na maulit ever. mag-aaral muna ako ng matindi sa ganitong aspeto bago ako maggagalawa ng kung anu-ano. hohoho.
Happy you’re back!
thanks-thanks Unni!
hello! buti na lang adventurer ka ano, kasi sabi mo nga ikaw din ang nakaka solve ng sarili mong problem parang ganito, tanong mo sagot mo oh di ba? ang masasabi ko lang don’t give up to find the way kung sakaling mawala ka…you will learn things from your mistakes, amd from that you’ll make it better…
“you will learn things from your mistakes, amd from that you’ll make it better…” – like ko ito kuya at ito ang battlecry ko kapag nasa point ako pagsisisi hehehe
anyway, marami akong natutuhan sa pagsolve ng problemang ito pero ang talagang nakatulong sa akin ng malaki ay Marion Tinio tas support na rin si Salbehe.