Scrapyard Café and Restaurant


scrapyard 1Alternative  sa paborito kong food na champorado,  ang lugaw ang isa kong hinahanap lalo na kapag nilalamig ako, umuulan, at brownout.

Sa una kong paglibot sa Angono ay napakain ako sa Scrapyard café and restaurant. Sabi ng nagdala sa akin dito na si Jovy ng Verjube Photographics ay masarap daw ang lugaw rito. Siguro marami sana akong sinubukan na kainin dito pero dahil napakain na ako bago pa kami bumyahe ay lugaw na lang talaga ang natikman ko.

Pasado naman ang nasabing lugaw . panalo sa init, tamang timpla at  kalidad ng kanin. Okay din sa akin ang lalagyan nila ng pagkain at casual way na pagse-serve nila sa amin ng pagkain.  In fact, medyo mas trip ko yung hindi ka mangingimi dun sa waitress  parang puwede mong tawagin anytime.

Umorder din ako ng paborito kong panghimagas dito, ang tokwa (‘t baboy) na may toyomansi . Dun lang medyo sumablay kasi matigas at hindi ko mangata at hindi pa talagang tadtad ng bongga. Baka ganun yung type na mabili sa kanila pero hindi ko trip ang ganoon sorry.

scrapyard 2

Chopsuey and Tokwa

Ang pinakagusto ko sa lahat dito ay ang ambiance ng lugar. Unang-una ay nasa highway lang so madaling mapuntahan lalo na kung gutom na gustom ka. Hindi ito air conditioned at hindi rin naman ganoon kagara pero tamang masarap kainan ng kahit sinong hindi maarte. Ilan sa kasabay naming kumakain ay mga matatandang lalaki at mayroon ding pamilya. Kung papansinin masisigasig namang magsipagkain kahit nagkukuwentuhan.  Siguro kunting ayos pa, maiging-maigi na siya. Pero sa akin sakto na ang dating.  Maiba lang sa karaniwang kainan na matakaw sa kulay.

Sa halaga ng pagkain, mura  naman. Yung mga kinain ko with soda na ay less 50 pesos lamang.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

14 thoughts on “Scrapyard Café and Restaurant